Chapter 48

32.8K 791 50
                                    

Chapter 48: Goodbye

Ayokong sumama sa paghatid kay Mama. Ayokong makita siyang umalis pero dahil kay Darius, nagawa kong sumama, hindi naman pala talaga sinabi 'yon ni Kuya, lakas talaga manggago nitong si Darius, e, parang ako lang.

Nakasunod lang ako kay Mama papunta sa rooftop kung saan naghihintay ang private plane na sasakyan niya, si Darius naman ay nasa likod ko. Nang makarating kami doon nakita ko agad si Papa na nakasandal sa pinto ng airplane at hinihintay si Mama. Agad naman niyang nilapitan si Mama.

Hinawakan ko ang lahat ng buhok ko dahil sa lakas ng hangin. Nakakain ko na ang buhok ko. Napangiwi ako nang halikan ni Papa si Mama sa labi.

"Hays..." sabi ko kaya napatingin sila sa akin.

"You're so bitter, Darlene," sambit ni Darius.

"Hindi naman sa bitter," sagot ko.

Ayokong makita si Mama na umalis!

Humarap naman sa akin si Mama matapos ang kanilang goodbye kiss ni Papa. "Darlene, may galit ka bang tinatago sa akin?"

Agad akong umiling. "Wala, ah."

Noon 'yon, Mama. Ngayon wala na. Kusa kasing lumalambot ang puso ko.

"Good to hear that." Ngumiti siya at hinagkan ako ng yakap. Ang bango niya. "I'll be gone for now but I'll be back soon. I just need to fix my problems in Australia. I'll be back, I promise."

"Okay..." Tanging nasabi ko pero panghahawakan ko ang pangako niya.

"Kapag balik ko sisiguraduhin kong malalaman mo ang lahat."

Hindi na ako makapag-hintay na mangyari 'yon.

Bumitaw siya sa pagkakayap sa akin at nilingon si Darius. "Pilitin mo ang buong stockholders na pumayag para naman mangyari ang balak ni Phoenix. At kung ayaw pa rin nila, remove their shares," sabi niya.

Naguluhan naman ako sa pinagsasabi nila. Bakit naman nadamay ang pangalan ni Phoenix rito?

"I'll try," sagot ni Darius at umirap.

"Siguraduhin mo lang, Darius. Atsaka, bantayan mo ng mabuti ang kapatid mo. Huwag mo rin hahayaang uminom ito. Huwag mo ng hahayaang pumunta sa Rax."

Eh?! Sige na nga, hindi na ako pupunta doon.

"Hindi ko siya hahayaan, Mama," sagot ni Darius.

Bantay sarado ako?

"Have a safe trip, Mama."

Tumango naman si Mama bago dumiretso sa loob pero lumingon pa siya kay Papa. "Take care of our kids."

"I will," sagot ni Papa. Inalalayan niyang makapasok si Mama sa loob ng airplane.

Ngumiti at kumaway si Mama. "I'll call once I get there."

Tumango kami at lumayo nang bahagya. Ang laki ba naman kasi, mabuti na lang nagkasya 'to sa rooftop ng hospital. Biglaan din naman kasi ang uwi ni Mama. Akala ko next week pa, ngayon na pala.

"Goodbye, Mama." Kumaway ako.

Tumingin siya mula sa bintana at kumaway sa amin. Ngumiti siya sa amin.

Goodbye for now Mama. Panghahawakan ko ang pangako mo na babalik ka at sasabihin mo ang lahat. Lahat ng tinatago mo sa buhay.

Nang makalipad ang sinasakyan niya agad kaming tumalikod para makauwi na. Bukas na lang siguro ako dadalaw kay Dash pagkatapos ng klase. Kailangan ko na rin mag-pahinga para bumalik ang lakas ko dahil pakiramdam ko hindi pa rin okay ang katawan ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now