Elouise's POV
Uwian na namin, nauna ng umuwi si Casey sinundo na kasi niya ni Tita Margaret(Mommy ni Casey). Papalabas na ako ng gate ng biglang may humarang sa harap ko.
“Excuse me” sabi ko sa mga babaeng estudyante na nakaharang sa daan.
“Excuse me daw oh” sabi ng babaeng nasa harap ko at nagtawanan naman ang dalawa niyang kasama. Ano bang problema ng mga babaeng 'to.
“Sino ba kayo?! Anong kelangan nyo?!Kilala ko ba kayo?!” Matapang na tanong ko sa kanila.
“Matapang ka ha!....ang kapal ng mukha mo para gawin kay Alexander yun! ” sabi nung isang babae.
Pagkarinig ko sa pangalan na yun ay naalala ko yung nangyari kanina sa canteen. Siya ba ang nagpadala sa mga ‘to para turuan ako ng leksyon?.
“Si Alexander ba ang nag-utos sa inyo na harangin ako? " tanong ko.
“Wala kang pakialam!!” sagot nung isa pang babae.
Pagkasabi noon ay sinampala niya ako, gaganti na sana ako pero hinawakan ako sa dalawang kamay yung mga kasama niya.
“Hah! May balak ka pang gumanti! Tingnan natin ngayon ang tapang mo!”
Pinilit ko naman makawala sa pagkakahawak nila pero masyado silang malakas, mga amazona ata ‘tong mga ‘to. Wala ng masyadong tao kasi kanina pa sila nag-uwian. Nawalan na ako ng pag-asa, hindi na ako makakahingi ng tulong ..sasampalin ulit ako nung babae kaya pumikit nalang ako at antayin ang pagsampal niya.
Huh?
Anong nangyari?
Ba’t wala akong naramdaman...
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko para tingnan kung ano ang nangyari....
Nakita ko si Alexander hawak-hawak ang kamay nung babae na dapat ay sasampal sa akin.
“A-alexander?? ” nauutal kong sabi.
“Why are you doing this katreena?! ” Galit na tanong ni Alexander.
Katreena pala ang pangalan niya..kita sa mga mata niya ang takot habang hawak ni Alexander ang kamay niya.
“I-ipinagtatanggol l-ang naman k-kita sa kanya.....Tinapunan ka niya kanina...k-kya tama lang s-sa kanyang turuan ng leksyon! ” natatakot na sagot nung katreena.
“No need!...hindi tama na saktan nyo ang isang taong walang kalaban laban!”
“I-im sorry A-alexander....h-hindi na mauulit ” mangiyak-ngiyak na sabi ni katreena.
Agad namang tumakbo si Katreena kasama yung dalawa niyang alagad....natakot kay Alexander. Teka?...niligtas ako ni Alexander ?....pero bakit?? Hindi ba dapat na hinayaan na lang niya ako dahil galit siya sa nagawa ko sa kanya kanina?
“Ok ka lng?” tanong ni Alexander sa akin.
“Yea..t-thanks ” sagot ko sa kanya.
“Good”
Tumalikod naman siya at aalis na.
“W-wait!... ”
“Hmm?”
“I-im sorry....about dun sa kanina...hindi ko—“
“It’s okay.”
Hindi na ako nagsalita pa at pinagmasdan ko nalang siyang papalayo. Masaya ako, hindi ko alam kung bakit . kahit papaano pala may itinatago din palang kabutihan ang isang Alexander Beltran.
---
Nakwento ko na kay casey yung nangyari sa akin kahapon noong uwian. Galit na galit nga siya dun sa tatlo at gusto daw niyang sugudin. Aba syempre pinigilan ko baka ma-guidance pa kami. May araw din ang mga yun . Member pala yung tatlong yun ng fans club ni Alexander at si Katreena ang leader nila. O diba bongga? May fans club silang nalalaman .Nabanggit ko din yung pagliligtas sa akin ni Alexander at naku ayun ngtutumbling siya sa kilig.
Alam niyo ba kung anong meron ngayon?....oras na ng pagtulog ...ibigsabihin AP na ang subject namin. Sobra kasing nakakatamad at nakakaantok magturo yung teacher namin palibhasa matanda na kasi. Yung iba kong kaklase pasimple na sa pagtulog, merong nakayuko, merong kunyari nakatingin sa libro at yung mga nasa likuran nakasubsob na sa upuan nila tutal hindi naman sila kita. Feeling ko bibigay na mata ko...
ayan na.....
konti nalang....
pipikit na siya.....
*BOOM!
Kala niyo may sumabog noh! :P ....nagising lang ako bigla kasi siniko ako ni Casey. Patulog na ko e . Inaantok na din ‘tong babae na ‘to kaya dadaldal na.
“Hindi pa ba time?” pabulong na tanong niya sa akin.
“10 minutes nalang” sagot ko.
“Naku! Salamat naman..feeling ko dinuduyan ako sa bawat salita ni ma’am ”
Medyo napalakas ata yung pagsasalita ni Casey kasi napatigil sa pagsasalita si ma’am at lumingon sa amin. Akala ko papagalitan kami buti hindi nalang niya pinansin.
Pagkalipas ng ilang minuto....tenen! time na ....uwian na!! sana pero hindi pa may 3 pa kaming subject. Hindi ko alam kung gaano ako tatagal sa Ap namin siguro dapat uminom ako ng madaming kape .
Absent daw ang teacher namin sa susunod na subject kaya nagdiwang kaming lahat. Ano pa bang aasahan nyo sa klaseng walang teacher, syempre kagulo kaming lahat .
“Casey cr lang ako”
“Samahan pa kita?”
“Wag na, babalik naman ako agad”
Pagkapunta ko ng cr hindi muna ko bumalik ng room, wala naman kasing teacher maggagala muna ako at napadpad ako sa rooftop. Wow! Ang ganda pala dito, sa tinagal tagal ko ng nag-aaral dito ngayon lang ako nakapunta. Siguro ang sarap mag senti dito HAHA
Ano yun? ....
may multo ba dito?...
takot pa naman ako dun..pls wag kang magpapakita...maawa kana...
dapat kasi hindi na ko nagpunta dito .......
gusto ko ng umalis pero hindi ko maigalaw yung paa ko.
Hmmm...baka naman may tao lang at msyado lang akong paranoid. Naglakad pa ako para malaman ko kung sino ang nag-mamayari ng boses nay un. Bahala na si batman, nandito na din naman ako. Bawat paglakad ko ay papalapit ng papalapit yung naririnig kong boses.
Hanggang best friend lang ba talaga ako?! Bakit siya pa! Sa lahat bakit siya pa!
Boses ng isang lalake na parang pamilyar sa akin. Lumapit pa ako para Makita ko kung sino....
______________________________________________________________________________
Nagustuhan nyo ba?..:)
Comment lang kayo :*
