UNEXPECTED

230 20 10
                                    


DUMATING sila sa Pilipinas bandang hapon at dumeretso sila sa isang mamahaling restaurant gaya ng plano ni Giovan, at pagdating doon ay ramdam niya ang kaba ni Jamaica kaya pinisil niya ang kamay nito at tipid na nginitian.

"Bakit ba gusto mong ma meet ko ang magulang mo?" Kabadong tanong nito.

"Basta, it's a surprise." Tugon niya pero inirapan siya nito.

"Don't tell me may balak kang mag propose? Sana sinabi mo sa akin ng maaga para yes na kaagad ang sagot ko."

Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi nito. "Assuming karin little frog."

"Gago nito. Eh para saan ba ang meet the par--

"Ate?"

Natigilan si Jamaica ng marinig ang boses ng isang batang babae.

"Ate!" Sigaw nito muli saka mabilis na tumakbo papalapit sa kanila habang si Jamaica ay tila natuklaw ng ahas dahil sa gulat habang namumutla at hindi gumagalaw.

"Maidenette." Wala sa sariling usal nito.

"Maidenette!" Sigaw nila Franco at Tomey saka tumakbo palapit sa batang babae upang salubungin ang nakababatang kapatid hanggang sa nagiyakan ang mga ito.

"Saan po kayo nagpunta kuya? bakit hindi niyo po ako sinama?" Umiiyak na tanong nito.

"May mga bad guys na-amhp!" Ungol ni Tomey ng takpan ni Franco ang bibig nito.

"Hindi kapa pwede doon dahil maliit kapa." Tugon ni Franco.

Ngumuso si Maidenette at nilingon siya habang umiiyak parin.

"Ate!" Sabi nito saka tumakbo palapit sa kanya at niyakap ang binti niya.

Dahan dahan siyang lumuhod upang pantayan ito habang nanginginig at nanlalamig ang kamay na hinawakan ang mukha ng bata.

"Na miss ko ang bungi mo Maimai." Pang aasar nito sa bata ngunit hindi maitatago sa boses ni Jamaica ang kaba hindi para sa pagkikita nila ng magulang ni Giovan kundi sa dalawang taong kaytagal niyang gustong lapitan ngunit hindi nito magawa at ngayon sigurado siyang nandito ang mga ito dahil nandito rin si Maidenette kung saan niya iniwan ang bata na tanging sulat lang ang dala bago siya tumulak patungong russia.

Nagpadyak ng paa si Maidenette ngunit natawa din sa huli habang umiiyak.

"Anak?" Narinig nilang malumanay na boses kaya dahan dahan nabaling ang attention ni Jamaica dito habang nanginginig ang labi upang pigilan ang hagolgol na gustong kumawala.

Binalingan siya ni Jamaica at nakita niya ang pangingilid ng luha sa mata habang nangaakusa ng tingin.

Nginitian niya si Jamaica bilang tugon at alam niyang mamumura siya nito mamaya dahil wala pa ito sa usapan at hindi ito ang araw na gusto nitong makita ang totoo nitong magulang but he wanted to surprise her kahit ito na muna ang mabigay niyang regalo para kay Jamaica.

"M-mom." Basag na boses na sabi ni Jamaica ng makilala ang ina. "Mommy."

Lumayo siya saka tinawag ang tatlong bata upang bigyan ng oras ang dalawa.

*********

Unang apak pa lang ni Jamaica sa restaurant ay nakaramdam siya ng kakaiba at tila hindi mapalagay ang puso niya dahil sa bilis ng tibok nito. hindi niya maintindihan pero parang hinahanap ng katawan niya ang presensya na nararamdaman niya sa paligid at the same time ay kinakabahan siya ng subra na tila hindi maipaliwanag kumpara sa sinabi ni Giovan na ipakikilala siya nito sa magulang nito pero ang nararamdaman niya ngayon ay parang masaya na natatakot at excited. she dont know basta iyon ang nararamdaman niya hindi siya mapakali at nanlalamig.

Nang makita ni Jamaica si Maidenette ay biglang domoble ang kabog ng puso niya habang ang mga tuhod niya ay nanginginig at nanghihina dahil wala ito sa inaasahan niya.

Kabang kaba siya dahil alam niyang hindi makakapunta dito si Maidenette kung hindi nito kasama ang taong pinang iwanan niya sa bata.

Nandito sila at ngayon ay wala na siyang kawala pa dahil sigurado siyang pinlano ito ni Giovan.

Natatakot at kinakabahan siya dahil hindi niya napaghandaan ito kahit sinabi na niya noon na handa na siyang harapin ang dalawang taong konektado sa totoong pagkatao niya.

"Ànak?" Dinig niya na halos ikinamanhid ng buong katawan niya at tila hindi na maramdaman ang tibok ng kanyang puso.

"M-mom." Basag na boses na usal niya dahil sa bikig sa kanyang lalamunan. "Mommy."

Dahan dahan humakbang ang ginang at lumuhod ito sa harapan niya habang ang mga luha sa mga mata nito ay walang ampat sa pag agos at hinaplos ang kanyang mukha at sinusuri.

"Baby... Anak ko ikaw ba ito Jamaica? ikaw na ba talaga ito hindi ba nanaginip si Mommy, Hmm? Anak ko..Hindi, ikaw nga kahit ilang taon kitang hindi nakita alam ko ikaw ito, alam ko Jamaica dahil anak kita." Humahagolgol nitong sabi saka siya niyakap ng mahigpit.

"Minda?!" Dinig niyang bosses ng isang lalake mula sa likuran niya. "Anong nangyayari?" May lito sa boses ng lalake habang may pagaalala saka mabilis na lumapit ito sa kanila base sa mga yabag ng paa nito kaya dahan dahan siyang kumawala sa ina at nilingon ang kanyang ama na ngayon ay natigilan ng makita siya.

"Francesco! si Jamaica, anak natin!" Humahagolgol parin na sabi ng kanyang ina.

Kitang kita niya kung paano unti unting namilibis ang luha sa mata ng kanyang Ama ng tawagin niya ito.

"Daddy!"

Dahan dahan itong lumapit at kagaya ng kanyang ina ay lumuhod din ito habang nanginginig ang kamay.

"Buhay ka." Saka ito tumawa na tila hindi alam kung sabik oh tawa na hindi makapaniwala ngunit bakas sa mata ng kanyang ama na umaasa na totoong siya ang matagal ng nawawala nilang anak kaya nakapag disesyon siyang kantahin ang kantang noon na talagang pinagtatawanan niya na itinuro sa kanya ng kanyang Ama noong limang taong gulong siya at nasa gilid sila noon ng dagat habang hinahabol niya ang maliit na crab at ng mahuli niya ito ay agad din siyang nagsisi dahil inipit ng crab ang kamay niya at nagkasugat.

🎶🎼Tong,tong,tong,tong, pakitong kitong alimango sa dagat, malaki at masarap kay hirap hulihin, sapagkat nangangagat 🎶🎼

Tumawa ang kanyang ama kasabay ng pag yakap nito sa kanya ng mahigpit habang ang mga balikat nito ay nanginginig dahil sa pagiyak.

Yumakap din ang kanyang ina habang nag iiyakan sila ng tatlo.

"Tama ang hinala kong buhay ka anak, hindi ako sumuko at ni minsan hindi kita sinukuan Jamaica, Hindi ako sumuko sa pag hahanap at pag hihintay na baka sakaling bumalik ka sa amin ng Daddy mo, mo anak."

Tumango siya bilang tugon dahil alam niya iyon na matagal na siyang pinag hahanap ng magulang ngunit siya rin ang gumagawa ng paraan upang pigilan ang mga private investigator na hanapin siya para din sa kaligtasan ng mga ito at ng magulang niya lalo na't isa sa myembro ng Mamba Mafia ay spy at traydor kaya mas pinili niyang huwag magpakita sa magulang kahit gustong gusto niyang lapitan at mayakap ang mga ito kaya nagkasya na lamang siya na tanawin ang mga ito sa malayo at bantayan.

She know that her father can protect her mother pero hindi iyon sapat sa kanya lalo na't malaking tao ang kalaban nila kaya iyong mga panahon na alam niyang ligtas ang paligid ay lihim siyang pumasok sa kanilang bahay upang mayakap ang ina.

"Mahal na mahal ka namin anak."

"Mahal ko rin po kayo sorry po kung ngayon lang ako bumalik."

"it's okay princess, ang mahalaga ay nakabalik ka sa amin."Tugon ng kanyang ama.

"Nagugutom na ako, may Jollibee po ba dito?" Biglang sabi
ni Tomey habang inililibot ang tingin sa paligid. "Bakit parang wala po na tao?"

"Husssh!" Pagpapatahimik dito ni Franco.

Napahiwalay sila sa yakapan ng marinig ang boses ni Tomey na ikinatawa nila.

"Sino ang mga batang ito anak?" Naka ngiting tanong ng kanyang ina at akmang tutugunan niya ito ng makita ang pulang tuldok sa ulo ng kanyang ina at ama kaya mabilis niyang tinulak ang mga ito ng malakas kasabay ng pagtama ng dalawang bala ng baril sa kanyang dibdib.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon