Kirsten Kahlea's POV
After rosary and morning assembly, Miss Trina went straight to stage. Siya rin kasi ang Year Level Representative this year, and since last year na namin ito sa Junior High ay baka magbigay lang siya ng guidelines. Jusko! First day na first day at napagalitan na agad kami ni Miss Trina haay T__T
"Good morning, Blue Falcon!!!" She screamed, at halos lahat kami ay nakihiyaw rin. Siguro yung iba ay na e-excite dahil ito na ang last year nila dito sa school nabalitaan ko kasi, marami ang mga nagbabalak mag transfer ng school kahit na nag o-offer naman ng senior high ang school namin. Ako, paniguradong nandito na ako magsistay, nandito si Ross at siyempre nandito rin si Marco. "First of all, I would like to thank the Blue Falcon Basketball Team for bringing home the Bacon Last year interhigh!" At muli na naman nagsipalakpakan ang mga estudyante.
I looked at Marco. Of course! I know he is happy! Kabilang kasi siya sa Mythical 5 even though ang mga kasama niya sa team ay puro mga seniors. Tumingin din ito saakin at ngumiti, "Im proud of you!" I mouthed to him as I clap.
"I know you guys are all excited this year! For sure, this year will be fruitful to all of us! To our dear freshman, we embrace you with big arms as you guys started your high school. For the grade 10 students, there will be caravans, speaker guests as they'll guide you on choosing your Track!!!" At muling nagsipalakpakan ang mga students, "Again, welcome blue falcons!" We all clapped and siyempre, andaming nag usap on what they will be getting for senior year.
"Decided na ba kayo? Gosh! Ako yes na yes na!!" Singhal ni Krystal. For sure ay excited na excited na siya kasi noon pa man, desidido na siyang mag take ng Psychology. For sure ay kukuhanin ay HUMSS
"Girl! Ako rin, lalo na at hindi na ako rito sa Monti hehehe" ika naman ni Marga. Well Marga, she's always been into hustling, siya yata ang pinakahard working saaming magkakaibigan. She loves business at bilib din naman ako sakanya dahil as early as now, she is already earning. Paniguradong she'll take ABM
"Sure ka na ba na aalis ka sa school Marga?" Tanong ni Chloe. Chloe's drawing are admirable, talaga namang pinag-isipan, pinagpaguran, at pinaglaanan maigi ng oras. She's into arts, kaya naman sa tuwing Arts Month ay nangunguna siya sa awardings dahil talaga namang magaling siya.
Marga was about to answer nang makarating kami sa room namin. Siyempre kahit na magkakakilala na kami, tuwing first day talagang lahat ay tahimik.
Simula grade school, mom decided to enroll me and my brother here. Maganda kasi ang reputation, bukod pa doon pabor kay mom na enrolled kami sa Private School so most of our time, ay nandito kami sa school.
"Good morning, Class" Miss Trina greeted us. Bata pa si Miss Trina, I think she's on her early 30's maganda, at ang sabi nila magaling din daw itong magturo ng Physics. I heard, she was married, pero she has to provide everything at kinabukasan nagising na lang daw siya na pagod na siya. Yun ang sabi nila, kaya since then we call her Miss Trina. Ayaw niya kasi na tinatawag na siya sa surname niya.
"Good morning, Miss Trina" we responded. My classmates here are mostly my classmate since grade 9 kaya naman for sure ay magiging masaya itong year na ito.
"Grabe, are you guys excited? May naiisip na ba kayo sa strand niyo?" She asked while waiting for a response. I think most of us here are already decided kung anong track ang pipiliin namin. Talagang sorry to Miss Trina, pag first day pa good shot muna hehehe
"Okay we dont need to rush naman! We still have months to figure what is best for you pa, and there will be caravans" She smiled. "Since this is our first day, please be nice to your new teachers, mmkay?" She said while fixing the papers on her table
BINABASA MO ANG
Stay, Don't Go
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.