Prologue
Nasa tabi ako ng dalampasigan at naririnig ang bawat hampas ng alon. Patuloy kong iniisip kung ano ako at kung ano itong mayroon sa akin.
Sabi nila isa raw akong espesyal na bata, dahil sa kulay abo kong mga mata, ngunit hindi nila alam na mayroon pang mas hihigit dito, dahil kaya kong makita ang mga bagay na hindi kayang makita nang isang ordinaryong tao. . .
Ang mangyayari o ang hinaharap, ngunit . . hindi ito basta-basta, may mga bagay akong hindi ko kayang pigilan, katulad na lamang ng buhay ng isang tao.
Hindi ko ito hawak, minsan may mga bagay akong nakikita pero wala akong kayang gawin, dahil iyon ang kakayahan ko, iyon ang kapalaran ko. Hindi alam nila Inay at Itay ito, tanging ako pa lamang ang naka-aalam ng kapangyarihang tinataglay ko.
Ngunit, hindi ko alam kung sumpa ba ito o ano, nakikita ko lang ang hinaharap pero hindi ko naman ito magawang baguhin. Bakit pa ibinigay sa akin ito, kung hindi ko rin naman pala mababago?
"Jane? Anong ginagawa mo riyan? Halika na't tayo'y kakain na!" Sigaw ng aking inay sa 'di kalayuan.
"Papunta na 'ho!" Sigaw ko pabalik dito at bumaba na mula sa batong inuupuan ko.
Habang naglalakad ay dama ko ang malambot na buhanging tinatapakan ko, pagmamay-ari kasi namin ang bahay sa tapat ng dalampasigan kaya malaya kaming nakalalangoy sa karagatang ito.
Dinama ko muna pang sandali ang tubig na tumatama sa aking mga paa bago ko napagpasyahang pumasok sa loob nang aming mumunting tahanan.
"Aba't mukhang naengganyo yata ang apo ko sa dalampasigan, halika na rito't magpunas dahil tayo'y kakain na." Pag-aaya ng lola ko.
Naghugas na muna ako ng kamay bago dumalo sa hapag kainan, simple lang ang mga putahe pero mas naging espesyal ito lalo na't masaya kami't sama-samang kumakain dito sa isang maliit na hapag-kainan.
Hindi 'man ganoon kataas ang estado namin sa buhay ay mataas naman ang respeto namin sa isa't isa. Lumaki man akong walang magagarang kasuotan at mamahaling mga laruan, ang importante naman ay masaya ako, at alam kong maraming nagmamahal at magmamahal pa sa akin.
Isa 'yon sa napakaraming dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi kayang higitan nang kayamanan ang pagmamahalan ng isang buo at masayang pamilya, kahit anong kayamanan pa ang maging kapalit ay mayroong laging hihigit dito at 'yun ay ang pagmamahal ninyo sa isa't isa.
Pero sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang dumilim ang paligid at umihip ang malakas na hangin mula sa naka bukas na bintana sa aming sala.
Nagprisinta ako't tumayo upang maisarado ito nang maayos, ngunit sa pagbalik ko ay nawala na ang lahat. . .
Unti-unti nang lumisan ang mga taong kani-kanina lamang ay kasama ko pang kumain sa hapag.
At doon akong tinamaan nang sobra,
Wala na nga pala ito, matagal nang natapos ang masayang ala-alang ito.
Ang ala-alang sumira sa buhay ko, sa buhay ni Liezel Jane Alcantara.
Ang babaeng kayang makita ang kamatayan ng bawat isa.
To be continue

BINABASA MO ANG
Until When Will You Stay?
RandomHappiness is just a bullshit lie, you can't be happy, you won't be happy. How many people will believe that happiness can make you alive? Because to me, its not. I'm still alive, even i'm not happy. I'm still fine without that bullshit happiness.