Chapter 1

153 8 1
                                    

“Mommy, sa 18th birthday ko, punta ako ng Korea, please.”

Yan ang mga katagang sinabi ko kay Mommy a few days before my 18th birthday which was on December 17. And yup, instead of isang 'bonggang' debut, I opted for a trip abroad. Gusto ko rin sanang makaapak sa ibang bansa kahit once lang.

“Sure ka na ba talagang hindi ka mag dedebut, Sof?” sabi ni Mommy sa akin. “Pa’no na yung mga kaibigan mo?”

Oo nga no.

“Pero Mommy, once in a lifetime lang to na chance. Kaya, I’ll grab it na while it presents itself to me. Tsaka, magpapahanda na lang ako para sa ibang kaibigan ko,” sabi ko. Sasabat na sana si Mommy pero inunahan ko. “Pero pagkatapos na ng trip ko.”

Nag-hmm lang si Mommy. Tapos parang may nag ding! sa utak niya basing on her facial expression.

“Teka, sino pala ang kasama mo sa trip?” tanong niya sa akin.

Siyempre, isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

Ang may pakana nitong lahat. Ang kaisa-isang tao na nagpumilit na pumunta ng Korea sa birthday ko para lang may rason siya sa parents niya na sumama rin siya.

Galing ng bestfriend ko no?

“Sino pa ba eh di the one and only Hana.”

“Sabagay. Kulang nalang pagtahiin kayo sa sobrang close niyo,” sabi niya.

“Tsaka, ilang weeks ba kayo dun? O gusto mong tumulad kay Hana na gustong dun na lang tumira?” biro ni Mommy.

Ha. Ha. Napilitan lang ako. Slight. Kasi nga di ba gusto ko rin makapag-abroad. Kahit saan, okay lang. But mas okay kasi sa Korea.

“Grabe naman, My,” sabi ko habang umaarteng nagtatampo. Niyakap ko ang waist ni Mommy. “Papaalisin niyo nalang ba ako ng ganun-ganun lang?”

Ang drama ko.

“Sus, My, nag fefeeling artista na naman si Sof,” sabat ni Kuya na bigla nalang dumating sa living room kung saan kami currently nag-uusap ni Mommy.

I gave him a “death” glare, though I’m pretty sure na para lang akong bata na nagtatantrum.

“Hay naku, Dee. ‘Wag mo nang awayin si Sof,” saway naman ni Mommy.

Buti nga.

I stuck out my tongue at him which he ignored.

Ang ilong na to! Feeling gwapo! Well, gwapo naman talaga si Kuya Dee. Pero kahit na, aawayin ko pa rin.

“Ano nga pala ang pinag-uusapan niyo, My?” tanong ni Kuya na umupo sa katabing sofa.

“Ito kasing si Sof, pupunta nalang daw siya sa Korea instead of having a debut here.”

Tumaas naman ang kilay ni Kuya.

“Talaga? Sinong kasama niya?”

“Si Hana,” sagot ni Mommy.

Tumahimik naman bigla si Kuya na pinagtakahan ko for five seconds. Pero deadma na after.

“Titira na nga kami dun,” sabi ko sa kanya.

“Ah? Talaga?” sabi niya. Emotionless. Kaya parang nainis ako.

“Hindi ka ba malulungkot?” tanong ko.

“Malulungkot—“ sagot naman niya.

“Talaga?” Na-excite naman ako dun.

“Wala na kasi akong makukulit na pangit,” he finished.

For You [BTS V Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon