Chapter 2

72 6 0
                                    

Napatigil ako kaya naman nabitawan ko ang kutsara. The sound it made as it collided with my plate was the only thing we heard.

Dad's response was new to me. Usually kasi, go lang siya ng go. Pumapayag talaga siya sa kung anong gusto kong gawin as long as I'm safe.

Siguro naisip niya na mag-isa lang ako dun. Hindi naman eh! Kasama ko si Hana, na kakilala niya naman.

I felt tears forming at the corners of my eyes. First time kong ma-reject ni Dad.

Nakita siguro ni Kuya yung expression ko because he interfered on my behalf.

"Dad-"

"Oh, Sof, ba't ka naiiyak?" tanong ni Dad habang nagtataka. "Sasabihin ko lang naman na hindi ako papayag kung hindi ka nagpaalam sa akin."

"Dad naman eh!" I wailed like a kid. "Akala ko talagang 'di ka papayag!" I wiped my tears.

"Halika, baby," aya ni Dad. Tumayo naman ako at yumakap sa kanya. Pagkatapos nun, bumalik ako sa upuan ko.

"Pero baby, I need to ask. Sinong kasama mo dun?"

"Si Hana po."

Lumaki yung mata ni Dad. "Kayong dalawa lang?"

"Opo."

"This is where I have to disagree, Sof," sabi ni Dad at alam kong walang halong biro yun. "I don't think you guys will be safe in a foreign country. Payag akong pumunta ka dun, pero hindi ako payag na kayong dalawa lang."

Tumango na lang ako. "What do you suggest then, Dad?"

"Dwayne should go with you," he said.

"Ano po?" My jaw dropped as I looked at Kuya Dee.

Napanganga din naman si Kuya. Susubo na sana siya, but his spoon stopped in mid-air.

"Dad?" sabi ni Kuya as he set his spoon down. "Sasamahan ko po sila?"

"Yes, Dee. Mas kampante ako kung kasama ka nila dun."

Sandaling tumahimik si Kuya na tila nag-iisip ng malalim. Then, he breathed in deeply before saying, "Okay po."

"Well then, it's settled. Bukas, we'll start the preparations," sabi ni Dad habang nakangiti sa amin.

Hay, Bangtan Boys. Sana worth it kayo.

...

Nung lumapag ang eroplano at nung nakalabas na kami, gusto kong halikan ang lupa.

For the first time in forever ko kayang makaapak sa ibang bansa, tapos Korea pa!

I took a deep, deep breath. Ang presko ng hangin! Tsaka sobrang lamig pa. Winter na kasi.

"O, Sof. Mauubusan na kami ng hangin dahil hinugup mo na lahat," sabi ni Kuya Dee.

Natigilan ako at tumaas ang kilay ko. Napa-tss nalang ako sa kanya.

"Kuya Dee, hayaan mo na si Sofia," biglang sabi ni Hana sa tabi ko. Umiwas naman kaagad si Kuya. Weird ng isang 'to.

"Wah! I can't believe na nandito na tayo!" Hulaan niyo kung sino ang nagsalita...

"Jungkook my loves! Hintayin mo ko!" sigaw ni Hana habang tumakbo siya papasok ng airport. Pinagtitinginan nga kami eh.

Nakakahiya.

But as much as I want to hide my face in embarrassment, parang nahawa na rin ako sa excitement niya.

Nung nasa eroplano nga kami, kinukulit niya ako kung sino sa BTS ang gustong-gusto ko ma-meet.

Pero hindi ko siya binigyan ng sagot. Sabi ko lang secret.

For You [BTS V Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon