CHAPTER THREE

1 0 0
                                    

Chapter Three

     Muli akong naghanda papasok sa skwelahan, kahit na mukhang uulan. Sabi kasi sa balita ay may tiyansang umulan ngayong araw. Isinawalang bahala ko na lamang ang balitang ito.

Ano naman? Ulan lang iyon, may pangarap ako.

Sa kagustuhang mapunan ang hindi ko napasukan kahapon ay heto ako't nagpumilit pumasok. Bago umalis ay siniguro ko munang iniwan ko nang maayos ang bahay at tiniyak na naka kandado ito. Gaya noong nakaraan ay maaga akong umalis ng bahay at naglakad. Naglalakad na ako sa kalsada ng makaramdam ako ng mumunting patak ng ulan, mahina lang ito hanggang sa kinalaunan ay lumakas na.

Sabi na nga ba, dapat talaga ay nakinig ako.

Tumakbo ako sa pinakamalapit na masisilungan upang hindi mabasa nang ulan, ngunit sa kasamaang palad ay nabasa pa rin ako. Kamalas-malasang nabasa rin ang uniporme ko kaya agad ko itong pinunasan, wala akong pamalit na uniporme at malayo na ang bahay ko. . Tiniis ko nalang itong punasan, at nang makitang medyo tuyo na ay inayos ko na ang sarili ko.

Ngunit gulat akong napatingin sa relos ko, 6:30 am! At 7:00 am ang first period namin!

Napalingon ako sa magkabilang parte ng kalsada ngunit walang dumadaang kahit na anong sasakyan dito.

Inis akong napapadyak at ginulo ang buhok ko.

Alam kong malas ako, pero hindi ba sobra-sobra naman ito?

Hindi na nga ako nakapasok kahapon, pati ba naman ngayon? Talagang tuluyan na akong magpapa-alam sa pangarap ko. . . Umupo na lamang ako sa isang upuan doon, waiting shed kasi ang nasilungan ko kaya may mga ganoon dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, papabilis nang papabilis ang oras at umuulan pa rin.

Nabalitaan ko pa namang may quiz kami sa isang subject, at mukhang sa first period iyon!

Patay tayo, sobrang strict nang prof. namin sa unang subject!

Pero nagulat ako nang may makita akong pares ng sapatos sa harap ko kaya agad akong napa-angat nang tingin.

     "Need a Ride?" Sambit ni Benzer habang may hawak na isang payong at sa likod nito ay ang kaniyang kotse.

Inilahad nito ang isang kamay sa harapan ko.

Napalunok ako at tinignan ang oras, gusto kong tumanggi, kaso. .

Kaso kailangan ko talagang pumasok!

Aabutin ko na sana ang kamay nito pero may biglang epal na naglagay nang payong sa kamay ko.

Parehas kaming napatingin ni Benz dito.

Siya yung. . .

Siya yung lalaking nanghila sa akin at muntik nang ipahamak ang buhay ko!

     "May paa siya kaya niyang mag lakad." Matipid nitong sabi bago kuhain ang mga gamit ko at naglakad papalayo.

     "Hoy! Ang mga gamit ko!" Sigaw ko rito.

Napatayo ako at binuksan ang payong na ibinigay niya at 'saka hinabol ito. Ngunit bago pa ako makatakbo ay hinawakan na ni Benz ang braso ko. Tinaasan ko ito ng kilay at hinila ang braso ko na agad niya rin namang binitawan.

Until When Will You Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon