SETH
RINGGG RINGG RINGGG
Nang tumunog na ang bell at magre-recess na kami, tinapos na ni maam Guitteriez, ang teacher namin sa Research, ang kanyang lesson ngayong araw at ito'y nagpaalam na.
"Okay class that's all for today, Goodbye" pamamaalam ni maam.
"Thank you and Goodbye maam Guitteriez" sabay sabay na sabi naming ng aming mga kaklase.
Nag-ayos muna ako ng aking mga gamit bago ko binalingan si Marco para sabay kaming pumunta sa canteen.
"Marco, hoy" tawag ko sa kanya at kinalabit siya dahil ang atensiyon niya ay nasa cellphone na hawak niya.
"Oh?" sagot niya lang sa akin habang kinakalikot pa din ang cellphone niya.
Na-curious ako sa kung ano ang ginagawa niya sa cellphone, kaya't tinignan ko ito.
Naglalaro ka pala ha.... patay ka sa aking lalaki ka.
Pi-nush ko ang power button ng cellphone niya, at dali daling tumakbo patungo sa canteen.
"SETH SALVACION!" narinig ko pa ang sigaw niya bago ako makalabas ng classroom namin.
Hahahahaha
Hingal na hingal ako ng makarating sa canteen at diretso akong pumila para umorder ng makakain.
Tumingin ako sa listahan ng available na pagkain, at nang makita ko na available ang leche flan doon, lumiwanag ang mga mata ko.
Yey, Leche Flan na disss
Habang naghintay ako sa turno ko sa pila, nilibot ko ang aking paningin sa loob ng canteen at nahagip ng aking mga mata si Lance na kasama ang jowa niyang si Kelly.
Ay Kelly ba yon? O Lily?
Naglalambingan pa sila habang kumakain, napaka OA lang. Haynako
Ayokong mas masira pa ang aking araw kaya't, hindi ko nalang sila pinansin at kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa upang may magawa naman ako habang pumipila.
Nang naging turno ko na, agad kong in-order ang Leche Flan at binayaran ito.
Naghahanap ako ng mauupoan ng biglang magtama ang paningin namin ni Fely, yung jowa ni Lance.
Umiwas ako ng tingin at liliko na sana ng tinawag niya ako.
"Seth, here" pumikit ako ng narinig ko ang pangalan ko na tinawag niya.
Shet naman o, pag minamalas ka nga naman
Nginitian ko sila at lumapit sa table nila.
"Lance, Leti andito pala kayo" bati ko sa kanilang dalawa.
"Yeah, come here join us wala na kasing available seats" anyaya niya sakin "And Seth, my name is Nikki, N-I-K-K-I" at ini-spell niya pa talaga name niya, na para bang dapat tandaan ko ito.
"Yeah sabi ko nga Nikki" sabi ko sa kanya.
"Eat with us Seth" nakangiting sabi ni Nikki at tinapik pa ang upuan na nasa tabi niya.
"Ahh ehhh, okay lang ba? Hindi ba ako nakakaistorbo sa inyo?" naubosan na ko ng excuse na ibibigay sa kanila kaya't pumayag na lang ako.
"Ano ka ba naman, of course it's okay" masigla niya naman na sabi.
Hindi pa man ako nakakaupo may bigla ng humawak ng malakas sa balikat ko.
"Huli ka!" at ang punyetang Marco na naman.
BINABASA MO ANG
DEAL WITH THE DEVIL
RomansaIsang taon... Dalawang taon... Tatlong taon... Apat na taon ng gusto ni Seth Trix Salvacion ang isang Lance Aishe Sandoval. Ilang beses nang nagtapat si Seth ng kanyang nararamdam, ngunit lagi siyang binabalewala at nire-reject ng lalaki. Hanggang...