Epilogue: Graduation Day
Hindi ako makapaniwala na wala na talaga si Iris. Gusto kong magpasalamat sa kaniya dahil buhay ako pero nakakalungkot pa rin dahil wala siya. Hindi ko inakala na kailangan umabot sa ganito. Pero kahit na ganoon, alam kong binabantayan lang niya kami. Napangiti ako nang maisip 'yon.
Alam niyo... minsan gusto ko rin magpasalamat kay Papa dahil siya ang dahilan kung bakit ko nakilala sina Iris, si Trevor at ang iba ko pang kaibigan na lalaki. Sila ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Pinaramdam nila sa akin kung paano ulit magkaroon ng kaibigan, kung paano maipagtanggol, kung paano mahalin ng totoo. Lahat ng 'yon ginawa nila para sa akin. Kahit pa na puro katarantaduhan ang sumalubong sa akin noong transferee ako, kahit pa na naligo ako ng slime ay bawing bawi naman sila pagmamahal, pag-aalaga at pagtatanggol sa akin.
Na kahit noong nagkaroon ng... let's say, nagkaroon ako ng poot at galit sa kanila dahil sa plano. Kahit noong gumawa sila ng kagaguhan behind my back... at sa tingin ko na hinding hindi na sila mapapatawad? Grabe, hindi yata kumpleto ang gabi ko bago matulog kakaisip kung deserve nga ba nila.
Hindi nila minsan naisip na iwan ako at hindi nagdalawang isip na tanggapin ang utos ng Papa ko na protektahan ako, ano man ang mangyari. Kaya nag-papasalamat ako kay Papa... kung hindi dahil sa kaniya. Hindi ako makakatagpo ng mga gagong katulad nila. Na kahit gago at tarantado ikaw pa rin ang iisipin, walang pakialam kung sila ang ma-agrabyado.
Sobrang dami nangyari sa mga buhay namin umabot sa punto na gusto ko nang sumuko dahil sa hirap na nararamdaman ko.
Sumama sa laban na dapat kami lang ng pamilya ko ang haharap. Handang ibuwis ang mga buhay para lang sa akin. Sumama sa huling laban namin at kung hindi dahil sa kanila. Hindi namin matatalo ang Black Matrix.
Atsaka, Alam niyo, simula nang mag-kaayos si Darius at Phoenix madalas na si Phoenix sa bahay namin, to the point na gusto na ni Mama na doon siya tumira. Totoo 'to, parang siya na ang anak.
"Nix, don't be shy. You can live here!" Sabi ni Mama na halos ikalaglag ng panga namin ni Darius. Natigil naman si Kuya sa pag-inom ng tubig.
"What the..." Sabi ni Darius.
"Fuck." Pagpapatuloy ni Kuya.
"Ikaw na yata ang papalit sa akin bilang anak," umirap ako.
"Uh... Tita." Si Phoenix. "Thanks..."
Pakipot pa ang bwisit gusto rin naman. Napasimangot na lang aako At ang lahat na kasama namin noon hanggang ngayon ay maayos na at may sari-sarili ng lovelife.
Si Iris... masaya na rin sa buhay niya ngayon kahit nasa heaven na siya. Maayos na sa akin na humingi na rin siya ng tawad sa mga nagawa niya. At syempre pinatawad ko siya. Hindi ako sakim sa pagpapatawad 'di ba? Saka, kung hindi dahil sa kanya baka deads ako ngayon. Jusmiyo, ang bait talaga ni Lord.
Ay, nga pala, si Darius at Lara ay ayos na rin. Mas marupok pa sa kahoy ang kapatid ko.
Si Gavin at Laureen ngayon, nalaman kong sumama pa si Gavin sa kaniya sa mga lakad niya. Maarte lang talaga noon si Laureen kaya hindi niya pinapansin si Gavin tapos malalaman ko na may gusto pala talaga kay Gavin at crush pa, ha. Akala ko trip lang nila maging together.
Ang mga magulang ko naman ay kinasal ulit. Sa harap ng panginoon at saksi kaming lahat.
Ngumiti ako at pumalakpak matapos ang kiss the bride. Inalis ko pa ang luha sa pisngi dahil naiiyak talaga ako. Hindi ko inakala na mangyayari ulit 'to at may consent na ni Queen Grandmother Kaya nandito sila ni abuelo. Nakangiti rin siya habang nakatingin kay Mama.
"Picture po kasama ang family!"
Tumayo naman ako dahil tinawag kami. Ito namang si Lara ay pumunta rin.
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
Teen FictionSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...