Kabanata 4

1 0 0
                                    

ARIES: They fall fast like a shooting star.

Malakas kong pinalo ang bola. Kaagad iyong natanggap ng player ng eagles. Pero dahil sobrang lakas ng pagkakapalo ko kahit natanggap iyon ng kanilang digger ay napunta na ang direksyon ng bola sa labas ng court.

"Yes!" sigaw ng karamihan sa nanonood. Mabilis akong lumapit sa team ko. 

"Isa nalang Aeries!" kaagad akong napangiti kay Ate Harley. Pinasadahan ko ang nakatali kong buhok habang tinahak na ang papunta sa serving area.

Kalaban namin ay Eagles, ikalawang kailangan naming talunin para makapasok sa finals. Kabado dapat dahil kapag natalo kami ay hindi na makakapagfinals but it is not the thing that makes me feel nervous.

Kanina pa ako kinakabahan dahil sa lalaking tahimik lang na nagmamasid sa tabi. I can see him in my peripheral vision. Compared to the last time that he went to watch us play, tahimik siya ngayon at seryosong nakaupo sa bench.

Agad akong napailing habang pinapalo nang malakas ang bola. I positioned myself correctly  and did the jump serve. Narinig ko pa ang mga sipol ng nanonood sa likuran dahil sa ginawa ko.

Kahit hindi maikukumpara ang dami ng sumusuporta sa eagles dahil sa kanila yung home court, meron pa din namang galing sa school namin to support us. 

"Galing ni Aeries!" sigaw ni Ate ng hindi parin nakuha ng eagles ang lakas ng pagserve ko. Tapos ang first quarter. Mahina lang akong napangiti sa papuri niya.

Kaagad kaming napunta sa benches. Kailangang kunin ang mga gamit dahil lilipat kami sa kabilang court. 

"Gracious..." mahinang daing ko ng makitang nasa tabi niya yung duffel bag ko. Bakit sa dami ng pwesto doon pa siya umupo.

Kinakabahan man pero sinawalang bahala ko nalang iyon. I need to get my bag!

Huli akong naglalakad at yung ibang ka team ko naman ay papunta na sa kabilang side ng court.

Seryoso akong naglakad papunta doon ng hindi siya tiningnan. Pero ramdam ko ang titig niya. Kaagad kong inayos ang duffel bag ko pero sa kamasan, nalaglag ang water bottle na nakalagay sa ibabaw nong bag.

Kaagad akong yumuko para kunin pero hindi ko inaasahan na yuyukuin niya rin.

Kaagad nagsalpukan ang ulo naming dalawa.

"Aray!" kaagad kong nahawakan ang ulo ko. Masama ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya. 

"Sorry..." he softly said and got my water bottle below his chair. 

Hindi ko alam ang gagawin ko. 

Bigla ko nalang kinuha ang duffel bag at umalis ng hindi pa kinukuha mula sa kanya ang water bottle ko. 

Mabilis akong naglakad papunta sa kabilang court. I need to get away. I slowly touched my chest like its painful, and I can't breathe. 

What the fuck is happening to me. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Gusto ko ba siya para maramdaman to? No way.

Agad kong nilagay sa isang upuan ang duffel bag ko at mabilis na umalis sa court. I need to get away. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. 

Basta ang gusto ko umalis dahil baka iyon ang makakatulong para hindi ko maramdaman ang bilis ng pagtibok ng puso ko. 

Near the exit of the gym is the comfort room. I hurriedly went inside, mabilis akong yumuko para maghilamos. 

Parang mas hinihingal ako sa nangyari kumpara sa laro na nangyari kanina. Unti-unting kinalma ko ang sarili. I looked at myself in the mirror. You don't like him. That is the first thing I concluded the moment I met him, so tama wala kang feelings sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cardinal FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon