Sa mga oras na iyon ay hinihintay nalang naming lumisan ang aming anak na si Rein masakit man na makitang nahihirapan siya sa aming harapan ay wala kaming magawa kundi lumuha o tumangis .
Sinabi ng kanyang doktor na may mga komplikasyon na nakita sa kanyang utak at sinabi din ng kanyang doktorn na hindi na magtatagal pa ang kanyang buhay.
Mayroong nabuong bukol sa utak at sa sobrang pagmamadali ng doktor ay hindi ito napansin at napabayaan ilang araw pagtapos naming pumunta sa hospital ay binawian narin ng buhay ang aming anak na si Rein.
Nakakapang hinayang dahil hindi namin agad pinansin o binigyang pansin ang aming anak at mas inuna pa namin ang kanyang kapakanan kesa sa kanyang nararamdaman.
Alam ko na hindi nila kami masisisi dahil ang gusto lang namin ay ang kabutihan para sa aming anak alam ko na magiging masya na siya sa kanyang bagong tahanan.
At alam ko na hinding hindi siya papabayaan ng kanyang lola at lolo sa kabilang buhay labis man naming isipin ang pang-yayaring iyon at hinding hindi na namin muling maibabalik ang kanyang buhay.
Bilang isang ina ni Rein walang mas sasakit pa na mawalan ng isang anak na may mabuting puso.
"Rein Alfonzo paalam hinding hindi ka namin makakalimutan ito na ang pinaka masakit na pagmasdan ang magpaalam sa pinaka mabuting anak "
BINABASA MO ANG
Not A Fairytale (BoytoBoy)
Novela JuvenilAko nga pala si Rein Alfonzo wala na akong mga magulang kaya nakatira ako sa lolo at lola ko minsan iniisip ko na paano kaya kung hindi ako naging kakaiba maymagmamahal kaya sa akin? Pinangarap kong maging masaya pero puro pagsubok ang binibigay ng...