Naging mahaba ang byahe namin mula NAIA papuntang Silay- Bacolod Airport. Nakatulog ako sa byahe dahil maaga akong nagising kanina. Kulang na kulang pa ang tulog ko. Ginising lang ako ni Mama noong pa- landing na ang eroplano.
“Ma, mauna na kayo sa labas. Magc- cr lang ako,” mabilisang paalam ko kina Mama nang bigla akong makaramdam ng pagka- ihi.
Hindi ko na siya hinintay na makatango o makasagot pa. Kaagad akong tumakbo papuntang banyo akay- akay ang aking maleta. Buti na lang at walang ibang tao sa banyo kaya kaagad akong nakaraos.
Bago lumabas ay nag- retouch ako ng kaunti. Sinuri ko dahil baka may muta pa ako sa mata. Inangat ko ang suot na shade sa ulo bago lumabas ng banyo.
Komportable akong lumabas ng airport para sana puntahan sina Mama pero pagtingin ko paligid ay wala na sila. Sinilip ko sa loob dahil baka sa waiting area sila naghintay pero wala rin. Kumunot ang noo ko.
“Nasaan na sila?”
“Excuse me.”
Napalingon ako para tignan kung sino ang kumausap sa akin. Isang lalaki ang prenteng nakatayo sa aking harapan. May suot din siyang itim na shade pero naka- angat lang ito sa kaniyang ulo gaya ng sa akin. Puting polo at itim na pants ang kaniyang suot. Mukha siyang artistang naligaw dito sa airport.
“Uhm, ako ba ang kinakausap mo?” Tanong ko sabay turo sa sarili. Syempre, kailangan kong manigurado kasi baka mamaya napagkamalan niya lang ako na kakilala. Baka ikamatay ko ang kahihiyan kung sakali.
Maingat siyang tumango. “Yes. If you’re looking for your mom, naka- alis na sila. Ang bilin niya isabay na lang daw kita,” paliwanag ng lalaki.
“Oh, okay,” mahina kong tugon matapos mapagtanto ang nangyayari.
Baka nga nauna na sina Mama na umalis. Maiksi pa naman ang pasensya non. Ayaw niyang pinaghihintay ng matagal. Baka nairita na kahihintay sa akin kanina.
“Shall we go, then?” Tanong niya. “Let me carry your luggage first,” dagdag niya bago kunin sa kamay ko ang hawak na maleta.
Sumunod ako nang magsimula siyang humakbang. Hindi ko siya kilala. Hindi rin pamilyar sa akin ang kaniyang itsura. Pero kampante naman ako dahil gaya ng sabi niya, ibinilin ako sa kaniya ni Mama. Siguro kilala naman siya ng mga magulang ko.
Oo, gwapo siya pero hindi naman maaalis sa akin ang mangamba dahil never ko pa talaga siyang nakita. Nakatatampo tuloy si Mama. May kakilala pa lang gwapo ni hindi man lang ako nire- reto.
Napatigil kami sa harap ng isang mamahaling sasakyan. Napanganga ako sa pagkamangha. Yayamanin! Ang gara ng sasakyan!
Pinasok niya sa sasakyan ang maleta at pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Nag- alangan pa akong pumasok dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Sino ba ang lalaki na ’to? Bakit ako ipinagkatiwala ni Mama sa kaniya?
Napapiksi ako nang aksidenteng maglapat ang aming balat nang inalalayan niya ako sa braso. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman. Marahil ay nagulat din siya sa naging reaksyon ko kaya kaagad siyang bumitiw at humingi ng tawad.
Pagtingin ko sa kaniyang abuhing mga mata ay agad akong napaiwas. Hindi ko alam pero hindi ko kayang makipag- eye contact sa kaniya. Nang maisara ang pinto ay umikot siya sa papuntang driver’s seat.
Palihim kong pinipisil ang namamawis kong kamay sa aking kandungan. Mayroong hihigpit ang hawak ko sa strap ng shoulder bag dahil biglang naging awkward ang paligid.
Kahit papaano ay nawala ang awkward atmosphere noong magsimula siyang magpatugtog ng OPM songs. Napapalunok lang ako at buong sikap na pinipigilan ang sariling mapatingin sa gawi ng lalaki. Maging ang pangalan niya ay hindi ko alam.

YOU ARE READING
Rays Under In Night Sky
Fiction HistoriqueMakapangyarihan ang pag-ibig sapagkat kaya nitong pagtagpuin ang dalawang taong nagmamahalan lumipas man ang maraming taon. Malimot man ng utak at katawan, tiyak na makikilala ng puso at kaluluwa ang pag-ibig na minsan ay nagwakas sa isang malagim n...