"Pagabi na pala Sir Paul wag mo nalang intindihin yung tanong ko patapos na din naman ako sa trabaho ko uuwi napo ako Sir Paul"
"Gusto moba ihatid na kita sa bahay mo masyado ng malalim yung gabi kung uuwi ka wala ka na din namang sasakyan"
Nagulat ako sa sinabi niya wala pang nagyaya sa akin na ihatid ako sa bahay pero bakit ganto ang nararamdaman ko parang bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Ano payag kaba? Hoy Rein payag kaba na ihatid kita? "
"S-sir Paul pasensya na hindi ako papayag kasi binigyan mo na nga ako ng makakain kanina tapos ihahatid mo pa ako kaya ko nang umuwi mag isa salamat ulit Sir Paul"
Tinanggihan ko siya dahil baka mahalata niya na may nararamdaman ako sa kanya hindi pwede na magkagusto ako sa kanya baka ipagtabuyan din siya ng mga tao katulad ko dahil bakla ako.
"Mauuna na po ako Sir Paul baka hinahanap na ako nila Lolo at Lola"
"Sigurado kaba na ayaw mong ihatid kita? Sige umuwi kana magpahinga ka ng maaga at maligo ka nangangamoy bulok na saging kana"
Nang tumalikod na ako natawa ako sa sinabi niya at hindi ko mapigilang ngumiti habang papaalis sa workplace ko.
"Maam aalis napo ako iniwan ko napo yung uniform ko"
"Hindi ka talaga makaintindi napaka walang utak mo ilang pares lang ba yang binigay ko sayo lalabhan mo yan para masuot mo bukas! Sige umuwi kana pinapainit mo ulo ko"
Bigla akong tumahimik at natanggal ang ngiti sa mga labi ko at yumuko na lamang ako at kinuha ang uniform ko.
Lumabas na ako sa opisina at naghintay ako ng masasakyan.
"Manong! Pasakay po ako "
"Sige libre nalang masyado ng gabi at marami naman akong kinita "
Biglang bumalik ang ngiti ko nang narinig kong sinabi ni manong na libre nalang ang pagsakay ko.
"Lolaaaaaa! Loloooooo nakahanap napo ako ng trabaho masaya yung nakuha kong trabaho kahit medyo mahirap kaya ko naman Lola"
"Syempre naman kaya ng Rein namin yan hindi ka kumain maghapon?"
Napayuko nalang ako sa tanong ni Lola.
"Opo Lola pero binigyan ako ng pagkain ni Sir Paul"
"Sinong Sir Paul? Boss mo o kaibigan mo hindi mopa napapakilala sa amin yang Sir Paul mo"
Bigla ulit akong ngumiti pero sa pagkakataong iyon ay patago dahil ayokong malaman ni Lola na nagkakagusto ako.
"Oh siya umakyat kana sa kwarto mo magbihis ka at bumaba ka ulit dito para kumain "
"Opo Lola maliligo muna ako bago po kumain "
Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama at untiunti kong inisip si Sir Paul hindi ko alam kung bakit parang humihinto ang mundo ko kapag nakikita ko siya.
"Sir Paul ang gwapo talaga kahit pangalan gwapo den sa bagay anak siya ng may ari ng kumpanya kaya sigurado gwapo den yung tatay niya pero sa tingin ko mas gwapo si Sir Paul"
"Gwapo nga ba talaga? Ikaw Rein ha wag mong sabihing may nagpapasaya na sa Rein namin? "
Nagulat ako at hindi ko alam na nasa tapat lang ng pintuan si Lola bigla aoong kinabahan at inisip na baga pagalitan niya ako.
BINABASA MO ANG
Not A Fairytale (BoytoBoy)
Teen FictionAko nga pala si Rein Alfonzo wala na akong mga magulang kaya nakatira ako sa lolo at lola ko minsan iniisip ko na paano kaya kung hindi ako naging kakaiba maymagmamahal kaya sa akin? Pinangarap kong maging masaya pero puro pagsubok ang binibigay ng...