4:21pm
ngayon lang ako nakapagsulat, kakatapos ko lang kasi maglinis ng cabinet ko. inalis ko na yung mga damit, sapatos at iba pang gamit na di ko na ginagamit. balak ko kasing idonate to sa isang charity malapit sa bahay namin. haixt...sayang kasi ehh.... nakakapagod pala maglinis haha lalo na't naka wheelchair ka.... pero ok lang..
ok lang
ok lang
sana...
***
6:44pm
tapos nah! naibigay na namin ni kuya yung mga gamit sa charity. ang sarap pala ng feeling noh!! nakalimutan ko tuloy yung sakit ko.ang dami kasing lumapit sakin na bata tapos kiniss nila ako at nagthank you sila. sabi pa nga nung iba ang baet ko daw.. pagpapalain daw ako ni lord.. haha lokong mga bata!!!
pero sana.. pagpalain nya nga ako..
ineed a miracle right now....
please... bigyan mo ko kahit 1ng miracle lng...