Kirsten Kahlea's POV
"Shocks! Buti at dismissal na!" Singhal ni Marga habang inilioigpit ang gamit sa kaniyang bag. Sa tabi naman niya ay si Krystal na nagsusuklay sa harap ng maliit niyang salamin.
"Yes girl! Tuloy ka ba mamaya?" Tanong ni Krystal at tumingin na ito kay Marga at itinago ang salamin sa kaniyang purple na pouch.
"Yup!" Sagot ni Marga at isinubli sakaniyang likod ang bag pack niya "But promise!!! Susunod ako mamaya!!!" Singhal niya at aligagang nag-aayos ng gamit niya. Paniguradong dadaan na naman siya sa LBC para ipadala ang mga orders sakaniya online.
"Marga!!! Dalian mo!" Singhal ni Frankie habang nakasandal na sa pintuan at any moment ay readyng-ready na umalis. Ganiyan kasi si Frankie eh, gusto nauuna lagi sa pag-uwi.
Isinuot ko na sa balikat ko ang Kanken ko na bag, "Uy wala ka na naman ba mamaya?" Tanong saakin ni Tala. Habang nasa likuran niya si Kevin at Jose na nag-aantay rin ng sagot ko. Aiiishhh!!
"Hatid ko lang muna si Ross, then promise!!!! Susunod ako!" Sabi ko naman sakaniya, hindi niya ito napansin dahil may nginunguso sakaniya si Jose, Nasa labas na pala si Krystal at si Paul na magkasama "Huy!!" Singhal ko sakanya at bahagyang itinapik ang balikat niya para mapansin niya ako. Pambihira!!! Hindi naman pala nakikinig!
"Ah-ah ahh, Sige! Sabi mo ha susunod ka!" Sambit ni Tala saakin, "Chloe! Dalian mo na diyan, tara na!" Sigaw niya kay Chloe. Agad namang tinigil ni Chloe ang pakikipag usap sa iba pa naming kaklase at tumakbo na papalabas ng room namin.
Napag-isipan kasi nila na mag hangout kami sa bahay nila Tala, iyun kasi ang medyo may kalapitan dito sa Monti kaya madalas ay doon kami nagha-hang out. Panigurado nagtatampo na rin sila saakin dahil simula nang maging kami ni Marco, madalang na ako nakakasama sakanila. Bukod pa doon, si Ross kasi ay responsibilidad ko.
Hayyy napasigh ako at kumapit sa strap ng bag ko. Lumabas na ako ng room at naglakad papunta sa Gate 1 kung saan may usapan kami ni Ross na doon magkikita.
Habang naglalakad ako, may tumabi saakin. "Oh, malungkot ka yata?" Tanong saakin ni Marco
Napatingin ako sakanya, tinap naman niya ang ulo ko na nagpawala sa lungkot ko, tinanggal ko agad ang kamay niya "Uyyy!! Aiisssh! Ano ka ba! Makita tayo ni Sister!" Singhal ko dito at ngumiti lang ito na parang walang naririnig.
"Bakit ka malungkot?" Tanong niya saakin, "humahaba na naman niyang nguso mo" pangtutukso niya saakin.
Hinampas ko siya at napahawak naman siya sa braso niya "HAHAHAHAHA" tawa lang niya.
Psh! Lakas tama talaga netong ewan na to!
May inabot siya saakin, chocolates at isang pulang envelope. "Happy 11th monthsary, babe" sambit niya sabay ngiti saakin.
Hala!!! Oo nga pala 11th monthsary namin ngayon! Nawala na sa isip ko T__T pero don't get me wrong!! Nalimutan ko lang dalhin ang regalo ko sakanya, at nawala sa isip ko na ngayon pala yun. Pero!! Nakabili na ako ng perfume na gusto niya, naiwan ko lang sa bahay ehehhe
"Thank you!" Singhal ko sakanya at ngumiti ako.
"ate!!" Tawag saakin ni Ross, napatingin naman ako sakanya at paktay kang bata ka! Nakita ko sakanyang tabi sina Eman at Julio. Ang dalawang kaibigan ng kapatid ko na minsan sa bahay na yata namin nakatira tuwing hapon dahil laging nasa bahay.
Pinamewengan ko si Ross, "Ikaw bublit! Kakastart palang ng klase! First day na first day, maglalaro na naman kayo ng Valorant!!" Panenermon ko sakanya
"Ate!! Promiseee wala naman homework!" Sabi niya at napalingon sa hawak ko, "wow! May chocolates, hay ang ganda mo talaga ate hehe" agad kong tinago sa likuran ang hawak ko habang natatawa naman sa gilid ko si Marco.
BINABASA MO ANG
Stay, Don't Go
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.