Chapter 4

58 5 0
                                    

"B-Bwi?" Kumunot ang noo ko. Pa'no niya nalaman na dito ako nakatira? Stalker ba 'to?

"What are you doing here?" tanong ko pa.

"Sof, okay ka la-" naputol ang pagtatanong ni Kuya nung nakita niya si Bwi na nakatayo sa labas ng gate. Gulat na gulat din siya.

"Sino ba yan?" Si Hana naman 'to. Ang taas kasi ni Kuya kaya hindi niya agad nakita si Bwi.

"Oh! Si Bwi lang pala!" masigla niyang sabi nung makita na niya sa wakas si Bwi.

Tuwang-tuwa pa talaga siya na nandito si Bwi. Hindi ba siya nagtataka kung ano ang ginagawa niya dito sa labas ng building?!

"Hello!" energetic na bati ni Bwi sa kanila. Nag-wave pa siya ng kamay.

Weird niya talaga. Sumusulpot nalang siya bigla na parang kabute. Nakatayo pa rin kami dito sa may gate, trying to get over the initial shock. Well, ako lang naman talaga ang shock na shock. Pati na rin si Kuya. Si Hana parang okay lang sa kanya.

Napabuntong-hininga nalang ako at bumuo ng desisyon.

"Bwi?" tawag ko sa kanya.

"Hm?" His eyebrows were raised in question.

I took hold of his wrist, and said, "Come and celebrate my birthday with me."

...

Nakarating kami sa isang shabu shabu restaurant. We ordered a meal set for four and of course, Korean ang broth na pinili namin.

Tabi kami ni Bwi habang nasa harap sina Kuya Dee at Hana.

At napansin namin na kahit nasa restaurant na kami, nakamask at nakabeanie pa rin si Bwi.

"Bwi," sabi ni Hana. "Aren't you going to take your mask and beanie off?" Sinabayan niya pa ito ng hand gestures para maintindihan ni Bwi.

"Aniyo," sagot naman ni Bwi. Tapos, bigla siyang umubo na ikinagulat namin. Nasundan pa ito ng isa pa.

"Are you okay, Bwi?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. I also patted his back.

"Yeah, I'm okay," sagot niya tapos nag-thumbs up sa akin.

Napa-tss ng mahina si Hana. "Mukhang peke naman yun eh," dagdag niya pa.

"'Wag ka nga," pagsaway ko sa kanya. "Baka ayaw niya lang talagang tanggalin."

"Ano ba kayo," mahinahong sabi ni Kuya pero alam namin ni Hana na pinagsasabihan na kami. "'Wag nga kayong nagtatagalog sa harapan ng bisita natin. Hindi niya kayo naiintindihan."

Napatingin kaming dalawa ni Hana kay Bwi at nakita nga namin sa mga mata niya naguguluhan na ito sa mga pinagsasasabi namin.

"Sorry," sabay naming sabi ni Hana habang nag-bobow sa kanya.

"No, it's okay," sabi ni Bwi. Nakangiti ito dahil naghugis kalahating-buwan na naman ang mga mata niya.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating na ang pagkain namin. Masaya namin itong pinagsaluhan.

"Bwi," tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin. Tinuro ko naman ang bowl niya. Tumaas yung kilay niya pero binigay niya naman. Nilagyan ko iyon ng mga vegetables as well as meat. I also scooped some of the broth into his bowl.

"Here." Binigay ko ang bowl pabalik sa kanya. Bait ko no?

Nagulat siya pero madali siyang nakarecover sa pagkagulat niya.

"Kamsahamnida!" masayang sabi ni Bwi. Nahawakan niya yung mga kamay ko at muntikan ko nang mabitawan ang bowl.

"You're welcome," sabi kong nakangiti sa kanya.

For You [BTS V Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon