Chapter 22: Blazers
Gianna
"What the hell is wrong with you?!" Nasa pinto pa lang ako narinig ko na agad ang boses ni Iris.
Sumimangot ako nang makita kung sino ang kaaway niya. Magmula talaga nang makabalik 'to, e, ang laki ng pinagbago. At simula nang bumalik siya galing sa Southeast Hill School mas lalong nadagdagan ang pagiging maarte niya. At mas lalong naging snob. Namimiss niya na siguro ang mga ex-classmate niya.
"I am so tired of your damn voice, okay? Shut up," narinig ko ang iritadong boses ng kaibigan ni Iris—na kaibigan ko rin. "At kung nandito ka because of that girl, well wala kang makukuha na sagot. And please, we are just friends, so stop acting like we have a thing? Dahil wala tayo no'n."
Tahimik naman ang loob ng room kaya pumasok na ako. Napatingin pa sa akin ang iba pero hindi ko na pinansin. Umupo na ako sa kinauupuan ko bago mag-emo sa tabi ng bintana. Pinatong ko ang isang paa ko sa upuang nasa harapan ko.
"Damn it!" Hindi ko talaga maintindihan ang problema ng babaeng 'to. Ano na naman kaya ang pinag-aawayan nila? "I hate you."
Jusko naman, umagang umaga ay nag-aaway! Nilingon ko si Darius na iritado ang mukha. Pilit niya lang na kinalma ang sarili. Nakasandal siya sa upuan habang nasa tabi niya si Iris na agad tumayo para lumayo. Napangiwi ako sa nasaksihan.
"Look who's here!" Gulat na sabi ni JP habang nakatutok sa akin ang camera.
Tinaas ko ang gitnang daliri ko bago ibato sa kaniya ang bag niyang nasa tabi ko.
"What's with the face?" Andrei asked me.
Masama ba ang mag-emo ng walang dahilan? Gusto ko lang mag-mukhang broken hearted.
"Tumahimik ka nga," kunot noo kong sabi.
Kinuha ko ang bubble gum at kinain.
"Himala at pumasok ka na," sabi ni Iris while doing her makeup now, mukhang unti-unti niyang kinakalma ang sarili.
Isang linggo na kasi akong absent. Nasa bahay lang ako para mag-pahinga at para hindi lumala ang sugat ko. Tinulungan ko 'yong lalaki noong nakaraang tatlong lingo. Ang dami niyang sugat at may tama rin ng bala sa katawan.
Hindi naman ako gano'n kasama kaya tinulungan ko. Pero sa kasamaang palad, natamaan ako ng dalawang bala sa balikat at 'buti na lang may dumating na babae para naman tulungan kaming dalawa kaso kahit nasa bahay ako ay hindi ako mawalan-walan ng gagawin dahil ang gagong si Darius ay may pinapahanap sa akin na isang babaeng hindi ko naman kilala.
Pero ang masasabi ko lang, magkamukha silang dalawa at hindi nalalayo ang edad ng babae sa amin. At saka parang bet ko, wala lang ang ganda niya tapos alam niyo parang ang inosente ng itsura.
Tapos si Darius ay nagagalit dahil hindi ako makahanap ng source mula sa babae. Palibhasa boss kung kumilos kaya maraming takot. Parang siya nga ang may ari nitong school, lahat yata nang sabihin niya nasusunod. Pero sabagay kahit yata teacher takot sa kaniya, except sa adviser namin.
"Alangan namang tumanga lang ako sa bahay," sabi ko. "Ayokong gumaya sa 'yo."
Agad na sumama ang tingin niya. "Tss," umirap siya.
"Have you found her?" Tanong ni Darius.
Napabuga ako ng hangin.
Sino ba kasi 'yon? At parang big deal sa kaniya kung mahanap. Parang ikakamatay niya kung hindi mahanap, e.
Nakakaasar.
"Hindi nga!" inis kong sabi.
Para namang nadagdagan ang inis niya.
YOU ARE READING
The Girl in Worst Section (Completed)
ספרות נוערSoon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. She used to be expelled in every School she went to, not until her father decided that she would stud...