KABANATA 10

3 0 0
                                    

Matapos makapagbigay ng mensahe ni Don Fidel Lacson ay pormal nang nagsimula ang kainan. May musika na pumapailanlang sa paligid para gawing lively ang atmosphere. Nakababa na rin ng stage sina Juri at Janine pero para lang kumain saglit. Bumalik na rin si Lira sa table namin bitbit ang mga pangalan ng lahat para sa raffle mamaya.

Pumunta kami sa pwesto ng mga ka- batch namin. Halos singkwenta lahat ang dumalo. Sabi nila, ito ang alumni na may pinakamaraming dumalo. Hindi naman ako maka- relate kasi hindi ako naka- attend sa mga nakalipas na alumni. Buti na lang talaga at kasama ko sina Janine, Juri, Lira, Rica at Hanna kaya kahit papaano ay may nakaka- usap ako.

Paminsan- minsan ay nakikitawa ako sa tuwing magbibiruan ang lahat. Sabay- sabay na inalala lahat ng mga epic at nakakahiyang experience noong araw.

“Kaya ang sinasabi ko talaga palagi, ang valedictorian nakakalimutan ’yan! Pero ’yong classmate na tumae, hindi! ’Di ba, Joel?”  Pang- aasar ni Gerald sa tropang si Joel.

“Dipota! Pash is pash!”  Napipikong pagmumura ni Joel.

Natawa kaming lahat. Buti na lang hindi ako natae rati. Kasi may point si Gerald. Ang top one nakalilimutan pero ang tumae sa salawal hindi!

Naluluha na ako kaiiyak sa mga biruan sa mesa namin. Ang iba kasi ay tipsy na kaya kung kanina ay tahimik lang, ngayon putak na nang putak.

Habang pinagmamasdan ang mga kasama ko, may isa akong bagay na na- realize. Kahit pala hindi kayo ganoon ka- close rati, kapag tumanda na kayo at naging mature, natural na lang kayong magkakalapit. Tulad ngayon, ang iba ay hindi naman talaga namin classmates pero biglang kaibigan na turing sa amin. Bagay na ikinatuwa ko.

Naisip ko, ganitong kasiyahan pala ang nami- miss ko sa taon- taon. Kung malapit lang sana ang Maynila sa Negros eh di taon- taon akong uuwi. Kaso, hindi lang naman pera ang rason kung bakit hindi ko magawang umuwi yearly. Ang conflict ko rin sa work lalo sa schedule ng events. Perfect time pa namang magpakasal tuwing summer kasi halos lahat ng bisita, nakakapag- travel at nakakadalo dahil walang klase.

Nagpatuloy ang kwentuhan at asaran sa mesa namin pati na rin ang mga nasa ibang tent. Binalot ang maaliwalas na gabi ng tawanan, kantahan, asaran at kamustahan. Naging maingay sapagkat sabik ang bawat isa na malaman ang balita sa kaniya- kaniyang kaibigan na matagal na hindi nakita.

Maging ako ay nasalang sa Q and A ng mga ka- batch ko. Pasimple nga akong nagtatago sa likod ni Juri para hindi nila ako masyadong mapansin. Akala ko ay makaliligtas na ako sa tanungan pero hindi rin pala.

“Ay, crush ni Gerald ’yang si Bela rati! Naalala ko, pre, madalas kang magpa- iwan tuwing uwian noon kaso sinunsundan mo siya pauwi!”  Pambubuking ni Joel sa kaigan.

“Gago, ipis ka ba?”

“Bakit?”

“Kasi peste ka!”

Natawa kaming lahat. Biglang namula si Gerald matapos na ibuking ng kaibigan. Bumabawi yata si Joel kasi napahiya rin siya kanina.

“Pero maiba ako, Bela. May boyfriend ka na ba? Kasi kung wala, single ’yang si Gerald! Reto ko na sa ’yo!”  Tanong ni Joel habang kumikindat sa kaibigan.

Natakpan naman ni Gerald ang mukha at diretsong tinungga ang natitirang laman ng hawak niyak beer.

“Wala akong jowa. Busy kasi sa trabaho,”  natatawang sagot ko habang kumakain ng shanghai.

Napapalatak si Joel bago masahiin si Gerald sa balikat.  “Tamang- tama! Single rin ’tong kaibigan ko kaya pwedeng- pwede kayo! Ano bang trabaho mo ngayon, Bela? Hindi mo naitatanong pero dolyares lang naman ang kinikita nitong kaibigan ko.”

Rays Under In Night SkyWhere stories live. Discover now