Thieve

256 23 5
                                    

Hi kina charmz1820 atraliv GemmaHermogenes8 and XiaUy4 and of course sa ating bida😘

Lahat ng CCTV sa buong Palawan ay ipina hack ni Giovan sa paghahanap lang sa babaeng iyon ngunit ni isa doon ay walang nakita na mukha ng babaeng hinahanap niya.

Napapaisip tuloy siya kung bakit ni mukha ng babaeng iyon ay walang record sa mga cctv na hinaluhog nila ng pinsan niyang si Davros.

"So odd." Aniya.

Buweset siyang lumabas sa kuwarto at malalaking hakbang na tinungo ang parking lot kung saan may dalawang klase ng kotseng mamahalin at dalawang motor na hindi rin biro ang halaga at isang pick up na madalas gamitin ni mang Istoy upang ihatid ang apo nito.

Dinampot niya ang susi ng motor ngunit agad din niya itong binalik sa lalagyan ng mga susi at mas piniling mag commute na lang. Gamit ang Uber ay nag pasundo siya at pagdating sa baywalk ay bumaba siya doon at tinawagan ang isa sa kakilala niyang police upang samahan siyang tumambay pero nasa duty parin ito kaya wala siyang nagawa kundi ang mag lakad lakad at tanawin ang mga taong nag lalakad at ang iba ay nag b-bisekleta na mga bata at matatanda. Umupo siya sa isa sa mga bench doon at hindi pa umabot ng tatlong minuto ay naramdaman niyang muli ang pakiramdam na tila may nag mamatyag sa kanya.

Mula ng makababa siya sa sasakyan ay naramdaman na niya iyon at kunwari ay hindi niya ito napapansin at nag patuloy lang siya sa pag lalakad at ito naman ay nakasunod sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone at muling pinagana ang mga insects na pinakawalan niya.

Tumayo siya at nag patuloy ang pag kunwari saka bahagya siyang nakipag sabayan sa mga taong nag lalakad ngunit hindi pa man gaano siya nakakalayo sa kina uupuan ay may naka bangga sa kanya mula sa likod at sa lakas nito ay pariho silang natumba at nakadagan sa kanya.

"Pasensya na Mr, medyo nag mamadali kasi ako eh." Paliwanag nito saka paluhod na bumangon mula sa pagkakadagan sa kanyang likuran ngunit hindi rin ito tumayo instead nanatili ito sa position na nakaluhod paharap sa kanya at naka yuko habang humihingi ng Pasensya.

Mabilis siyang bumangon at nag squat paharap sa taong bumangga sa kanya at sinamaan ng tingin.

"You!" Aniya.

Tila natakot naman itong tumingin sa kanya sabay kagat ng ibabang labi kaya napasunod doon ang mata niya.

"A-ano? Bakit po?" Nauutal pa nitong tanong.

"I know you!" Aniya pa saka hinagod ng mata niya ang buong mukha ng taong makaluhod sa harapan niya saka muling bumalik ang mata niya sa labi nito bago ulit tumingin sa mata ng babae. "I remember you!" Nag tatagis na bagang niyang sabi.

"May problema ba Mr? Mukhang galit ka." Mahinhin nitong sabi saka nabaling ang attention nito sa kabilang side at akmang may pupulutin ngunit mas mabilis ang kamay niya at tinapik ito at siya mismo ang pumulot sa wallet at binuksan.

"Right, It's you! Ikaw nga iyong sumipa sa junior ko at ninakawan mo pa ako!"

Napasinghap naman ito at nanlalaki ang mata na tila natataranta saka mabilis na tumayo pero mas mabilis siya at hinuli ang braso nito ng magtangka itong tumakbo. "Where do you think your going woman?"

"Tika Mr, baka nagkakamali ka hindi ako ang sumipa sayo isa pa hindi kaya ako pumunta sa lugar na iyon, lasing ako noong isang araw kaya bakit sisipain kita dyan sa ano mo?" Rason nito.

Naningkit ang mata niya dahil sa tinuran ng babae at higit sa lahat hindi siya basta napapatumba pero hindi niya aakalain na sa dinami dami ng taong makakabangga sa kanya ay ang taong kahapon pa niya hinahanap."So Ikaw nga talaga iyon. Come with me dahil dadalhin kita sa prisento."

"Tika hindi nga ako iyon baka nag kakamali ka ano ba!" Pilit nitong pagpupumiglas pero hindi niya ito pinakawalan.

Sakay ng motor seklo ay dinala niya ito patungo sa prisento kung saan naka duty ang kaibigan niyang police.

"Abah pre, bakit may dala kang magandang dilag?" Salubong ng kaibigan niya sa kanya.

"Maganda?" Aniya saka umismid. "Baka tikbalang kamo lakas makasipa eh!"

Tumawa ang ilang police na nandoon maski ang chief din ng mga ito ay Natawa din dahil sa tinuran niya.

"Huwag kayo mag1papalinlang sa babaeng ito dahil tikbalang na nga mag nanakaw pa!" Muling sabi niya.

"Kung ganun siya iyong naririnig namin na babaeng snatcher?" Sabat ng isang police.

"Hoy! hindi ako yun ah!" Agad naman na depensa ng babae.

"Eh bakit ninakaw mo ang wallet ko? Bakit nasayo ito?" Pang hahamon niya habang winawagayway sa mukha nito ang wallet niyang ninakaw

"kasi...."

"See! your a thieve!"

"Oh, ikulong na yan." The chief said kaya mabilis na umaksyon ang tatlong police at dinala sa kulungan na walang ibang tao.

"Hoy! Hoy! Ano ba pakawalan niyo ako dito mga walang hiya kayo! pag ako makalabas dito patay kayo sa akin lahat!" Gigil nitong sigaw habang inaalog yung selda at ang mga paa nito ay nakadikit narin sa bakal habang nangangalumbitin at inaalog na tila isang baliw. "Hoy!"

"Hoy Babae! bumaba ka nga dyan para kang unggoy sa ginagawa mo!" Saway niya dito ngunit isang pakyo ang binigay nito sa kanya.

"Kasalanan mo 'to!" Sigaw nito habang pulang pula na ang mukha dahil sa inis sa kanya.

"Bakit kasalanan ko pa? ako ba ang nagnakaw?" Balik niyang tugon na tunog sarkastiko.

"Hindi ko nga iyan ninakaw gago ka!"

"Magsisinungaling ka pa! iyong mukha mo tandang Tanda ko rin baliw kang babae!"

"E di nagandahan ka sa akin kaya hindi mo ako nakalimutan." Laban nito at ngumisi pa.

"Aba't. Hoy babaeng tikbalang huwag kang feeling Maganda!" Pambabara niya habang nakataas ang isang kilay.

Habang patuloy ang sagutan ng dalawa ay patuloy naman ang tawanan ng mga police na nandoon habang nanonood sa bangayan ng dalawa na walang gustong magpatalo lalo na ang babae na ayaw umamin sa kasalanan nito at pilit inaabot si Giovan upang sabunutan ito ngunit nang aasar naman ang isa kaya gigil na gigil ang babae kaya sinipa pa nito ang rehas habang dinuduro siya na maslalo niyang tinawanan upang asarin lalo ang babae.

"Mabulok ka dyan." Aniya kaya kinuha ng babae ang isang sapatos na luma at putikan saka binato ito sa kanya ngunit mabilis siyang nakaiwas kaya tumama ito sa mukha ng chief na ikinagulat ng lahat maski ang babae ay natigilan din at nakadama ng takot na baka ma doble ang kaso niya at tuluyan siyang makulong ng matagal.

"Diyos ko wala akong pangpiyansa." Bulong ng babae sabay kagat sa kuku dahil sa takot.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon