Chapter 5

34 2 0
                                    

Maraming tanong sina Kuya Dee at Hana tungkol sa ginawang pagtakas namin ni Bwi nung nakauwi na ako. Siyempre, kwinento ko sa kanila minus the 'subo-subo' part.

Sa amin nalang yun.

"Akala ko itatanan ka na niya," sabi ni Hana habang naghahanda na kaming matulog sa kama.

"Tanan talaga?"

"Siyempre. Jowa mo eh," simple niyang sabi at humiga na sa kama niya.

"Sira." Tumawa ako sa sinabi niya. "Good night, Hana Savannah!"

"Good night, Sofia Lee!"

...

Kinabukasan, nag tour pa kami ulit. Binisita namin ang Gyeongbukgung Palace. Namangha naman ako kasi first time ko makakita sa real life ng palasyo. At napakalaki pa. Napanganga na nga lang ako.

Binisita na rin namin ang Bukchon Hanok Village dahil malapit lang siya sa palasyo. Nakita namin ang mga traditional Korean homes at kung ano-ano pa.

At nung sumapit ang gabi, the three of us also enjoyed the snow and the delicious hot pastries. I suggested na kainin namin ulit yung bungeoppang at hodugwaja kasi masarap at nakakamiss.

Naalala ko tuloy si Bwi.

Hindi kasi siya nagpakita buong araw eh alam niya naman kung saan ako nakatira. Pwedeng-pwede na siyang pumasok sa building at mag-inquire sa landlord kung anong floor kami nakatira kahit na anong oras.

"Sof, ba't ka nakatunganga lang diyan?" tanong ni Kuya sa akin.

Hindi ko namalayan pero tinititigan ko na pala ang bukas na gate. Nagbabasakaling may lalaking nakacoat, nakabeanie at nakamask na nakatayo.

Pero wala eh.

Nalungkot naman ako dun.

"Wala lang," simple kong sagot at nilagpasan ko na siya para pumasok na sa building.

"Baka kain lang ang hanap nun," komento ni Hana habang inaakyat namin ang hagdan. Alam niya kaagad kung sino yung hinahanap ko. "Tapos na kasi ang birthday mo kaya hindi na nagpakita."

Napa-tss na lang ako sa kanya. Gawin ba namang patay-gutom si Bwi? Imposible naman. Pero sabagay, ang lakas din kumain ng isang yun.

Nang makarating kami sa 2nd floor, napansin namin na may kulitan na namang nangyayari sa unit kung saan puro lalaki ang nakatira.

"Ang ingay talaga ng mga 'to," inis na sabi ni Hana.

Tumango nalang ako.

Totoo naman eh. Napakaingay talaga nila. Nagsisigawan. Nagtatakbuhan. Hinigitan pa nila ang mga bata sa elementarya.

Wala bang ibang tenants na nagrereklamo?

Minsan din, pinapatugtog nila ang mga kanta ng BTS at sumasabay pa sa pagkanta.

Nakirinig nga kami ni Hana bago kami umalis kanina at in fairness, agree kami na magaganda ang boses nila. Kuhang-kuha nila ang mga boses ng BTS.

Malapit nga mag-fangirl si Hana. Buti nalang at napigilan niya pa. Nag-fangirl din ako, pero pasekreto.

Pero kailangan ba talaga nilang mag-ingay sa kalagitnaan ng gabi?!

"Hayaan nalang natin sila," sabi ni Kuya. Halatang pagod na pagod na siya sa boses pa lang niya.

At dahil sa kapaguran, nagmadali kaming umakyat sa unit namin at natulog na kaagad.

Sa sumunod na dalawang araw, hindi pa rin nagpakita si Bwi.

For You [BTS V Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon