KABANATA 5

7 0 0
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Naligo ako at nagsuot ng puting t- shirt at itim na leggings pagkatapos ay nagbitbit ng face towel. Kinuha ko ang naka- charge na phone at inabot ang earphones na nasa ibabaw ng mesa bago lumabas ng kwarto.

Alas singko pa lang at papasikat pa lang ang araw. Tamang- tama para mag- jogging for healthy living. Bahagya akong nagulat nang magkasabayan kaming lumabas ni Paulo at nakasuot din siya ng pang- exercise na damit. This time, hindi na headphone ang nakasalampak sa tainga niya kundi earphone.

"Saan ka?" Sabay naming tanong sa isa't isa.

Sabay din kaming natawa pagkatapos. Parang mga tanga lang. Kita naman namin ang suot ng isa't isa. Alangan namang pupuntang mall syempre mage- exercise. Nagtanong pa talaga.

"Tara na," aya ko at naunang naglakad palabas. Narinig ko ang yabag ni Paulo habang tahimik na nakasunod sa likuran ko. Niyakap ko ang sarili matapos umihip ang malamig na hangin.

Matapos makapag- stretching ng kaunti ay nagsimula na kaming mag- jogging. Tamang bilis lang para mas lumabas ang mga pawis at mabawasan ang toxins ko sa katawan. Sa Maynila kasi hindi na namin 'to madalas na magawa dahil pareho kaming naging busy ni Paulo. Siya sa pag- aaral at ako naman sa trabaho. Buti nga kasi na- timing na tapos na ang school year nila bago kami umuwi rito. Gaya ng sabi ko, magaling mag- timing si Mama.

Mabuti na rin 'to. Parang break sa nakasasawang imahe ng syudad. Makakapahinga rin si Paulo after ng stressful school year nila. Syempre, pati kami rin nina mama at papa.

Close na close kaming pamilya sa isa't isa na hindi pwedeng magbakasyon nang hindi magkakasama. Kung magbo- bonding man kami, kakain sa labas o magce- celebrate ng kung ano, clear out lahat ng schedule para sa araw na 'yon. Cancel ang ibang lakad at pass sa ibang gala dahil family time muna.

Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. Nasa gitnang bahala lang kami ng social status pyramid. Si papa ay isang kapitan ng barko pero retired na noong isang taon pa. Si mama naman nasa bahay lang at siyang nag- aalaga sa amin. Ang trabaho ko ay isang wedding organizer. Kasama ang iba kong barkada na may kaniya- kaniyang degree na natapos, ay nakapag- buo kami ng isang team. Usually, tumatanggap kami ng client na lumalapit sa amin or nire- refer sa amin.

Magaganda ang mga feedbacks na aming natatanggap sa tuwing natatapos ang event at five star ang rating satisfaction ng mga clients kaya busy kami sa kaliwa't kanang referrals. May mga time lang talaga na walang- wala kasi hindi perfect month para magpakasal pero usually, buhos naman ang events kaya kahit papaano ay malaki ang naitutulong ko sa mga gastusin sa bahay. May sarili na rin akong ipon sa bangko in case of emergency na kailanganin ng malaking halaga ng pera.

May pension na nakukuha si papa at malaki 'yon kaya tulong- tulong kami sa pagpapa- aral kay Paulo. Medyo mahal pa naman ang tuition at gastusin lalo at sa ADMU siya nag- aaral. STEM ang kinuha niyang strand dahil gusto niya raw na maging isang engineer.

Akala ko nga noong una eh susunod siya sa yapak ni papa pero noong sinabi niyang wala siyang interes sa paglalayag ng barko, hinayaan na lang namin siyang pumili ng kursong gusto niya.

Magandang bagay na hindi naman pinapangunahan ng mga magulang namin ang mga desisyon namin sa buhay lalo kapag hindi naman kami mapapasama. Susuporta lang sila at mananatiling nakaalalay sa likuran namin. Ang swerte namin ni Paulo dahil hindi sila ang tipo ng mga magulang na nagbibigay ng pressure pagdating sa pag- aaral. Natural na lang namin na ginagalingan para na rin matuwa sila.

Halos isang kilometro rin ang tinakbo namin ni Paulo bago kami nagdesisyong bumalik na sa bahay. Pawis na pawis kami nang makauwi. Kaagad kaming binigyan ni mama ng tubig. Pinahiran niya ang pawis namin sa likod at inutusang maligo muna dahil kakain na kami ng agahan.

Rays Under In Night SkyWhere stories live. Discover now