Ken: Oyy gagi bilisan mo, pag di natin naabutan yung shooting star, sasampalin kita
Hana: Napakasama ng ugali mo, sasaktan mo ang magandang dilag na tulad ko?
Ken: Wag kang magbiro nagmamadali ako, bilisan mo naaa!!
Hana: Oo na, excited ka masyado
Ken: Ohh asan na yung pangsapin dito?akin na at ilalatag ko para makahiga na tayo
Hana: Nagdala ka bang pagkain?
Ken: Eto naman wala pa ngang ilang minuto pagkain agad nasa isip
Hana: Sorry eh gutom na kasi ako eh HAHAHAHAA
Ken: Meron dyang mga prutas kinuha ko pa yan sa ref namin wala akong pera eh
Hana: Sige ano ba gagawin natin dito?
Ken: Gusto ko lang makita yung shooting star daw na babagsak. May hihilingin kasi ako eh
Hana: Shooting star? Hihiling? Ano ka kinder? Naniniwala ka dun?
Ken: Pake mo. Yun lang nakikita kong paraan eh. Ilang beses na akong nahiling pero wala pa ren. Malay mo pag dinamihan ko pa, matupad bigla.
Hana: Ano bang hihilingin mo? Pera? Kotse? Bahay? Ano ba?
Ken: Basta, labas kana dun.
Hana: Daya mo talaga
Ken: Eh hindi ko pwedeng sabihin baka di matupad
Hana: Ikaw bahala buhay mo naman yan, Basta ako gusto ko maging doctor, gusto kong maoperahan yung puso ni Papa. Ako lang ang aasahan nila kasi nagiisang anak ako. Kaya kailangan kong tuparin yung pangako ko.
Ken: Ako Naman, Architect
Hana: Walang architect na naniniwala sa wish wish HAHAHAHA
Ken: Napaka sama mo talaga sakin kahit kailan
Hana: Oh sige bakit gusto mong maging Architect?
Ken: Gusto kong magawan sina Mama at Papa ng Malaking malaking bahay. Syempre ikaw ren. Gagawan den kita. Gusto mo sa isang bahay na tayo tumira para masaya.
Hana: Yuck, ayaw kitang makasama sa bahay noh, dugyot mo kaya.
Ken: Talaga ba? Kaya pala lagi kang nakatambay sa bahay namin ano?
Hana: Wala lang talaga akong magawa sa bahay
Ken: Hayyss basta ako hihiga muna ako dito at pagmamasdan ko ang mga bituin.
Uhhhh sarap pala matulog dito sa taas ano?Hana: Oo mahangin kagaya mo
Ken: Bakit eh totoo naman minsan sinasabi ko eh. Siguro mas pogi ako dun sa crush mong lagi mong sinusulatan ano?
Hana: Kapal mo naman po, sya ata pinakagwapong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko.
Ken: Ano bang pangalan nan?
Hana: Aba bakit ko sasabihin, edi nalaman mo.
Ken: Ilang taon mo na yang tinatago sakin. Hanggang ngayun ayaw mo pang sabihin, di ko naman pagkakalat eh.
Hana: Malalaman mo ren yun, sasabihin ko ren sayo.
Ken: Ngayunnn naaa!!
Hana: Bakit ba? Ano bang mapapala mo pag nalaman mo kung sino?
Ken: Wala naman, mas maganda lang pag alam ko kung sino
Hana: Oh sige sasabihin ko pero sabihin mo ren sakin kung anong hihilingin mo sa shooting star achuchu
Ken: No, Ayoko!
Hana: Oh edi hindi ko den sasabihin
Ken: Bahala ka, ohh anong ginagawa mo, wag ka nga ditong humiga, ang lawak neto dito ka pa sakin nakasiksik
Hana: Sino kasing abnormal ang nag akit dito na wala manlang dalang jacket o Kumot manlang
Ken: Oo na kasalanan ko, excited kasi ako masyado eh
Hana: Buti alam mo
Ken: Basta Hana, Kahit anong mangyari wag kang mawawala sa tabi ko ha. Magpromise ka
Hana: Anong trip to? Isip bata mo talaga kahit kelan
Ken: Seryoso ako Hana, Kayo nalang ang meron ako, baka di ko kayanin.
Hana: Ang drama mo pero promise di kita iiwan. Tsaka ngayun pa ba kita iiwan eh parang alam mo na buong pagkatao ko HAAHHAHAA
Ken: Siguraduhin mo lang, pag iniwan mo ako hahanapin kita kahit sa Encantadia ka magtago
Hana: OA mo, Hindi nga ako aalis.
Ken: Yan kaya Love na Love kita eh Hana Uwu
Hana: Tigil tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo, Ako'y tutulog na bahala kana dyan. Bukas nalang ulet tayo magkita, Babushhh
Ken: Sige ingat Hana E. Yakin
Hana: Ikaw ren Kenneth D. Nacrushback
Ken: Dale, umuwi kana, ingat
..
.
.
.
.
.
Dear Ken,
Sobrang saya ko dahil, nakasama kita ngayung gabi. Ewan ko nga ba kung bakit ako sumusulat ngayun eh, basta ang alam ko lang espesyal ka sakin. Sana matupad ang mga gusto mong marating sa buhay. Lagi mong tandaan na nandito lang ako para sayo at lagi kitang gagabayan.
Nagmamahal,
Hana