Naranasan mo na bang hindi matanggap ng sarili mong pamilya?
Ang saklap nun diba? Kahit na ginawa mo ang lahat, hindi pa rin nagbabago ang paningin nila sayo.
Yung feeling na sayo napupunta lahat ng galit, panlalait, pati ung pagkakamali ng iba kahit wala ka namang kinalaman, hahanap at hahanap ng daan yan para makonekta ka.
Ako? Naranasan ko na yun simula nung bata pa ko. Lahat talaga ginawa ko... Nag-aral akong mabuti, hinakot ko lahat ng 1st place sa lahat ng contest na sinalihan ko, kahit ang mga house hold chores pinatulan ko, AT hindi ko hinayaang mapahiya ang sarili ko sa ibang tao.
Pero lahat ng yun? Wala lang yun sakanila, hindi talaga nila ako matanggap sa buhay nila.
Hanggang sa umabot sa punto na inisip ko na sana hindi nalang ako naging parte ng pamilya nila, na sana mawala nalng ako, kasi anak lang ako sa labas.
Pero nagbago ang lahat nung nakilala ko yung anim na yun!!
Hay naku! Makukulit, mayabang (minsan), maarate at higit sa lahat OA XD
Pero hindi lang naman yan ang meron sila... Pinaka gwapo, mabait, matalino, all in one package ang dating... Kaya nga bagay ung pangalang BAP sakanila eh.
Simula nung naging manager nila ako at nakilala ko sila, umayos ang buhay ko, naging mas masaya at nagkaroon ng kahulugan.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana... Pwedeng mangyari ang pinaka ayaw mong bagay kahit na iwasan mo o hindi mo hayaang mangyari un.
Hindi ko sila kayang mawala... Sila ang nagparamdam sakin na talagang mahalaga ako... Sila ang kumumpleto sakin...
They made me a better person, at dahil dun kaylangan ko silang protektahan...
BAP means everything to me...
———————————————————————————————
^_^V
-BlackButterfly09 <3
BINABASA MO ANG
B.A.P. Meets Ms. Best, Absolute, Perfect [ON GOING]
Teen FictionTungkol sa isang babae naging manager ng BAP na sa murang edad ay nakaranas na ng mga matitinding problema sa buhay. Mga pagsubok na sumukat sa kakayahan niyang malampasan ang kahit na anong problema. Masaklap man pero natutulungan siya ng BAP upang...