Chapter 6

53 3 1
                                    

 Malakas ang kabog ng puso ko habang naghihintay sa takdang oras kung kailan kami magkikita ni Bwi.

I kept pacing around the unit dahil sa hindi ako mapakali. Ayain ba naman akong pumunta ng Lotte World?

"Pwede ba, Sof, tumigil ka sa paglalakad? Ako yung nahihilo sa pinaggagagawa mo eh," sabi ni Hana. "Masyado kang halata na kinikilig."

"Anong kinikilig? 'Wag ka nga!"

"Sof, dapat hindi alas dose umuwi ha?" paalala ni Kuya. "Kundi lagot yang Bwi na yan sa'kin."

"Opo," sabi ko.

"Pag hindi ka inuwi nun sa tamang oras, tatawagan ko talaga sila Mommy at Daddy," dagdag niya pa.

"Opo."

"At pag may mangyari talagang masama sa'yo, hindi na talaga makakalakad yang Bwi na yan."

"Opo," sabi ko ulit. "Ang bayolente niyo naman po."

"Tsaka—"

"Hay, naku, Kuya Dee. Anong oras na? May date pa si Sofia!" pagputol ni Hana sa kanya. Tapos hinila niya ako kaagad palabas ng unit.

"Sof, mag-ingat ka ha!" narinig ko si Kuya nung nasa labas na kami.

"Sana nagsuot ka ng cute na damit," sabi ni Hana habang naghihintay kami sa labas ng building. Tinitingnan niya rin ang itim kong overcoat.

Sumilip ako sa relo ko. 2:30 pm pa lang pala. 3:00 pm kasi yung usapan namin.

Tumingin ako sa kanya at nagsabi ng, "Cute? So meaning magdedress ako? Gusto mo 'kong mamatay sa lamig?" Nag-bleh ako sa kanya pagkatapos.

Pinitik naman niya ang ilong ko. "Sus. Pilosopa. Gusto ko lang naman na maganda ka sa paningin ng crush mo."

"Hindi ko nga siya crush eh!" Pagpipilit ko pa.

"Oh, sige. Mahal mo siya."

"Hindi nga!"

"Eh, ba't ka pumayag na makigpagdate sa kanya?"

"Hindi nga 'to date. Ang kulit ng lahi mo."

"Anong tawag mo dito?" tanong niya habang nakapameywang.

"Friendly..."

"Friendly?"

"...date."

"Oh, see? Nag-deny ka pa." She stuck out her tongue at me.

"Tss."

"Lee!" narinig kong may tumawag sa akin at alam kong si Bwi na yun. Hindi muna ako lumingon sa kanya.

"Ano? Oy, ayos ba yung suot ko?" taranta kong tanong kay Hana.

"Para kang shunga," simpleng sagot niya. "Sige na. Umalis ka na at palapit na ang crush mo."

"Wala ka talagang suporta," sabi ko sa kanya at tuluyan ng hinarap si Bwi. Nakasuot pala siya ng brown long coat. At hindi mawawala ang itim niyang mask at beanie.

"Bwi!" bati ko sa kanya habang malaki ang ngiti. Alam kong ngumingiti rin siya sa'kin dahil sa mga mata niya. Yun nalang ang tanging sign na nakangiti siya.

"Hello, Hana," bati rin niya kay Hana nung makalapit na siya sa'min.

"Bwi, take care of Sofia, okay?" huling paalala ni Hana sa kanya. "And you have to be home by 10 pm, okay?"

"Okay!"  Tumango naman si Bwi. Kung alam niya lang sana na pwedeng-pwedeng hindi kami makauwi sa oras na yan.

Biro lang. Mapagalitan pa ako ni Kuya. Pwede pa rin naming i-push until 11 pm nga lang.

For You [BTS V Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon