"Waaag! Mama! Papa! Parang awa niyo na wag niyo po akong iiwan parang awa niyo na po"
"Promise kopo magpapakabait na po ako Mama at Papa parang awa niyo na po hindi napo ako magiging bakla hindi napo ako magsusuot ng mga pambabae"
Pinipilit kong abutin ang mga kamay nila bago pa ako makalabas sa kotse pero hindi ko maabot dahil patuloy ang paglubog nito kasama sila Mama at Papa.
"Rein gumising kana mahuhuli kana sa trabaho mo!"
"Kumain kana Rein baka maubos na ng lolo mo yung mga niluto ko"
Nagising ako bigla at nakita ang mga patak ng luha ko sa higaan at hindi ko mapigilang lumuha ulit dahil hindi ko malimutan ang pangyayaring magpapabago sa buhay ko.
"Opo lola pababa na po ako magbibihis napo muna ako bago kumain Lola! "
"Ay bilisbilisan mo naman diyan baka maubusan kana ng pagkain dito alam mo naman ang Lolo mo napakasiba pagdating sa pagkain"
Hindi ko maikakaila na mahal ako ng Lolo at Lola ko dahil ako lang ang nagiisang apo nilang lalaki pagkapasok ko sa banyo ay biglang tumahimik ang paligid at muli nanamang nagumpisa ang pagluha ko.
"Ako ba? Dahil ba sa akin kung bakit namatay sila Mama at Papa?"
"Hindi ko naman ginusto na mawala ang Mama at Papa ko pero bakit namatay pa din sila malas ba ako? "
Paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko at hindi ko mapigilan ang pag apaw ng luha ko sa aking mga mata.
"Mahal alam mo ang swerte natin sa batang iyan kahit wala na yung mga magulang ehh nakukuha pa ding ngumiti at tumawa"
"Mahal sandali lang siailipin ko lang sa kwarto niya kumain kana ng madami mahal ko"
Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari sa akin ang mga bagay na ayaw kong mangyari hindi ko alam kung ano ang gagawin pagkatapos ng aksidenteng iyon.
"Sabi ko na nga ba umiiyak ka nanaman Rein paano ko ba ipapaliwanag alam mo hindi naman natin ginusto ang lahat sadyang nakatadhana lang na mawala ang mga magulang mo baka may dahilan"
"Dahilan na baka gusto ng tadhan na matuto ka na tumayo sa sarili mong mga paa at maging matatag tatandaan mo Rein na hindi lahat ay permanente may mawawala at may dadating ayan ang tandaan mo"
Habang pinakikinggan ko ang mga sinasabi ni Lola ay napangiti ako dahil alam ko na lahat ng mga sinasabi niya ay para lang malaman ko na andiyan sila at malaman ko na hindi ako nagiisa.
"Opo Lola tatandaan kopo Lola maraming salamat po dahil hindi niyo po ako pinapabayaan mahal na mahal kopo kayo"
"O siya tumayo kana diyan mag ayos kana akal ko bang mag apply ka ng trabaho baka mahuli kana"
Natutuwa ako na si Lola ay naiintindihan niya ako at hindi niya ako kailanman pinabayaan kaya nagpapasalamat ako na buhay pa sila.
"Hali kana baba na tayo baka naubos na ng Lolo mo yung pagkaing hinanda ko para sayo "
"Opo Lola hintayin niyo napo ako"
Habang nagbibihis ako ay pinilit kong ngumiti at hindi magpahalatang malungkot.
BINABASA MO ANG
Not A Fairytale (BoytoBoy)
Teen FictionAko nga pala si Rein Alfonzo wala na akong mga magulang kaya nakatira ako sa lolo at lola ko minsan iniisip ko na paano kaya kung hindi ako naging kakaiba maymagmamahal kaya sa akin? Pinangarap kong maging masaya pero puro pagsubok ang binibigay ng...