Chapter 10: What friends are for

28 1 0
                                    

Vacant namin ngayon. Kainis nga e, kung kailan nasa mood ako'ng mag-aral, dun hindi kami nag-aaral. Yung totoo?

"Shana! Shana!" Tumingin ako bigla sa sumisigaw, si Lira pala.

Pinalo ko lang sya ng mahina sa braso.
"Uy" pagbati ko sakanya.

Umupo sya sa tabi ko at hinihingal.
"Kanina pa kita hinahanap. Kainis ka!" Sabi nya habang nakakunot noo.

"At ako pa talaga may kasalanan huh?" Sinamaan nya naman ako ng tingin, atsaka tinapat ko sakanya ang cellphone ko.

"So hindi mo naisip magtext nalang?" Sarkastiko ko'ng pagkaka-sabi.

"Tingin mo mayaman ako katulad mo para magka-load lagi?" Taas kilay nya'ng sabi.

"Sabagay." - Ako.

Nag-palibre sya sa Canteen, tapos nagbell na kaya nauna na ako'ng pumunta sa room, may quiz pa kasi kami sa Science.

~~~

"Ok class. You only get one and then pass. AT! Bawal kumopya, dahil ang mahuling mangopya, diretso sa Principal's Office." Sabi ni Proffessor Canlas, at iniwan muna kami saglit.

Nagco-concentrate ako sa Quiz, favorite subject ko 'to pero sobrang nahihirapan ako. Haisst.

"You will let me copy or you'll be punished?"
May narinig ako'ng nag-salita ng ganun kaya tumingin ako agad sa paligid para tingnan kung sino yung taong yun.
Hiyaa. Sabi na nga ba si Beatrice yun e.

Isusumbong ko kaya? Kaso pag ginawa ko 'yun, baka isipin pa nya'ng nagsi-simula na naman ako ng away. Aba'y ayoko naman na ng away.

Oo o Hindi? Sige na nga! Ay hindi, ayoko. Ay sig... Hindi na nga!
Kumunot naman agad ang noo ko kasi nakukunsensya ako dahil sa ginawa nya. She has to be fair. Halos sasabog ang utak namin para masagutan ang mga tanong sa quiz, tapos sya dali-dalian nalang dahil may kopyaan? Hmmp. ok magtimpi ka nalang muna sa ngayon Shana, pero sa susunod na gagawin nya yun, sisiguraduhin mo nang makakarating 'to sa guro.

Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya at binaling ang concentration sa Quiz.

•••

Pagpasok na pagpasok ko sa room. Halos lahat nagba-batuhan ng papel, yung iba nagka-kanta-han, yung iba nagchi-chikahan. Ewan ko ba kung Section A talaga 'to, sa nakikita ko kasi, parang nasa Last Section kami e.

Umirap nalang ako at huminga, umupo ako sa upuan ko para mag-pahinga habang wala pa yung Proff.

~~~
"Anak, gising na. May klase ka pa" Ay si Mama pala.

Tumango lang ako at niyakap sya. "Sige po, Ma! Bababa na po ako."

Bumaba na ako para kumain, naabutan ko sila Daddy sa baba.
"Goodmorning anak." Bati ni Daddy at kiniss ako sa Noo.
"Goodmorning din Dad." Tsaka ako pumunta na ng kusina.

Pagbalik ko sa sala. OhMyGod.

"Mamili ka ng isa!! Mama mo, Papa mo, Ate mo, o Kuya mo." Sino ba 'tong mga 'to at tinututukan ng baril ang pamilya ko. Nagpapanic na talaga ako.
*booom*

"SHANAAAA!" Nagulat ako, pagka-dilat ko si Alex pala, classmate ko.

Panaginip lang pala yun. Bakit ganun? Hayop na panaginip naman yun, sobrang ganda grabe!!! Kainis. Mamamatay ako sa takot. Buti nalang may nanggising sakin, kundi baka magdudusa pa ako sa panaginip ko, ayoko na maranasan ulit yun, once is enough.

At naalala ko, may ico-continue pa pala kaming quiz ngayon, 'di kasi namin natapos kahapon e.
I need to review! Kahit kaunti lang.

Mga 10 Minutes din siguro ako'ng naka-review. Masyadong maliit na oras yun, pero okay lang, may mga pumasok naman sa utak ko kahit papa'no e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GOAL: NOT TO FALL INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon