Chapter 1

9 0 0
                                    

SETH

KRING KRING KRINGG

"HELLO!?" galit na sagot ko sa cellphone kong naging alarm clock na sa ingay, shit sino ba kasi to. "What do you want!? Whoever you are GO TO HELL!" sabay patay ng tawag.

"ISTORBO" sabi ko, nahiga't natulog muli.

KRING KRING KRINGGG

"AHHHHHHHH, MGA AYAW MAGPATULOG!" sigaw ko nang may tumawag muli, sabay bangon at sagot sa bwiset na tawag.

"Hello!? Ano bang problema mo't ginugulo mo akong tao ka, ke aga aga, tumatawag" pambabara ko sa kanya. "Ano't sino ka ba ha?" naaubos na pasenya kong ani.

"We're gonna be late for class" nangitla at napabukas ang mga inaantok kong mga mata sa lamig ng tono ng tumawag at tinignan ang caller ID at nagulat ako ng pangalan ni Lance ang nakalagay.

"Lance, is this you?" nahihiyang sabi ko dahil sa inasal ko kanina sa kanya, hindi kasi nagbabasa ng caller ID Seth eh, nako ang tanga lang.

"Who do you think this is?" walang gana niya sabi at bumuntong hininga. "Hurry up, we're gonna be late for class" sabi niya. "I'm already outside your house" dagdag niya sa sinabi at pinatayan ako ng tawag.

Dali dali kong tinakbo ang malaking bintana at dinungaw ang labas ng bahay upang kompirmahin kung andyan ba talaga siya. "Confirmed nga" sabi ko ng matanaw ko ang sasakyan niya sa labas ng bahay.

"Teka, anong oras na ba?" nilingon ko ang alarm clock na nasa nightstand. "SHIT, alas siyete na pala!" bakit ba kasi hindi tumunog yon? tangna baka sira na naman.

Dali dali akong pumasok sa bathroom ko at naligo kaagad, hindi na ako gumawa ng mga che che bureche ko na routine dahil baka magalit na ang naghihintay sa labas ng bahay. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng damit na hinanda ko kagabi pa.

Nang matapos ay bumaba kaagad ako at nakita ko sila mommy, daddy, at kuya na kumakain habang si Lance naman ay nakikipag-usap lang kay daddy.

"Good morning mom and dad" bati ko kina mommy and daddy na kumakain sabay halik sa pisngi nilang dalawa.

"Good morning kuya" sabay beso ko rin sa kanya. "Morning baby Girl" ani ni kuya, at sinimangutan ko siya ngunit ang magaling kong kuya ay ngumisi lang sa akin.

Pagkatapos ay binati ko ang bisita namin."Good morning L-ance" napapikit pa ako sa pagkautal ko. at umupo na ako sa tabi niya at sinunggaban agad ang hinandang agahan ng kasambahay at ni mommy para madali ng matapos dahil mali-late na kami.

"Good morning baby" bati sa akin ni daddy "Bakit ang tagal mo gumising Seth kanina pa naghihintay si Lance sa'yo" sabi ni dad. "I'm sorry po, I overslept po daddy" pagpapaumanhin ko sa kanila. "I'm really sorry Lance" mahinang sabi ko.

"It's okay tito, hindi naman po ako matagal na naghintay" sabi ni Lance kay Dad.

"Mabuti naman kung ganon, Seth finish your food ha, dahil balita ko kina manang hindi ka daw kumain kagabi" striktong sabi ni daddy.

"But daddy I'm on a diet" sabi ko sa kanya.

"No buts young lady, at bakit ka ba nagda-diet eh payat ka naman, gusto mo bang maging buto't balat ka nalang?" sabi niya.

"Hindi nakabubuti sa kalusugan ang hindi kumain Seth" pangaral sa akin ni daddy.

"Eh kasi dad may gusto kas--, Ouch" pinigilan ko ang akmang sasabihin ni kuya sa pagsipa ko ng paa niyang na sa ilalim ng lamesa at pinanlakihan siya ng mata.

"Bry, Are you okay?" tanong ni mama sa kay kuya na hinahawakan ang paa.

"Yes mom, may nasagi lang ako" sabi ni kuya kay mommy at hinarap ako ng nakasimangot pero ningisihan ko lang siya.

Nang matapos akong kumain ay nagpaa-alam na kami ni Lance na papasok na sa paaralan.

Nang nakalabas na kami ng bahay, pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kanyang sasakyan at tinulungan niya din akong pumasok sa loob, tinabunan niya ang ulo ko upang hindi ito masagi sa bubong ng sasakyan at pagkatapos ay umikot siya't pumasok sa driver seat at ini-start ang sasakyan.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan, kaya naisipan ko itong basagin dahil hindi ko talaga kaya. Parang may malaking dingding na nakalagay sa pagitan naming dalawa, kaya't sinubukan kong mawala ang awkward feels at kinausap siya.

"Sorry nga pala kanina ha, I didn't mean to shout at you, hindi ko kasi nabasa pangalan mo sa caller ID eh, pasensya na talaga" paghingi ng tawad ko sa kanya dahil sa inasal ko sa kaniya kanina sa telepono.

"It's okay" banayad na sagot niya sakin, tinatapos ang usapan.

"Okay" sagot ko sa kanya.

Namayani na naman ang katahimikan kaya't nagsalita ulit ako.

"Ahh, bakit mo nga pala ako sinundo?" tanong ko sa kanya, dahil hindi naman siya ganito eh. Usually kasi ay ihahatid lang ako ni kuya Jomar na driver namin o di kaya'y ihahatid ako ni kuya, kaya nagtaka lang ako.

"Did you forgot already?" tanong niya at sumulyap sa akin.

"Ang alin?" sagot ko kasi hindi ko talaga alam ang tinutukoy niya.

"The dinner last Saturday, my mom asked me for this so I just obliged" sabi niya, at inalala ko ang nangyari sa dinner na yon.

FLASHBACK

My Family and Lance's Family were eating dinner at their house, they invited us over dinner because I think his dad ang my dad were business partners? oh I don't know, it just happened. So as Dad, Kuya and Lance's dad talked about business and stuff, and my mom and Lance's mother also talked, me and Lance just stayed quiet. But then Tita Marissa found out that me and her son were studying at the same school, so she asked her son a favor.

"Lance, since Seth and you go to the same school and our house is just few block away from theirs, why don't you take her to school everyday?" her mom asked, and I was just astonished by her words, tumibok na naman ang bata kong puso dahil sa request ng mommy niya.

Lance just looked at her mother with a curious face and faced me.

"Isn't that good, kumpadre?" her mom asked my dad.

"Oo pwede naman kumare, kasi para naman makilala naman nila ang isa't isa" nakangiting saad naman ni dad.

"No it's okay tita, andon naman po si kuya Jomar, siya po naghahatid sa akin araw-araw" sabi ko kay tita kasi parang nakakahiya naman na magpahatid kay Lance araw-araw.

"No-no iha I just want you two, to you know get to know more about each other, and catch up" ani ni tita.

"Catch up po?" tanong ko kasi bakit naman kami magka catch up, eh hindi naman kami close.

"Didn't you know? Lance and you were childhood friends, ang close niyo pa nga noon eh" sabi niya.

At sabay kaming napatingin ni Lance sa isa't isa ng may pagtataka. Hindi siya kaagad bumitaw sa pagtititigan namin kaya't ako ang unang bumitaw dahil naailang ako.

"So, will you do that for me sweetie?" her mom sweetly asked Lance.

"Sure mom" sagot ni Lance.

END OF FLASHBACK

"Ahh oo naalala ko, ahehe" kamot ko sa ulo sabay peke kong tawa dahil hindi ko alam paano mag react sa sinabi niya.

To be continued...

A/N:

Hello po SWEETI'S!

Sana po ay subaybayan niyo po ako sa pagsulat ng unang storya na susulatin ko po. If you have questions don't be shy to ask me in the comments section, I am open for your opinions and questions po.

Have fun reading and please do VOTE and SHARE din po. ^_^

Thank you po!

DEAL WITH THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon