Chapter 1 - Morning Disaster

14 2 1
                                    

Kirsten Kahlea's POV

"Nak, nandiyan na yung baon ninyo ni Ross para sa tanghalian. Yung snacks ay ang tinapay na may peanut butter at jelly, ano ang gusto ninyong inumin? Apple juice o orange juice?" tanong ni Manang Tessie saakin dahil siguro pati siya ay nase-stress at napapagod din just by looking at me

"Cranberry po saakin Manang, Kay Ross ay orange po" sagot ko sakanya habang inaayos ang uniform ko.

"Ay! Uu nga pala! Cranberry nga pala, sorry anak" sambit ni manang at agad naman niyang kinuha ang juice packs namin ni Ross

"tenchu manang! Lab u!" sabi ko sakanya habang nag-aayos.

Umupo ako at muling sumubo ng almusal grabe! Ang sarap talaga ng luto ni manang! Ang sarap pa sana ng kain ko nang may bumusina sa tapat namin. Napasilip ako at tama nga ako Shockss!!! Ang hassle naman ng first day of class ko!! huhu malilate na ba kami T__T

"Marcoooo!!! Wait lang ha?" sigaw ko sakanya habang sumisenyas na saglit lang.

"Sandali anak at bubuksan ko ang gate" ika ni Manang Tessie at agad na nagbukas ng gate

"Tenchu manang!" sigaw ko sakanya at agad pumanik sa second floor para puntahan ang kapatid ko.

"Ross Gabrielle!! Wala na bang ibibilis yan!! Ang sabi ko kasi sayo wag ka gaano magpakapuyat jan sa valorant na yan! Tignan mo first day na first day at mali-late pa tayo nito!" Singhal ko sa kapatid ko, habang nagpapadyak! Nakaka-stress naman kasi! Paano ba naman itong kapatid ko, nawili na sa paglalaro ng online games at minsa'y napupuyat pa hindi tuloy siya nakapag almusal ngayong umaga.

"Etoo na Ate, kalmahan mo lang kasi" Sabi nito, bago ko pa malimutan naalala kong may isang libro pa pala akong hindi nakukuha dahil hindi na kasya sa bag ko.

Pumunta ako sa kwarto ko at pumunta sa side table ko— nasan ko nga yun nalagay? Ay! Nasa study desk ko pala!! Agad ko na sanang dadamputin ang libro ko nang....

"Tsk tsk" napalingon naman ako sa pintuan ng kwarto ko at nakitang nakatayo ang kutong lupa kong kapatid habang pinapagpag ang plantsadong uniporme. Inilagay nito ang kamay sa kaniyang bewang "Ano ba naman yan, Kirsten Kahlea, wala na bang ibibilis yan? first day na first day, mali-late tayo... Hay! Di ba ang sabi ko wag gaano makipagpuyatan kay Kuya Marc—" binatukan ko ito at hinila sa baba

"Ate!! Malukot uniform ko!!!!" pag rereklamo saakin ni Ross

Tinignan ko ito at sinamaan ng tingin, "Alam mo ikaw!! Ang feeling moo!!" Sigaw ko sakanya

"Kayu talaga nag-aaway na naman kayo" Sabi ni manang habang iniaabot saamin ang lunch box namin.

"Si ate kasi manang, aga aga ang sungit sung-"

"Alam mo ikaw!! pag di ka tumahimik sisipain kita papuntang UK!" Singhal ko sakanya, "Oh ayan pinaghandaan ka rin ni manang ng almusal mo" Sabi ko sabay abot sakanya ng tinapay niya.

"O siya sige! Umalis na kayo't baka malate pa kayo, Nandiyan na si Marco naghihintay, at hindi na tumuloy" sambit ni Manang na obviously, stress na stress sa morning disaster namin nitong kapatid kong epal.

"Ba-bye Manang!!" sigaw naming dalawa ni Ross at kiniss sa magkabilang pisngi si manang.

"Huwawww!!! Yayamanin, New car!" Sambit ni Ross nang makita ang sasakyan ni Marco habang hinihimas himas ito.

bahagya namang napatawa si Marco at ibinaling ang tingin saakin, "Good morning, Babe" sambit nito at ngumiti, ipinagbukas naman niya ako ng pinto. Ako naman ay kinilig! Aba naman! Babe raw?? baklang to!

"Uy Marco!! Ang yaman mo na ha, nasaan na ang wigo mo?" tanong ko sakanya habang ini-start niya ang kotse niya.

"Oo nga kuya—"

Stay, Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon