"UWIAN"

11 1 0
                                    

Ken: Hoyy! Hana! San ka ba lupalop nagpunta? Kanina pa tapos klase ah.

Hana: Ehh nag OT na naman yung teacher naming laging late kung magturo eh.

Ken: Sino si Sir. Steve?

Hana: Sino pa ba? Eh sya lang naman yung ganung teacher dito eh HAHAHAHAA. Teka bakit ba nagmamadali ka? Ano bang meron?

Ken: Wala lang, nagalala lang kasi ako eh, akala ko kung ano na nangyari sayo. Bakit kasi bawal kami tumambay sa building nyo eh wala naman akong gagawing masama dun

Hana: May nahuli kasing naglalampungan dun na Special section tapos regular section. Mismong principal pa nakakita HAAHHAAHA ayun nadamay na lahat

Ken: Yun pala dahilan kaya bawal na kami tumambay dun? Eh di naman lahat kagaya nun eh. Paano nalang kaming mababait?

Hana: Hayaan mo na nga napaka OA mo masyado

Ken: Ang point ko kasi eh ang init init dito sa may waiting shed, baka masira kutis ko noh

Hana: Anong kutis ba yan? Kutis gorilla?

Ken: Alam mo ikaw napakasama mo sakin kahit kailan. Halika na nga sabay na tayong umuwi

Hana: Hayss

Ken: Oh bakit? Nagrereklamo ka?

Hana: Kahit naman sabihin kong Oo, wala parin akong Choice dahil ikaw at ikaw pa rin makakasabay ko

Ken: Good, mabuti na yung nagkakaintindihan tayo HAHAHAHAA tsaka wag kang sasama sa ibang lalaki, lalo na yung mga walang gagawing matino

Hana: Wag akong sasama sayo?Tama ba?

Ken: Mabait naman ako noh, Kahit ganto ako may pangarap naman ako sa buhay tsaka may respeto ako sa babae.

Hana: Nakkss naman, Alam mo bagay sayo mag seryoso. Napogi ka.

Ken: Talaga? Bagay sakin?

Hana: Oo, pwede ka sa commercial ng Alcohol

Ken: Bakit dahil muka akong malinis at pogi?

Hana: Hindi, dahil muka kang germs HAAHAHAHA

Ken: Ah talaga? Eto, damhin mo ang germs na sinasabi mo

Hana: oyy anong ginawa mo?

Ken: Germs pala ha, hahawahan kita. Takbo batang paslit, wag na wag kang magpapahuli sakin

Hana: Manang Belen, Si Ken oh. Inaaway na naman ako

Ken: Hoy ikaw kaya nanguna

Hana: Nyenyenyenye germs

Ken: Oh tamo Manang oh

Manang: Hayy kayo talaga, Ang tatanda nyo na. Grade 10 na kayo. Mga binata at dalaga na dapat ang galaw nyo. Oh ikaw Ken?hindi ka ba nahihiya na lagi mong inaasar si Hana?

Ken: Biruan lang naman po namin yan eh
Manang: Kahit na, ang hirap ipaliwanag sa inyo eh. Wala ba kayong nararamdamang kakaiba? Parang ganto, sa tuwing inaakbayan ka ni Ken. Hindi ka ba naiilang Hana?

Hana: Bakit naman po ako maiilang? Eh Sanay na naman po akong inaakbayan ni Ken

Ken: Kaya nga po, Ano po bang meron? May mali po ba dun?

Manang: Hayss nataas ang presyon ko sa inyo mga bata kayo. Sige na ano bang order nyo?

Ken: Ako po isang Turon at Palamig

Hana: Ako po ay Palamig lang

Ken: Hoy, anong palamig lang?!

Hana: Eh kulang pera ko eh, may pinagiipunan ako kaya tipid tipid muna. Malapit na magpasko eh

Ken: Manang bigyan mo ren po si Hana ng turon ako na po bahala magbayad

Hana: Hoy! Pinapataba mo ba ako?

Ken: Ayaw ko lang nakikita kang tinitipid sarili mo. Dapat kumain ka nang kumain. Tsaka busog na ako pag nakikita kitang busog

Hana: Ayos ka ren pala minsan noh? Pero salamat dito

Manang: Oh eto palamig nyo

Ken: Eto po Manang, salamat po una na po kami

Hana: Bye Manang

Manang: Sige mga anak, magiingat kayo paguwi

Ken: Tara paunahang kumain ng turon?

Hana: Game!

Ken: Sige sabi mo yan ha

Manang: Hayyy mga bata talaga.

Person 1: Manang tanong ko lang po

Manang: Oh ano yun?

Person 1: Magka ano ano po sila?

Manang: Alam mo yang dalawang yan. Nasaksihan ko ang paglaki nila. Bata palang sila, palagi nang nagaaway, etong tindahan ko ang naging tambayan at laruan nila. Dahil nga sa nagiisa nalang ako sa buhay at wala akong anak, sila ang tinuturing kong pamilya.
Nakikita ko namang nalaki silang mabuting tao. Hindi mo yang dalawa mapaghihiwalay dahil laging magkasama kahit saan magpunta.

Person 2: Manang, sa tingin mo bagay sila noh?

Manang: Hoy! Bata pa sila. Hindi dapat nila atupagin ang pagibig na yan. Kailangan muna nilang matapos ang pagaaral nila.

Person 1: Malay mo Manang sa tinagal tagal sila magkatuluyan.

Manang: hmmm, di natin alam. Masyadong mapagbiro ang tadhana. Hindi natin masasabi. Ayoko reng magaya sila sakin na tumandang dalaga o binata. Basta gusto ko lang na makita silang magkasama at masayang namumuhay okay na ren ako.

Person 1: Manang isa pa nga pong Pancit
Manang: Ohh sya sige. Sandali lang
.

.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

.

.

Dear Hana,

Huwag mo masyadong tipidin sarili mo noh, Ayaw kong pumapayat ka, mas gusto kong nakikita kang malusog tsaka healthy syempre. Pasensya na kung laging Turon at Palamig ang kinakain natin. Hayaan mo sa susunod pagiipunan ko at ililibre kita sa mga mamamahaling kainan. Salamat sa pagtitiis sa kakulitan ko. Gusto lang naman kitang makitang masaya eh. Kasi nabubuo yung araw ko pagnakikita kitang naka ngiti. Ano nga palang pinagiipunan mo? Hayss wag na nga, siguro regalo mo yun sa magulang mo noh? Sya nga pala magpapasko na. Tara simbang gabi. Aakitin kita bukas, sana pumayag ka. Sige Hana, Matutulog na ako, kita kits bukas.

Nagmamahal,
Ken

AWAN KO LANGWhere stories live. Discover now