Chapter 1: First day

55 0 0
                                    

Goodmorning Universe!!  Pasukan na naman....eto nga at naglalakad na ako papuntang school malapit lang naman kasi yun sa bahay namin. Actually, excited ako kasi bukod sa 3rd year highschool na ako e may mga bago akong magiging classmate. Ako nga pala si Elouise Anne Guevarra at nag-aaral sa Holy Faith Highschool. Simula nga kinder dito na ko nag-aaral..hndi po ako masyadong loyal..hndi talaga!   Buti nga hindi nagsasawa sakin yung mga teacher ko dito, aba no choice sila. 

 Nandito na pala ko, ang dami ng tao hindi halatang excited sila tulad ko . Syempre dahil nga excited ako pumunta agad ako sa room namin. Nakakapagod nga e, pano ba naman sa third floor pa tapos dun sa bandang dulo. Galit ba sila samin para parusahan ng ganito. Kaya tuloy pagkarating ko sa taas hinihingal ako. Konti palang ang tao sa room namin, yung iba dun naging classmate ko na dati. 

“Good Morning!! ” Bati sa akin

“Mas maganda pa ko sa umaga noh ” sagot ko naman.pakapalan na ng mukha ‘to. 

Si Casey nga pala bestfriend ko, matagal na kaming magkakilala niyan, simula mga bata pa kami. May pagka loka-loka yan kaya nga nagkakasundo kami niyan  .

“Tinatanong? ” sabi naman ni Casey.

“Hindi,pinapaalam ko lang sayo ” sagot ko naman sa kanya.

“Hindi na kelangan ” mataray na sabi ni Casey.

Ganyan talaga kami magmahalan nyan. Namiss ko yan e nagbakasyon kasi sila ng family niya sa probinsya nila kaya hindi kami masyadong nakapagusap at feeling ko babahain ako ng kwento niyan mamaya.

Unti-unti ng dumating yung mga classmate namin, ang ingay nga e kanya-kanyang kwentuhan tungkol sa naging bakasyon namin. Ako naman nasa bahay lang nung bakasyon wala naman kasi kaming probinsya, paminsan-minsan niyayaya ako ng iba kong mga kaibigan na gumala. Bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan  dahil dumating na yung adviser namin.

“Good Morning Class” bati ng teacher namin sa amin.

“Good Morning Ma’am!!” 

“I’m Mrs. Barbara Jocson, your adviser for this school year. Siguro yung iba sa inyo nahandle ko na dati kaya kilala na ako. Hindi naman ako istrikto basta ang sakin lang makikinig kayo pag nagsasalita ako sa unahan.”

Blah.blah.blah....Sinabi lang sa amin kung pano daw icocompute yung grade namin...syaka yung mga policy ng school na taon-taon binabanggit. 

“Kamusta naman ang bakasyon mo bespren?” tanong sa akin ni Casey. 

Nasa canteen kami ngayon nabili ng pagkain. Ang dami ngang tao kaya mahirap bumili. Grabe nakakasira ng beauty ito .

“Ayos naman..sayang nga hindi ka nakasama nung nagyaya ng gala yung mga classmate natin dati.” Sagot ko naman sa kanya.

“Oo nga e, nakakainggit tuloy...hindi ko pa nakasama si papa Alvin ” malungkot na sabi ni Casey.

Si Alvin yung crush niya sa mga kaklase namin dati. Seatmate nga sila noon kaya nga araw-araw Masaya yan. Nalungkot yan nung nalaman na hindi na pala namin siya classmate ngayon. 

“Sus tinatanong ka nga kung bakit hindi ka nakakasama.” sabi ko,

Nabuhayan naman siya sa sinabi ko. Ang ngiti abot hanggang tenga, lakas talaga ng tama nito kay Alvin .

“E?!talaga? anong sabi?..naku sabi na e may lihim na pagtingin sa akin si papa Alvin ” kinikilig na sabi ni Casey.

Dahil sa tsismisan kami ng tsismisan habang naglalakad papunta sa upuan namin hindi ko napansin yung dinadaanan namin kaya ayun......

“Anak ng--!”

Oopss! May natapunan ako..lagot na, hindi ko naman sinasadya e...ano ng gagawin ko?...aba syempre louise mag-sorry ka.Oo nga pala. Teka si Alexander ‘to ah..pag minamalas ka nga naman.

“S-sorry...  Sorry talaga h-hindi ko sin—“

“Wala ng magagawa ang sorry mo! Nangyari na! ” 

Nag-sorry na nga ako ayaw pa niya.Totoo naman e, hindi ko naman talaga sinadya yun. Napayuko nalang ako dahil sa hiya paano ba naman lahat ng tao doon sa amin nakatingin.  Pwede bang maglaho nalang?  Hindi ko na kayang pagtinginan ng maraming tao

.

Umalis agad si Alexander at sumunod naman yung dalawa niyang kasama na babae at lalake. Yung babae ang sama ng tingin sa akin bago siya tuluyang umalis. OKAY?..ganun na ba kasama ang nagawa ko??Oh wait! Oo alam kong natapunan ko siya pero sabi ko nga hindi ko yun sinasadya!

Siguro nagtataka kayo kung sino si Alexander dahil kakilala ko siya at ako hindi niya kilala?...Well, ganito yun.....Siya lang naman si Alexander Beltran na isa sa mga tinitilian ng mga babae sa school namin. Bukod sa mayaman siya at kilala ang parents niya...may itsura siya??...okay,okay...gwapo siya! ..yun ang sabi ng mga nagkakandarapa sa kanya. Correction! Hindi ako kabilang sa mga babaeng yun, mamamatay muna ako . Paano ka ba naman magkakagusto sa isang lalakeng mayabang, suplado,selfish at masamang ugali na katulad niya. Basta! Never ko siyang magugustuhan! Itaga niyo pa sa bato .

“hey Louise , ok ka lng?” nag-aalalang tanong ni Casey.

“Oo naman, ano ka ba!  ” sagot ko naman.

Alexander's POV

Nandito kami sa canteen ngayon at kasama ko sina Andrea at Mikee. Damn! Hindi ko talaga mapigilan na titigan siya.Nababakla na ata ako?..teka babae naman si Andrea...kaya lalake pa din ako . Ang ganda talaga niya pero never naman niya akong makikita bilang isang lalakeng nagmamahal sa kanya kasi hanggang bestfriend lang ako. Takte! Ano ba yan Sander ang korni mo! ....pero ok lang basta para kay Andrea.

Nag-eemote pa ako ng biglang......

“Anak ng--!” 

Ano ba ‘tong babae na ‘to napaka clumsy! Sa lahat ba naman ng tatapunan bakit ako pa! Bawas pogi points tuloy kay Andrea.tsk! 

“S-sorry...  Sorry talaga h-hindi ko sin—“ 

“Wala ng magagawa ang sorry mo! Nangyari na!” 

Napasigaw na ako sa inis at nakita ko naman na napayuko siya. Medyo naguilty naman ako kasi hindi naman talaga niya sinasadya .Bahala na! Umalis na lang ako para hindi na magkagulo pa, nakatingin na kasi sa amin ang lahat ng tao doon. 

_____________________________________________________________________________

HELLO!:) sana nagustuhan nyo 'to..comment lang kayo..wag kayong mahiya

hihi!:)

Enjoy!

Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon