Chapter 5.1: LOVEnat

51 0 0
                                    

Chapter 5.1

Alexander's POV

Nandito kaming tatlo ngayon sa mall, aba syempre hahayaan ko ba naman na si Mikee at Andrea lang ang lumabas, mahirap na . Kanina pa kami paikot-ikot dito, pagod na ko at parang silang dalawa lang ang nag-eenjoy..OKAY? OP ako.... 

"O sander ang tahimik mo" sabi ni mikee  

Paano e kayo lang naman ang nag-eenjoy..pssssh!

"Masama lang ang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko.

"Ha?..may sakit kaba?..dapat ngpahinga kana lang sa bahay."

Nag-aalala si Andrea :D pwede na akong artista..ang galing ko umarte eh

“Hindi, ok lang ako kaya ko pa naman...”

“Anong kaya?...tingnan mo nga ang tamlay mo...don’t worry dude ako ng bahala kay Andrea..”

Sinasadya ata ng mokong na ‘to para makapagsolo sila....

“Tama si Mikee..you need to rest...”

“H-ha?...Ah...eh..sige..una na ko....  ’tol ihated mo si Andrea sa kanila ha” malungkot na sabi ko.

“Sure, pare..”

Tsk ako dapat yun eh.

Pagkalabas ko ng mall biglang bumuhos ang ulan, tumakbo ako papunta dun sa waiting shed para dun muna magpatila at dun na din ako sasakay, hindi na kasi ako nagdala ng sasakyan.

Napansin ko yung babaeng nakaupo, parang pamilyar siya sa akin kaya nilapitan ko. Nakayuko kasi siya kaya hindi ko Makita yung mukha.

Pagkalapit ko nakita ko na ang mukha niya...sa pagkakaalam ko siya si Elouise. Ano naman kayang ginagawa ng babaeng ‘to dito..ang dami pa namang loko diyan..wow sander concern?...hndi ah..naaawa lang ako sa mga pwedeng magsamantala sa kanya .

"E-elouise?"

Tinignan lang niya ko nung tinawag ko siya na parang walang nakita. Anong problema nito?   parang hindi ako nakita..dedmahin ba ang kagwapuhan ko! kaluluwa na ba ako kaya hindi niya ako nakikita o baka naman may power na akong maging invisible..astig!

“Sinong kasama mo?may balak kabang dyan matulog? ”

Lumapit pa ko sa kanya tapos alam niyo yung nakaupo na yung isang tuhod ay nakaluhod...gets nyo ba?....basta ayun ang ginawa ko.

Nakita ko na nakapikit lang siya at medyo nakunot ang noo, hinawakan ko naman siya sa noo niya. Sh!t! Ang inet niya, maysakit siya...ano namang trip ng babaeng ‘to. May sakit na nga siya nasa labas pa.

“San ang bahay nyo? ihahatid kita”

Hindi pa din siya sumasagot. Paimportante naman ‘tong babaeng ‘to.

“Hui.san ang bahay nyo...malakas ang ulan kaya kelangan mo ng umuwi.”

Wala pa din. Bigla namang may huminto na taxi sa harapan namin..iiwan ko na sana siya pero parang nakokonsensya naman ako..baka kung ano pa mangyari sa kanya at maging kasalanan ko pa. Kaya no choice ako, dun muna siya sa bahay.

Pagkadating sa bahay dinala ko agad siya sa guest room aba alangan sa kwarto ko, baka pagsamantalahan pa niya ako..mahirap na .   Ako lang ang nandito pati mga katulong, nagtanong ako sa kanila kung anong pedeng gawin pag mataas ang lagnat. Hindi ko pa kasi nagagawang mag-alaga ng may sakit kaya wala akong alam, NGAYON LANG.

Nagpakuha ako ng tubig na may yelo, kelangan ko daw kasi siyang punasan para medyo bumaba yung lagnat niya...kumuha na din ako ng tatlong kumot para sa kanya sobra kasi siyang giniginaw .Alexanader ba’t mo ginagawa ‘to?..tsk dapat si Andrea inaalagaan mo...kamusta kaya silang dalawa ni Mikee..sana hindi ko sila iniwan na dalawa baka pagsamantalahan siya ni Mikee.   Hilahin siya sa kung saan...No! hindi pwede dapat ako yun ....Sus di naman kayo mabiro....gentleman ata ako ..Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.           Elouise's POV

Nanghihina ang pakiramdam ko..bakit kaya??........ay! naalala ko na nung Friday kasi masama na pakiramdam ko, hindi ko alam magkakasakit na pala ako....dahan-dahan kong minulat ang mata ko....ang liwanag, parang nasa ibang lugar ako.......teka?! pano naging white ang ceiling ng kwarto ko?! ....iginala ko ang mata ko sa paligid...sh!t nasan ako?! bat ako nandito?!...sinilip ko kung may damit pa ko..whew! meron pa naman....    

Kanino bang bahay ‘to?.....may narinig akong paparating kaya ngkunwari akong tulog. Nagbukas ang pintuan...hindi ko matingnan kung sino ang pumasok baka malaman niya kasing gising na ko.

Naramdaman kong papalapit siya sakin at hinawakan niya ang noo ko, parang may naramdaman naman akong kakaiba pero hindi ko alam kung ano.     Dahan-dahan kong minulat ang mata ko para tingnan kung sino yun.....ano bay an! Nakatalikod naman siya pano ko kaya malalaman, nagulat naman ako kasi bigla siyang humarap.huli!!  

“O, gising kana pala” sabi ng boses lalaki na parang pamilyar ang boses

Alexander??    

“N-nasan ako?A-anong ginagawa ko dito?..p-pano ko nakarating dito?” Tanong ko.    

“Pwede isa-isa lang ang tanong .....Una, nandito ka sa bahay ko at malamang ako nagdala sayo dito..”  

“Ba’t mo ko dinala dito?....siguro pinagsamantalahan mo ko.Umamin ka!umamin ka!”

Natawa siya.

“Anong nakakatawa aber? ”

“Ikaw....para sabihin ko sayo hindi kita type at kaya kita dinala dito kasi sobrang taas ng lagnat mo kagabi, tinatanong kita kung saan ang bahay nyo hindi ka naman sumasagot...anong number nyo sa bahay?sasabihin ko sa parents mo na nandito ka.”

“Hindi na...Wala ang parents ko sa bahay namin.”

“Gutom kana ba?...saglit dadalhan kita”      

Alexander’s POV

Wala akong masyadong tulog kasi pagising-gising ako para icheck kung ok na ba si louise, buti nalang Sunday ngayon. Ganito pala ang feeling ng nag-aalaga ng may sakit, kahit na nakakapagod ok lang...Nagpaluto ako kay manang ng lugaw, pag kasi ako ang may sakit yung ang pinapakain niya sa akin.   Pupuntahan ko muna siya baka gising na siya. Pagbukas ko ng pinto, ayun tulog pa din siya...lumapit ako para tingnan kung mainit pa siya. Hindi na masyado, buti naman bumaba na lagnat niya. Itetext ko pala si Andrea.

Pagharap ko nakamulat na siya, parang nagulat pa siya.  

“O, gising kana pala”  

 “N-nasan ako?A-anong ginagawa ko dito?..p-pano ko nakarating dito?” Tanong niya.  

“Pwede isa-isa lang ang tanong .....Una, nandito ka sa bahay ko at malamang ako nagdala sayo dito..”  

“Ba’t mo ko dinala dito?....siguro pinagsamantalahan mo ko.Umamin ka!umamin ka!”  

Natawa ako. Grabe ganito ba pag may sakit kung anu-ano naiisip .  

“Anong nakakatawa aber? ”    

“Ikaw....para sabihin ko sayo hindi kita type at kaya kita dinala dito kasi sobrang taas ng lagnat mo kagabi, tinatanong kita kung saan ang bahay nyo hindi ka naman sumasagot...anong number nyo sa bahay?sasabihin ko sa parents mo na nandito ka.”  

“Hindi na...Wala ang parents ko sa bahay namin.”    

Mag-isa lang din pala siya sa bahay tulad ko.  

“Gutom kana ba?...saglit dadalhan kita”

___________________________________________________________________________   Hello readers!! sana magustuhan nyo :D pasensya na kung maikli lang pero half lang naman yan

:D...may pasok pa kasi ako ngayon :D hinabol ko lang talaga 'to...

Comment lang kayo o kaya mag-vote :D..salamat!:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon