Chapter 115: Friend
Noong lunes nagpunta kami sa isang event. Masaya doon. Tamang ngiti ako sa mga bumabati sa akin. Tapos tinuruan ako ni Abuela kung paano kumaway ng tama noong nasa loob kami ng sasakyan. Panay rin kasi ang tingin sa kanya at kaway kaya kumakaway siya pabalik.
Gano'n rin sila sa akin kaya kumakaway din ako pabalik kaso iyong style ng sa akin balagbag. Hindi pang prinsesa. Iyong kaway na akala mo sira ulo.
"Wave your hand slowly, darling," sabi ni Abuela. "Like this..." Dahan-dahan niya winave ang kamay.
Ginaya ko siya at tumingin sa labas. May batang ngumiti sa akin kaya nginitian ko siya.
Minsan lang pala lumabas si Abuela kaya kapag dumadaan siya sobrang big deal sa lahat. Isa rin siya sa hinahangaan dito. Sa bagay isa siyang Queen.
Marami na rin siyang natulungan.
Tapos noong kinabukasan pumunta kami sa isang place kung saan pwede mag-archery. Iyong pinsan ni Jacob ang nagyaya tapos sinama niya kami.
"Isn't it hard to play archery?" Tanong ko habang hawak-hawak ang pana.
"It's not hard if you know how to play this," sabi ni Zavier. Isa rin siya sa marunong nito.
Tinuruan nila akong mag-archery. Totoong mahirap siya pero masaya. Muntik ko nga lang mapana si Jacob.
"Papatayin mo pa ako!" Madramang sabi niya habang nakatingin sa akin.
Tinutok ko sa kanya ang panay. "Gusto mong totohanin ko?" Lumapit ako sa kanya at inangat ang hawak.
"Hoy! 'Wag!"
"Ayoko." Mas lalo akong lumapit sa kaniya. "Ano kayang feeling ng pumana?"
"These two..." Kita ko ang pag-iling ni Darius.
Hindi ko siya pinansin dahil panay ang hawak ko sa pana at nakatutok kay Jacob. Panay naman ang habol ko sa kanya. Tapos ito namang timang na 'to pumapatol din.
"Hoy, gagi! Muntik akong matamaan," sigaw ko dahil nasa malayo siya.
"Desurb," ngumisi siya.
"Gaya-gaya!" sigaw ko.
"Ha?!"
"Isa kang-."
"Hatdog!" putol niya sa akin pero bigla akong natawa.
"Isa kang hatdog!" Pagbuo ko sa sinabi niya.
Napirap siya nang maintindihan ang sinabi ko kanina.
Panay ang tawa ko sa kagaguhan niya. Kamuntikan ng mangalay ang panga ko dahil sa pagtawa.
Napatigil lang ako ng may maaninag sa malayo. Naningkit ang mata ko para makita ng maayos. Hindi na rin siya nagtagal dahil pumasok na sa kotse at umalis palayo.
Wait, sino 'yon?
"Sino ang tinitingnan mo do'n?" tanong ni Jacob.
Hindi ko siya sinagot. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at nagdial ng number ni Phoenix.
"[What?]" bungad niya.
"Wala lang, bye," sabi ko.
"[Bye.]" sabi niya pero hindi naman pinapatay ang linya.
"Darlene, try mong sumagot sa tanong ko." Ang ingay ni Jacob! Alam na may kausap ako, e.
Nakarinig ako ng matinis na tunog mula sa cellphone ko hudyat na patay na ang tawag. Bumaba ang tingin ko sa cellphone nang tumunog ulit kaso ang walang hiyang si Jacob kinuha at hindi sinagot.
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...