10:15
Nandito ulit ako sa garden. hanggang ngayon di ko pa rin matanggap ang mga narinig ko kahapon. magagaya ba ko sa kinahinatnan nung batang lalake.
napakabata ko pa para harapin ang kamatayan. marami pa kong gustong gawin sa buhay ko! marami pa kong pangarap gusto ko pang mkagraduate ng college .
ganun ba ko kasama?! para parusahan ako ng ganito?!
sobrang sakit. di ko matanggap! pwedeng isang araw di na ko magising mula sa pagkakatulog ko, pwedeng mamaya.. bukas..o sa susunod na araw.
natatakot akong pumikit at makita ang kadiliman, pano ako mabubuhay ng normal nito.. ang daya!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/3856881-288-k558116.jpg)