3:04pm
pumunta yung doctor ko kanina habang nagku-kwentuhan kami ni kuya nath. pwede na raw akong umuwi. =____________= di ko magawang maging masaya. gusto ko na umuwi pero gusto ko, ok na ko. alam ko naman na kaya lang ako pauuwiin ng doctor ay dahil wala na silang magagawa sa sakit ko... pano kaya ako magcecelebrate ng pasko ng ganito?!
***
7:21pm
nandito na ko ngayon sa kwarto ko, namiss ko tong nang sobra! walang nagbago, ganitong-ganito yung ayos ng kwarto ko nung iwan ko to, nandito pa rin si mr. teddy. ngayon magiging komportable na yung pagtulog ko. di na amoy gamot, wala ng mga dxtrose .... haixt... sana magkaroon ng miracle at gumaling na ako :(