Hana: Ken! Asan kana? Bilis at baka tayo ay maubusan ng upuan
Ken: Sandali lang, andito ako sa banyo
Hana: Dapat kanina ka pa naghanda eh, kanina pa sana tayo nandun, oyy bilis na
Ken: Oo eto na,Wala kasi akong mapiling damit eh
Hana: Kaya nga, ang akin lang naman dapat maaga–
Ken: Oh? Bakit? Hoy para kang nakakita ng multo ah. Whoa ayos ah. Suot mo ren yan?
Ayaw ayaw mo pa ha HAHAHAHAA.Hana: Bakit eh bago to eh, sayang kung di ko susuotin
Ken: Teka, May lagnat ka ba? Bat namumula ka? Ayos ka lang ba? Wag na kaya tayong tumuloy
Hana: Ako? Namumula? Ahhh baka mainit lang
Ken: Huh? Paano iinit eh sayo nakatapat electric fan.
Hana: Ikaw kung ano ano napapansin mo pag tayo naubusan ng upuan yari ka sakin
Ken: Oo eto na, Tara na, Bilis labas na
Hana: Oyy bakit ka nakaakbay?
Ken: Bakit? Anong masama?
Hana: Ahhhh
Ken: Teka, Naiilang ka ba?
Hana: Ako? Bakit naman?
Ken: Teka, Naka-lipstick kaba? Oo nga sabi na eh parang may iba sa muka mo ngayun eh. Kelan kapa gumagamit nan?
Hana: Ano bang pake mo? Babae ren ako, normal samin ang ganto
Ken: Bat ka galit? Nagulat lang naman ako kasi ngayun lang kita nakitang nagayos ng ganan. Oh sige biro lang. Sakay na tayo tricycle.
.
.
.
.
.Hana: Hayss andaming tao, sabi ko na sayo eh. Ayan wala nang upuan.
Ken: Sorry. Pwede naman tayong tumayo eh, dito oh. Bilis magsisimula na ata
*MAGANDANG GABI, MAYA MAYA PO AY MAGSISIMULA NA ANG MISA NA PANGUNGUNAHAN NI FATHER AUSTINE. MARAMING SALAMAT PO*
Ken: Ohh diba sakto lang dating natin
Oh? Bakit? Nilalamig ka?Hana: Hayss kahit naman sabihin ko sayo wala ka namang magagawa. Ang lamig nga noh. Pati ako nilalamig na ren.
Hana: Hayss kahit naman sabihin ko sayo wala ka namang magagawa.
Oh? Huy! Ano bang. Ken, Wag mo nga akong yakapin nasa simbahan tayo.Ken: Hayaan mo wala namang tao dito sa may likod. Sabi mo kasi nilalamig ka, Sorry nalimutan ko magdalang jacket. Ano malamig pa?
Hana: Medyo nalang
Ken: Hayss baka sipunin ka nan eh. Akin na nga kamay mo
Hana: Bakit? Ano gagawin mo?
Ken: Basta akin na para mabawasan yung lamig
Hana: ....
Ken: Oh ano? Malamig pa? Huy! Okay ka lang ba? Bakit parang namumula ka?
Hana: Ang lapit kasi natin sa isat isa
Ken: Oh ano ngayun? Kahit anong lapit ko sayo wala yun sakin, kahit ganto, ganto or gant–
Hana: Oh? Bakit ka tumigil?
Ken: Hana
Hana: Bakit?
Ken: Kanina
Hana: Ano meron?
Ken: Nung sa bahay
Hana: Ano ba yun?
Ken: Kanina nga