Continuation of C33

1.2K 25 3
                                    

Sa kabilang banda naman ay sumunod ang magkakaibigan upang tumulong sa pagligtas kay ashera, ngunit ng mapunta sila sa bandang bahagi kung nasaan ang balon ay wala silang natagpunan ni maski anino ni ashera dito, patuloy silang naghanap sa buong lugar hanggang sa nagkatinginan sila sabay sabing...

"Bangin!!!"

Na animoy nagkaisa ang kanilang utak at walang anumang oras ang sinayang at tumakbo ng dali dali, ng makarating sila ay sya ding pagkarinig nila ng isang malakas na putok ng baril, pag tingin nila ay unti unting bumulusok paibaba ang dalaga habang nakapikit at parang dinadamdam ang pagtama at haplos ng hangin sa kanyang katawan.

Gulat at hindi sila makagalaw dahil sa nasaksihang pangyayari sa dalagita, at poot ng makita nila kung sino ang salarin. Nakatalikod ito at dahang dahang humarap sa pwesto nila na alam nilang hindi sila basta maaaninag dahil nasa madilim silang parte...

Dahan dahan silang naglakad paatras hanggang sa makalayo sila at napag desisyunang tawagan ang kaibigan nila, walang iba kundi si steffan.

"Hello, nasan na si ash—"

"Patay na si ashera bro"

"Wag kang magbiro ng ganyan dark, hindi magandang biro yan dahil hindi nakaka—"

Katahimikan ang naghari sa dalawang taong nag uusap mula sa telepono, pawang nagpapakiramdaman ng sabay sabay na humikbi dahil sa kanilang nasaksikan kani-kanina lang... sa sinapit ng babaeng minamahal ng kanilang kaibigan ng patago simula pa pagkabata.

"S-sana n-nga n-nagbibiro na l-lang k-kami......"

MY STEPBROTHER POSSESSIVENESS [Develaux Series 1] (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄)Where stories live. Discover now