JANUARY 01

47 2 0
                                    

01:05am

HAPPY NEW YEAR!!!!

diary nandito ako ngayon sa may bintana ng kwarto ko!!! pinapanuod ko silang magpaputok! tumitingin sila dito mnsan para siguruhing nanunuod ako. ang ganda ng kulay!!! ang ganda ng langit...sobrang kulay!!!

diary.... inaantok na ko.. pwede na kaya akong matulog?! napapagod na rin kasi ako ehh

mamimiss ko sila ng sobra, ngayon alam ko na kung bakit binigay ko lang narealize lahat!!! kungbakit ako bingyan nung bata ng journal, para maipaalam sa pamilya ko na naging masaya ako sa sandaling pananatili ko sa mundong to kasama nila... i'll just accept the fact that nothing is permanent in this world, yun nga lang, may duedate came...but still, im happy, kasi diba sabi ng doctor di ako aabot ng new year... pero mali sya!! binigyan ako ng miracle ni god!! pinabot nya ko sa araw na to!

habang sinusulat ko ang entry na to, di ko mapigilang umiyak, di dahil takot ako sa pupuntahan ko, kundi natatakot ako para sa mga iiwan ko.

ma, pa, salamat po sa effort at sa time para alagaan ako althroughout my medication. pasensya na po kung masyado kayongnapagod dahil sa kin. mahal ko po kayo ng sobra..

kuya nath, salamat din po kasi di nyo ko iniwan. salamat sa tawanan at kulitan, mamimis ko yun ng sobra. im very thankful to god, cause he wrote my life including you and also ate lorraine... your gf hahaa mahalin mo yun kuya ahh!!!! i love you!

para sa new baby!! hello im your ate! sorry di mo na ko nakita, di na kita nauhat o naalagaan man lang, pero wait... i want you to know that ate loves you more than you'll ever know!! :)) ok!! fight! be strong!!

habang sinusulat ko to, i noticed something... kungbibilangin ang entry ko mula nung umpisa, 16 entries...then i started writing on this journal.. dec. 16. jacell marie reyes-->16 letters... kaya siguro hanggang dito na lang ako! :) pero ok lang...

guys, i know, once na mabasa nyo to.. natutulog na ko... sorry po ahh di na ko nakapagpaalam ng personal... di ko po kasi kayang makita kayong umiiyak ehh. dont worry i sleep with a smile, kasi tinupad nyo po ang wishes ko... yung foods.. fireworks?!! i really love them.... so much.... feel na feel ko po yung love nyo lalo nat suot ko po ngayon yung mga gifts nyo sakin nung christmas. yung dress , shoes.. lalo na po yung teddy bear na bigay ni kuya.

i know magiging masaya po ako dun sa pupuntahan ko, so please po wag kayong umiyak, kasi wala na ko para punasan yung mga luha nyo ehh.. :'( si mr. and ms. teddy, pakibigay na lang po kay baby.... told him/her that i love him/her!!! that much!

ma, pa, kuya.. be happy for me... please.. i swear, this is the best bday and new year ever!! love you all! hihintayin ko po kayo dun...kahit gaano katagal....kahit abutin po ng taon.. dekada.. o century... ill wait for you!! at once n a magkita po tayo dun.... promise di na po ako mawawala...

diary.. salamat sa di pag iwan sakin...

happy 16th birthday to me!!

till we meet again/....

-last entry...jacell-

OFF TO STRUGGLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon