Chapter 5

7 0 0
                                    

SETH

Buong maghapon ako hindi kinausap ni Marco at tuwing kakausapin ko man siya tipid lang na sagot ang ibibigay niya. Kaya't  si Marian na lang ang kinausap ko upang mawala ang pagkabagot ko.

"Okay Class dismissed" sabi ng adviser naming na si maam Hedocil, at umalis na siya at pumunta sa sa faculty room ng grade 9.

"Bye Seth" sabi ng classmate kong si Josh.

Feeling ko may gusto talaga ito sa akin eh, araw araw ba namang nagpapaalam sa akin. Oh nag a-assume na naman si ate girl.

"Hmmm, sige bye din" sabi ko sabat tango at kaway sa kanila.

"Ahmm Marco, sabay na tayong umuwi ha" sabi ko kay Marco habang nagliligpit ng gamit.

"At saka daan muna ta-" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil kinalabit ako ni Marian.

"Girl sino kausap mo? eh kanina pa umalis si Marco oh" sabi niya at tinuro ang labas ng classroom.

Binalingan ko ito at Nakita ko nga si Marco na naglalakad na sa hallway.

Gagong yun, iniwan nga ako

Ano bang problema non? pansin ko kanina niya pa ako iniiwasan ha.

"Ahhh Marian" tawag ko kay Marian na ngayon ay nagliligpit na din ng mga gamit niya.

"Sa tingin mo ba may tampo sa akin si Marco?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko girl, ba't ako tinatanong mo?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Ba't hindi siya tanungin mo?" dagdag niya sabay turo sa daan na nilakadan ni Marco.

Tama nga naman, minsan may sense naman talaga ito kausap si Marian.

"Sige, Thanks Mar, Bye" pagpapasalamat at pamamaalam ko sa kaniya. At kumaripas ng tumakbo papunta sa daan kung saan ang dinaanan ni Marco.

"Sige bye Seth, kitakits toms!" sigaw niya na lang kasi malayo na ako.

Tumakbo ako sa aking makakaya para maabutan lang si Marco bago pa siya makauwi. Nang Makita ko si Marco na malapit na sa kanilang sasakyan, tumakbo ako nang mabilis papunta sa kinaroroonan niya.

Patay ka saking Marco ka

"Marco!" sigaw ko sa kanya nang nasa tabi ko na siya

"Oh" sabi niya ng malamig sa akin.

"OH!" sigaw ko sa kanya. At binalingan ko driver nila.

"Kuya, sakin na sasabay si Marco" sabi ko kay Mang Jun na driver nila.

Pagkatapos ay hinila ang tainga ni Marco ng malakas at pinasunod sa akin.

"Ah ah ah, Ano ba Seth masakit!" reklamo niya sa ginawa ko.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa sasakyan.

"Aray Seth ano ba?!" patuloy na pagrereklamo ni Marco, at patuloy na hindi pagpansin ko din dito.

Nang makasakay na kami sa sasakyan tsaka ko lang binitawan ang tainga niya.

"Sige subukan mong lumabas, kundi lagot sa ka sa aking Marco ka" pagbabanta ko sa kanya ng sinubukan niyang abutin ang doorhandle ng sasakyan.

Bakit ba kasi iniiwasan niya ako?

Ayaw niya na bang maging kaibigan ako?

"What the hell is your problem SETH!?" sigaw niya sa akin na nilagyan pa ng diin ang pagbanggit sa pangalan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEAL WITH THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon