Kabanata 2

11 0 0
                                    

ARIES: Busy for success when single and don't give a fuck to find love.

 "A-Aziel Cordero!" tila natauhan na si Naya na nasa harapan na namin ang kanina pa naming pinag-uusapan.

Tinangnan ako ni Naya na parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

"Lods ano yan? Kaya pala iniwan tayo!" nabaling ang atensyon ko sa mga kasama niya. Nasa harap na ang mahigit limang lalakeng kasama niya kanina, sa table namin na inuukyupa ni Naya.

Wearing their own engineering uniform from EU, pinagtitinginan na kami ng maraming tao sa canteen. Well, sila lang naman dito yung talagang out of place. Sila lang yung nakauniform maliban samin ni Naya at agaw pansin talaga sila dahil magkakasama silang mga well, mga gwapong lalake. I can't deny that right?

I heard murmurs, most of the people know them. Naririnig ko ang mahihinang tili ng ibang babae malapit sa pwesto namin.

"Oh!" Some are curious, but when they realize na ako pala yung tinabihan ay kaagad naman sila nagtulakan paalis.

"Si Aeries pala pare tara hayaan na natin si Aziel!" narinig ko pang bulong-bulong ng isang kasamahan niya sa mga kasama nito.

Napatingin ulit ako kay Aziel. Hindi niya man lang pinansin ang mga kaibigan niyang umalis. Inilagay nito ang mga kamay sa mesa at doon ipinatong ang ulo. Nangingiti siyang nakatingin sakin. I immediately notice his hazel eyes. His eyes is enchanting.

Hindi ko napigilan, I rolled my eyes in front of him at itinuon na ang atensyon sa paubos ko ng lunch.

Kumakain man ako ay nararamdaman ko na sobrang lapit niya talaga sakin. Nagiging maliit ako sa tabi niya dahil malaki siya. Napaangat nalang ako ng tingin ng biglang tumayo si Naya, pati si Aziel na kanina ko pa nararamdaman sa gilid na pinagmamasdan lang ako ay natuon ang atensyon dito.

"I-I have to go! May naiwan ako sa room Ries" nangingiti pero gulong mukha ni Naya ang tumambad sa harapan ko. Before she turned her back, she looks like accusing me that 'why she didn't know anything about this'.

"Naya!" naisigaw ko nalang ng mabilis na siyang umalis sa harapan namin. Hindi man lang ako pinansing tumawag sa kanya. How could she do that?!

I annoyingly looked at Aziel. Parang pinipigilang niya lang mangiti at walang pakealam sa nangyayari! He's making me feel so uncomfortable. Hindi ako makaalis sa table dahil siya yung nakaupo sa daraanan ko. He's blocking the way perfectly.

"Ipininganak ka bang inisin ako?" seryoso kong tanong sa kanya. He smirked.

"Hindi ka na nagreply sa message ko ah" hindi niya pinansin ang ikinapuputok ng ugat ko sa ulo.

"Dahil hindi mo naman sineseryo yung messages!" galit ko ng sagot sa kanya.

"Saan doon banda yung hindi seryoso?" kaagad nitong kinuha ang phone niya na nasa bulsa, may kinalikot lang siya doon at iniharap niya kaagad sa akin yung usapan namin.

I pouted seriously, I don't know what to say!

"Ito ba Mahal?" hindi ko na napigilang sabunutan siya ng sabihin niya iyon! Kaagad niya namang hinawakan yung kamay kong nakakapit sa buhok niya.

I am so irritated on him na hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. I am already touching his hair forcefully with my two hands. Doon lang ako natigil ng maramdam ang isang kamay niyang nasa bewang ko na.

He held me on my waist dahil sa pang-aatake ko sa kanya.

Mas ikinainis ko iyon. Ang dapat ilayo niya ko sa kanya para iwasan ang sabunot ko ay mas lalong inilapit niya pa ko kasi sa kanya! Nakangiti siyang nakatingin sakin at ako naman ay galit na galit.

Cardinal FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon