Chapter 5

45 2 3
                                    

* Chesca POV *

Napaunat ako sa upuan ko ng magising ako. Hindi sa kusa akong gumising kundi may sumipa sa upuan ko kaya ako nagising. Pero ang sarap sa pakiramdam dahil nakatulog ako ng maayos kahit ilang oras lang... Naghikab muna ako bago tumingin sa may gilid ko na siyang sumipa sa upuan ko.

" Kamusta ang pakiramdam mo? " tanog ko dito.

" Better. " sabi nito saka tumayo at umalis na ng room.

Sinundan ko muna siya ng tingin saka tumingin sa taong nasa harapan ko.

" Ginising mo? " tanong ko dito na ikinatango niya naman.

" Langyang Lily yun, kaya pala ako ang pinagising niya para ako yung masapak. " sabi nito na halata yung inis sa boses niya.

Kaya naman pala may sugat siya sa labi... Sa mga ganitong sitwasyon kasi mahirap gising ang babaeng yun.. nanununtok. Tulad ko! Lalo na at kulang kami sa tulog. At mukhang naisahan siya ni Lily sa bagay na yun.

Lumabas na rin kami ng room ni Chester at sinundan si Zen, hanggang sa makarating kami sa may gym na kung saan kami ulit magpapraktise para sa project namin.

" Anong nangyari sa mukha mo? " nagtatakang tanong ni Nai kay Chester.

" Sinuntok ni Zen. " sabi nito na halata parin yung inis niya.

" Ha? "

" Hindi ka sinuntok ni Cheska? " sabi ni Lily na halata yung pang-aasar sa boses niya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Chester.. at alam ko sa isip nito.. pinapatay na nito si Lily... Ikaw ba namang ipain sa taong natutulog hindi ka magagalit?

" Tama na yan, magpraktis na tayo at ng makakain na ako. " sabi ko sa kanila at inilabas na yung gitara ko na dinala ko kanina.

" Makakain o matulog? "

" Both. " nakangising sabi ko sa kanya.

Sumimangot naman ito saka lumapit kay Zen para tapikin at gisingin. Agad kasi itong humiga sa bleachers pagkarating namin sa gym...

" Bakit hindi niya sinuntok si Lily? " reklamo ni Chester.

" E kasi po.. umiidlip lang yan si Zen kaya malamang gising pa yung diwa niya. Nanununtok lang yan kapag as in tulo na tulog siya tapos gigising mo? " sabi ko sa kanya.

" Hindi ko naman siya gigisingin kung hindi siya pinagising sa akin ni Lily. "

" Kasalanan ko bang masunurin ka. " natatawang sabi ni Lily.

Nagsimula na kaming magpraktis dahil sa susunod na araw na namin ito gagawin. May kunting pagkakamali pero naaayos naman... Dahil kung hindi namin aayusin.. makakatanggap kami ng isang malakas na batok kay Zen. Medyo may pagkasadista pa naman yun.

Mabuti nga walang tao dito ngayon sa loob ng gym, kaya walang may nagrereklamo sa ingay namin. Nag- eecho kasi yung tunog sa loob

" Bakit parang ang rami naman yatang tao sa field. " sabi ni Nai habang naglalakad kami papuntang canteen.

" Baka dumating na yung dating student dito. " sabi ni Chester.

" Talaga? Kaya pala halos mga babae ang nandon. "

Falling ApartWhere stories live. Discover now