Chapter Five
'MAMAMATAY TAO KA!'
'MAMATAY KA NA!'
"Hindi. ." Pagsasalita ko, ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa noo ko.
Ang alam ko lang ay natutulog ako, pero hindi ko namalayang bumalik na pala ako sa dating bahay na nagbigay sa akin ng pangalawang buhay. Nang panibagong buhay.
Ang bahay na sinira ko, ang buhay na winasak ko.
'MAMAMATAY TAO KA!'
Heto na naman ang mga boses na naririnig ko mula sa aking isipan, ang galit na boses na tila ba'y gusto akong patayin.
'MAMATAY KA NA!'
Pagka-sigaw non ay may bigla na lamang sumulpot sa kung saan at agad akong sinakal, nagwawala ako rito pero masyado itong malakas.
"W-wag, w-wag!" Pakiusap ko.
"Mamatay ka! Mamatay ka! Demonyo ka! Hindi na dapat kita kinuha!" Sigaw ng isang lalaki.
At sa mga sandaling 'yon ay bigla itong nagkaroon ng itsura, mukha ng isang taong kumupkop sa akin.
Nang makita ko ito ay bigla akong natigilan at huminto sa panglalaban at hinayaan nalang itong sakalin ako, kasalanan ko iyon, buhay ang nawala kaya dapat lang na buhay ko rin ang kapalit.
Pero nagulat ako ng may biglang sumulpot na namang lalaki sa kung saan, namumukaan ko ito. Siya yung lalaking parating nagliligtas sa akin, na nagdadala rin ng kapahamakan, kung siya nga ba talaga ang nagdadala. Biglang nabaling ang atensyon ng sumasakal sa akin doon sa lalaki.
"Hindi. . hindi pwede. ." Hinila ko ito pero isang malutong na sampal lang ang iginawad nito sa akin.
Tila umikot ang buong paligid, dahil sa lakas ng sampal nito.
"Hindi! Ako yung kailangan mo!" Sigaw ko at lumapit muling rito pero gaya ng ginawa niya sa akin noong una ay muli niya akong sinampal dahilan upang mas matumba ako.
Feeling ko ay pulang-pula na ang pisngi ko sa sampal niya, ramdam ko na nga ang pagtulo ng likido mula sa ilong ko.
"Umalis kana dito! Ako ang kailangan mo, Papa!" Hagulgol ko sa kaniya.
Alam kong hindi siya masamang tao, ako ang may kasalanan nang lahat ng 'to.
"Hindi ba mas maganda kung siya ang uunahin ko?" Sabi nito habang papalapit nang palapit sa rito.
Hindi ako makagalaw, namamanhid na ang buong mukha ko, at tumama pa ang parte ng katawan ko sa isang lamesa.
"Hindi. . ako, ako ang kailangan mo! Ako nalang, wag ka nang mandamay pa ng iba! Papa!" Sigaw ko.
Nagtatangis ako at humihigpit ang hawak sa lamesang kinakapitan ko habang papalapit siya nang papalapit. .
Papalapit nang papalapit—
"Jane, gising!" Nagulat ako ng may biglang sumampal sa pisngi ko kaya't napabangon ako.
Inalalayan ako nito at iniabot sa akin ang isang baso ng tubig na siyang agad kong tinanggap, para akong hinabol ng maraming aso sa sobrang uhaw ko.
BINABASA MO ANG
Until When Will You Stay?
RandomHappiness is just a bullshit lie, you can't be happy, you won't be happy. How many people will believe that happiness can make you alive? Because to me, its not. I'm still alive, even i'm not happy. I'm still fine without that bullshit happiness.