"UWIAN 2.0"

4 1 0
                                    

Ken: Ano ba bat mo ko pinagbihis ang aga aga eh?

Hana: Samahan mo ko bumili sa bayan

Ken: Kaya mo na yun

Hana: Sige ka pag may nangyari saking masama makokonsensya ka

Ken: Tsk, Bilis na tara na dami mong alam

Hana: Yehey! Let's go

Hana: Hoy sya nga pala, malapit na pala yung Christmas Program sa School ah
Section by section labanan so kalaban namin kayo.

Ken: Wala naman akong pake sa mga ganun.

Hana: Kaya ambaba ng mga grades mo eh. Sumali ka kaya sa mga activities dun

Ken: Ayoko noh

Hana: Ikaw bahala basta ako sasali ako sa Choir, wala ren akong magagawa at kailangan kong magsipag. Oh bakit parang ang tahimik mo? May problema kaba?

Ken: Wala naman, may iniisip lang.

Hana: Ano naman yun?

Ken: Wala labas kana don

Hana: Sya nga pala, nabalitaan mo na ba?

Ken: Alin?

Hana: Si Ava

Ken: Oh ano?

Hana: Sila na ni Tob

Ken: Ano ngayun?

Hana: Teka alam mo na ba?

Ken: Matagal na

Hana: Kelan pa? Bakit di mo manlang ako sinabihan?

Ken: Hindi ka naman nagtanong eh

Hana: Andaya mo

Ken: Tsaka hayaan mo na, tapos na yun. Matagal na pati yun halos di ko na matandaan.

Hana: Sabagay hindi naman naging kayo ni Ava

Ken: grabe sya, kailangan ba ipagsigawan pa yan.

Hana: Totoo naman kasi, una palang halata namang pinapaasa ka lang nun. Ikaw na mang tanga, halos mamatay sa kakahabol
Ken: Ganun talaga pag nagmamahal. Pag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat.
Hana: Eh ikaw lang naman ang nagmamahal eh, bakit minahal ka daw ba nya?

Ken: Oo naman, minahal nya ako noh, Oh bakit ikaw?

Hana: oh ano?

Ken: Kay Tob, Akala ko ba friends lang turing mo sa kanya? Eh bakit may something pag kausap mo sya?

Hana: Hoy wag mo binabaliktad yung sitwasyon ha.

Ken: Sige nga explain mo sakin kung bakit ganun?

Hana: Matagal na naman yun, tsaka kinalimutan ko na sya.

Ken: Pero may sakit pa ren?

Hana: Syempre, kahit papaano naman may pinagsamahan kami ni Tob.

Ken: Hayaan nalang natin sila. Basta tayo masaya lang sa buhay.

Hana: Dito nalang tayo bumili mukang magaganda mga design
Ohh bagay ba sakin to? Eto ba?

Ken: Pwede na

Hana: Tulungan mo naman akong pumili

Ken: Wala naman sa pinagusapan natin ang pag dedesisyon ko sa susuotin mo eh. Ang sabi mo sasamahan lang kita

Hana: Oh sige na po mahal na hari. Sorry po kamahalan

Ken: Oii teka

Hana: Ano yan?

Ken: Miss Magkano to pag dalawa?

Ate Gurl: Ahh 300 dalawa Couple T-shirt.

Hana: Wala na bang bawas ate?

Ate Gurl: Huling tawad po 280

Ken: Sige po kunin na namin
Akin na pera mo.

Hana: Pang alis ba yan?

Ken: Maganda to pwedeng pambahay tapos pwede deng pang alis.
Ate Gurl: Bagay na bagay po yan sa mga magkarelasyon kayaga nyo po, Bili na ren po kayo sir
Hana: Po? Magkaibigan po kami
Ate Gurl: Ahhh hindi mo pa po sinasagot si Sir?
Ken: Ehem Ehem parang lalagnatin ako ngayun ah
Hana: Ayy si Ate ang Kulit sabing magkaibigan nga lang

Ken: Tara na, tama na

Hana: Wait lang, nanggigigil ako eh

Ken: hayaan mo na, nakakahiya ka ang lakas ng boses mo, Tama na

Hana: Hmmmm! Bitawan mo ako

Ken: Nakakahiya ka, Andaming tao eh

Hana: Nakakagigil kasi mga ganung tao eh

Ken: Nagutom ako sayo

Hana: Sakto oh ayun, bili tayo Fishball

Ken: Tara

Hana: Ano ba gusto mo?

Ken: Seryoso? Sige bigyan mo ko kuya ng 10 pesos na fishball tapos dalawang isaw

Hana: Ako ren po kuya ganun

Kuya: Bale 40 pesos

Ken: Oh bakit? Bat ganan tingin mo sakin?

Hana: Hehehehehehe 40 pesos daw

Ken: Sabi na eh, duda ako sa mga desisyon mo eh. Hmm kung di lang kita kaibigan matagal na kitang sinahog sa sisig

Hana: Thank you, Love na love mo talaga ako

Kuya: Oh eto luto na

Ken: Ayy kuya isa nga pong Dynamite
Eto tikman mo susubo ko sayo

Kuya: Oh eto ikaw na maglagay ng gustong mong sauce

Ken: Salamat kuya, oh eto oh masarap to, Medyo mainit pa to

Hana: Teka bakit mo ako susubuan? Maraming tao nakakahiya

Ken: Kelan ka pa nahiya?

Hana: Babae ren ako noh, Hindi naman sa pagiinarte eh nakakaramdam den ako ng kakaiba.

Ken: Pake ba nila? Anong masama dun? Wala naman tayong inaapakang tao. Tsaka bakit naman nila tayo papakealaman eh di nga nila tayo kilala

Hana: Oo na dami mong explanation

Ken: Oh eto oh susubo ko sayo, 1 2 3 Nganga

Hana: Hmm masarap

Ken: Diba sabi ko sayo eh, Try mo lagyan nun

Hana: Juice

Ken: Kuya Tubig Juice nga

Kuya: Anong tubig juice?!

Ken: Ay ano po bang tawag dyan? Muka kasing tubig hehehehe

Kuya: Lumayas nga kayo dito kung di na kayo bibili

Ken: Luh? Suplado, nagbibiro lang eh, Tara na nga

Hana: Tara na HAHAHAHAA lakas kasi ng trip mo

Ken: Totoo namang mukang tubig yung juice nya eh

Hana: Ohhh hayaan mo na shhh shut up
.

.

.
Hana: Sige Ken, Thank You sa pagsama

Ken: Sige, ayy sya nga pala. Tara simbang gabi

Hana: Sa buong buhay mo di ka pa ata nakakapag simbang gabi ah

Ken: Grabe ka, Oi naranasan ko naman yun noh

Hana: Sige na at marami pa akong gagawin

Ken: Sige uuwi na ren ako
.

.

.

.

AWAN KO LANGWhere stories live. Discover now