Chapter One
"Liezel! Letse, kailan ka magbabayad sa inuupahan mo?! Anong petsa na?! Anong akala mo sa apartment na 'to, libre?! Aba't napaka galing mo naman pala!" Maagang sigaw ng may-ari ng inuupahan kong bahay.
Tahimik lang akong nag-ayos at 'saka lumabas para harapin ito.
"Ano?! Hindi ka pa ba magbabayad?! Anong petsa na! Jusmiyo naman! " Sigaw nito sa pagmumukha ko.
Hinarap ko ito at payukong dinukot ang pera sa bulsa.
"Heto na po ang bayad ko, pasensya na po, pahirapan po talagang kumita at isa pa may binabayaran rin 'ho akong tuition." Sambit ko rito at 'saka ini-abot ang bayad sa kanya.
Nakapameywang nitong binilang kung tama ba ang halaga ng ibinigay ko sa kanya. Nang matapos nito itong bilangin ay inirapan lang ako nito.
"Sa susunod agahan mo yung pag-bibigay, para hindi na ako mag-ingay pa rito! Mahiya ka naman!" Huling sigaw nito bago nilisan ang lugar.
Two thousand five hundred ang ibinabayad ko kada buwan sa inuupahan kong ito. Hindi naman siya ganoon kalaki, tama lang para sa akin. Kolehiyo na ako kaya naman nagsusumikap akong mag hanap nang kikitain upang makapagtapos, nais kong mabigyan ang sarili nang magandang buhay. At isa pa, ubos na rin ang perang pinagbentahan ko ng lupang namana ko sa probinsya dahil sa dami kong gastusin sa araw-araw. May mga kamag-anak pa naman ako, pero mas minabuti ko nalang na mamuhay mag-isa, malayo sa maraming tao, malayo sa kanila.
Dahil sa nangyaring trahedya ilang taon lang ang nakalipas ay napalayo ako sa mundo, wala akong kaibigan at mas lalong wala akong kasintahan. Isa pa wala rin naman akong kasama noong panahon na iniwan nila ako, noong iniwan ako nang pamilya ko.
Hindi iniwan na may pag-asa pang balikan, iniwan ako na wala na talagang tiyansang balikan.
Dahil walang patay na nabubuhay.
Simula noon ay inilayo ko ang sarili ko sa mundo, hindi dahil sa hindi ako sanay makisalamuha sa ibang tao, kun'di dahil sa kakayahan ko. Sa kakayahan kong makita ang kamatayan nila, kamatayan nang bawat isa na hindi ko magawang mabago, na hindi ko magawang iligtas. Hindi ko alam kung sumpa ba ito, pero ang alam ko lang ay hindi ko gusto ang kung ano mang kapangyarihang mayroon ako.
Sana nga'y wala nalang ito, sana wala nalang ako.
Mula sa salamin ay nakikita ko ang sarili kong mamamatay, kasama ang isang taong hindi ko matukoy kung sino.
Oo, kaya kong makita maging ang sarili kong hinaharap, maging ang sarili kong kamatayan.
Simula noon naging isa na sa mga dahilan ko iyon para lumayo sa mga tao, sa mga taong walang ibang ginawa kundi isipin ang kanilang sarili. Mga taong walang ambag sa mundo kun'di ang manghusga ng kapwa nila tao. Bata pa lang ay alam ko na ang kakayahan kong ito ngunit binabalewala ko lang, pero sabi nga nila pag hindi mo pinansin mas lalo itong magpapapansin.
Mas lalo itong lalapit, pag hindi mo nilalapitan, mas lalo itong magpapakita kahit ayaw mo itong makita. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga piraso ng nakaraan.
Dumating ang isang unos at kasama ang pamilya ko sa nasalanta, at dahil katabi lang namin ang karagatan ay kami ang kauna-unahang naapektuhan, pero sana, sana maging ako'y isinama na nila.

BINABASA MO ANG
Until When Will You Stay?
RandomHappiness is just a bullshit lie, you can't be happy, you won't be happy. How many people will believe that happiness can make you alive? Because to me, its not. I'm still alive, even i'm not happy. I'm still fine without that bullshit happiness.