Chapter 3
Nahulog bigla yung cellphone ko..hawak ko kasi siya. Naku! patay..mahuhuli ako ng lalaking yun..baka isipin pa niya ang tsismosa ko at nakikinig ako sa kanya.Tumalikod ako para tumakbo pero huli na dahil nakita na ko nung lalake.
"Hoy! sino ka?"
Hindi pa din ako humaharap. "S-sorry"
Naramdaman ko na papalapit siya sa akin kaya humarap na ako sa kanya.
"IKAW??!!" siya/ako
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alexander.
"Naglalakad-lakad lang." sagot ko naman
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya sa akin
"H-ha?...ahhhh...ehhhh..hindi..ngayon lang"
Tiningnan niya lang ako na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. pagkatapos nun ay naglakad
na siya papalayo. Anong problema niya?
Bigla siyang huminto sa paglalakad. "Wala na sanag makakaalam ng nangyari ngayon."
Ayun lang at tuluyan na siyang umalis.
Alexander's POV
"Andrea..."
Hindi ko alam pero mahal na mahal ko siya. Matagal na.Paano nga ba
kami nagkakilala??..
Flashback
Uwian na namin at naglalakad na ako palabas ng nakita ko ang isang batang babae na umiiyak at inaaway ng apat na batang lalake. Lumapit ako sa kanila.
“HOY!!”
Napatingin silang apat sa akin pati na yung batang umiiyak.
“Sino ka?...Wag kang makialam dito! ”
“Hindi niyo ko kilala? ..ako lang naman ang gugulpi sa inyo pag pinaiyak niyo pa ang batang
babae na yan!”
Mukhang natakot sila at nagtatakbo. Mga duwag naman pala sila natakot agad sa sinabi ko .
“Bata ok ka lang?” Inabot ko sa kanya ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.
“*sniff*...O-oo...s-salamat”
“Wala yun..pag binalikan ka pa ng mga yun sabihin mo lang sakin, akong bahala sayo..”
Unang beses na nakita ko ang ngiti niya, para siyang anghel. Simula nun hindi ko na hinayaan na may magpaiyak pa sa kanya, iningatan ko siya na parang isang prinsesa . Hindi ko alam na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya...
End of flashback
Ayokong masira ang friendship namin kaya itinago ko ang nararamdaman ko ng matagal na panahon hanggang sa ipinakilala ko siya kay Mikee na best friend ko din. Habang tumatagal nararamdaman ko na parang nagkakagusto na sa kanya si Andrea at alam kong ganun din si Mikee. Hindi ako bulag at lalong hindi ako manhid!....Minsan naiisip ko, ano bang meron si Mikee na wala ako...
“Hanggang best friend lang ba talaga ako?! Bakit siya pa! Sa lahat bakit siya pa!”
Ano yun?..may ibang tao dito?.pero kanina wala naman akong nakita.
Nakita ko ang isang babae na nakatalikod. Mukhang paalis na siya.
"Hoy! sino ka?" tanong ko.
Hindi pa din siya humaharap. "S-sorry"sabi nung babae.