Chapter 38: Mother
Gianna
Akala ko talaga kanina, wala na si Darlene. Akala ko patay na siya. Para rin kasing tanga 'yong doctor, sabihin ba namin sa amin ang gano'n? Sino ang hindi maiiyak? 'Yong Papa niya hindi na rin mapigilan ang pagluha. Sino ba namang hindi maiiyak kapag nalaman mo na ang anak mo ay namatay? Tapos babawiin pala dahil joke lang.
Sobrang sama tuloy ng tingin ng mga kasama namin sa kaniya kanina. Panay rin ang hingi ng sorry ng Doctor.
Pero shit lang dahil talagang nakakagalit ang nangyari sa kay Darlene. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi niya kilala ang mga taong gumawa no'n sa kanya.
Namumuhay lang siya ng maayos pero may biglang susugod at tatangkain na patayin siya. Hindi ko rin naman alam ang dahilan kung bakit siya ang target. Wala rin naman akong alam. Walang sinasabi sa amin si Darius.
"Ampucha talaga nitong lalaking 'to." At 'yon na naman ang malulutong niyang mura.
Nakatingin siya sa cellphone at halatang may ka-text. Parang hindi siya binaril sa likod at sa kanang braso dahil sa sobrang likot niya. Panay rin ang alis niya sa kama.
"Masasapak ko talaga 'tong si Velasquez," napatigil siya nang tumunog ang cellphone niya.
At nga pala umalis din ang lahat ng kaklase ni Darlene para puntahan si Dash, critical ang lagay niya ngayon ayon sa kanila. Nabaril raw siya at malapit sa puso. Hindi muna nila sinabi kay Darlene para hindi mag-alala kaso mukhang malakas talaga ang istinct nitong babaeng 'to dahil kanina pa niya napapansin.
"Oo na! Para kang ewan, hindi mawala sa isip mo, e, 'no? Bahala ka nga, papatayin ko na." Binaba niya ang cellphone. "Tangina, nakalimutan ko pang tanungin." Napairap siya."Nasaan ba si Dash? Siya lang ang hindi pumunta rito." Tumingin siya sa direksyon ko.
Nasa private room na siya ngayon. Ayaw niya na sa ICU siya dahil mukha raw siyang tanga roon at bilang lang daw ang pwedeng pumasok.
Umalis ang dalawa niyang kapatid kasama ang Papa niya. Umalis din si Lian kaya ako lang ang natira rito. Gusto ko siyang bantayan, actually. Hindi pa rin pala ako nakakatulog dahil sa ingay niya. Grabe rin kasi ang babaeng 'to. Hindi nauubusan ng energy!
"Ewan ko nga po," sagot ko at humiga sa sofa.
Sa ibang kwarto dinala si Dash para ma-monitor ng maayos. Baka sumugod siya doon kapag nalaman niya. Hindi pa siya pwedeng kumilos baka bumuka ang sugat niya.
"Tss," aniya. "Tulungan mo na lang ako humiga. Inaantok ako, e."
Tumayo ako at dumalo sa kaniya. Dahan-dahan kong tinanggal ang unan sa likod niya at nilagay malapit sa ulo niya. Maingat ko siyang tinulungan at hiniga ng maayos. Napadaing siya ng madali ko ang braso niya. Nag-peace sign ako at nag-sorry.
"Iwan na kita, ah?" Tumango siya.
Pinatay ko rin ang ilaw para makatulog siya pero kinuha niya pa rin ang cellphone sa gilid nang umilaw. Hinayaan ko na lang siya at tuluyang lumabas.
Napahikab ako. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Napamura ako nang makita ang oras. 9:54 na pala ng umaga?! Hindi ko man lang napansin. Kahapon pa ako rito! Ni walang ligo at kain. Nasobrahan ako sa pagbabantay sa kaniya. Nakalimutan ko rin na may klase pa ako!
Pumunta ako sa canteen ng hospital para bumili ng pagkain. Kahit hindi ko gusto ang pagkain rito wala na akong choice. Gutom na gutom na ako. Bumili ako ng kape at tinapay na kinulang sa palaman.
Dumaan ako sa private room kung nasaan si Dash. Sumilip ako sa salamin at nakita kong may mga aparato na nakalagay sa kaniya. Napansin kong nasa loob sila Phoenix at may pinag-uusapan na seryoso. Pero si Phoenix nakatutok sa cellphone at parang natutuwa pa.
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...