CHAPTER 34: MESS

1.2K 27 0
                                    

(Behind every strong person there’s a mess you can’t see.)

SOMEONE POV

"Can we stop this? I-im getting tired of who you are, I'm sorry."

"What? Iiwan mo ako?!" Naghehesterikal na sabi ko sa lalaking nasa harapan ko. Ang mahal ko.

"Pagod na ko, hindi na kita kilala pa" malungkot na saad nya na ikinatigil ko. Na ikinatigil ng mundo ko sa pagproseso.

"What do you mean?" Namamaos na tanong ko pero tanging pagduko lang ng ulo ang nagawa nya, lumipas ang ilang minuto bago ito magsalita na ikinaguho ng mundo ko.

"Ang laki na ng ipinagbago mo, hindi na ikaw yung babaeng una kong nakilala bilang mabait, matulungin at maaalalahanin. Bagkus nagagawa mo ng magpahamak ng mga taong nasa paligid mo na sa tingin mo ay isa silang traydor na balang araw ay tatraydurin at sasaktan ka. Tama na. Madaming buhay at pamilya na ang nadamay. Sinaktan mo na din ang taong tumanggap at tumuring sayong parang tunay na kapatid" a tears cascade in my left eye, a bunch of tears dripping in my eyes when I always feel tha pain.

"Ipinahamak mo sya, paano na ang mga taong nangangailangan sa kanya? Paano ang mga naiwan nya? Hindi mo man lang ba naisip yun bago mo sya napagpasyahang patayin? Siraan sa asawa nya?!" Hindi mapigilang pagtaas ng boses nya na naging dahilan para mapahikbi ako sa sobrang sakit.

"B-bakit ba parating sya na lang ang pinipili nyo?! Paano naman ako?!" Umiiyak na ani nya na ikinaangat ng tingin sa kanya ng lalaki

"Mabait sya at mapagmahal"

"Mga katangiang binago mo sa sarili mo. Pinipilit kitang intindihin at unawain pero nagsawa na ako, gusto kitang tulungan pero anong ginawa mo? Tinuloy mo pa din ang masasamang balak mo" aniya kasabay ng pagtalikod nya na agad nyang ikinatigil dahil sa ibinulalas ko.

"G-gusto kong maramdaman din nya ang pait! Galit! At paghihinagpis ko ng mga panahong sya na lang ang parati nyong nakikita, napupuri at parating minamahal"

"Masyado kang nagpalamon sa ingit na nararamdaman mo kaya hindi mo nakita kung gaano ka nya ingatan at pahalagahan na kahit kailanman ay hindi mo nagawa sa kanya"

Tinignan ko ang bulto nyang papalayo sakin matapos nyang sabihin ang mga katagang nagpasakit sa puso ko, it leave a pang inside my chest. A-ano bang nangyayari sakin? Masama bang gumanti? Kahit na onti? Bakit ba parating sya na lang ang nakikita nyo!!! Tao din ako! Nasasaktan! Nahihirapan at napapagod.

'Hindi sya kawalan sayo... kaya mong gawin lahat ng plano mo ng wala sya'

Totoo bang pinahalagahan mo ako?, ashera?. Totoo ba lahat ng ipinapakita mong pagmamahal sakin?.

'Wag kang magpapaapekto sa mga sinasabi nya'

Naguguluhan na ako! Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, arrgggghhhhh! Damn!

MY STEPBROTHER POSSESSIVENESS [Develaux Series 1] (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄)Where stories live. Discover now