Ken: Pag talaga mga gantong panahon uso mga nailaw na hairband ano? Ang baduy tingnan HAAHHAAHA
Sam: Kaya nga HAHAHAHAA
Ken: Kahit anong gawin sakin di ako magsusuot nan
Hana: Hindi naman ah, Ang ganda ngang tingnan. Cute kaya
Ken: Ang sakit sa mata
Sam: Masanay kana
Ken: Oh andito na tayo
Hana: andami ren palang tao, saan tayo?
Ken: Dito nalang oh sakto
Hana: Sige, Dito tayo Sam oh
Ken: Oh dito kan–
Sam:Dito kana Hana
Ken: Hindi mauusukan sya dyan mas maganda kung dito sya
Sam: Wala namang usok dito eh, Kaya Hana dito kana
Ken: Tsaka madumi bangko dyan
Hana: Guys, Kalma. Para walang away dito ako sa gitna nyong dalawa. May angal? Oh sinong bibili?Ken: Awan, Ang sakit ng katawan ko
Sam: Sige ako nalang, ano ba sainyo?
Hana: Samahan na kita
Ken: BAKIT KAPA SASAMA HANA?!
Hana: Huh? Simisigaw kaba?
Ken: Hindi ang ibig kong sabihin babae ka eh dapat ako ang sasama. Umupo ka nalang dito kami na oorder ni Sam, Tara na tol
Hana: Akala ko ba masakit katawan mo?
Ken: Kelan ko sinabi? Ang lakas lakas ko nga ayan oh, oh tingnan mo oh
Hana: Oo na, sige na bumili na kayo
Sam: Ano ba sayo Hana?
Hana: Hmm, Siguro ano nalang 20pesos with Egg tapos isang softdrinks
Sam: Kaya mong ubusin yun?
Hana: Oo naman
Ken: Sige na Tara na baka maubusan pa tayo
Vendor: Ano pong inyo mga Sir?
Ken: Ano po bale Tatlong order ng Plain Lugaw with Egg tig bebente pesos, tapos isang order po ng siomai
Sam: tsaka po tatlong softdrinks
Vendor: Ano pong softdrinks?
Sam: Royal
Ken: Coke yung gusto ni Hana
Sam: Royal favorite nya sabi nya sakin
Vendor: Okay po sir, ano po ba talaga?
Sam: Sige ganto nalang Royal samin tapos coke sayo
Ken: Hindi pwede, Royal ang isa Royal lahat
Sam: Ok, Miss Tatlong Royal
Vendor: Sige po Sir paantay nalang po.
Sir kasama nyo po ba yung babae dun aa gilid?Ken: bakit po ano meron?
Vendor: Kasi po Pansin ko na kanina pa sya nakatingin dun sa mga hairband na binebenta nung Matanda eh. Sino po ba sa inyo yung Boyfriend nya?
Ken: Ahhhhh
Sam: Hmmm
Ken: Uhmm
Sam: Actually, Ano ko sya–
Ken: Hindi sya yun, Wala syang boyfriend saming dalawa
Sam: Oo tama, Magkaibigan lang silang dalawa eh, Hanggang kaibigan lang talaga sila
Ken: Di ka sure..
Sam: Okay sabi mo eh
Vendor: Ahhh tapos na po ba kayo magusap?
Eto na po yung tatlong lugaw, softdrinks at siomai na order nyo