Kahit anong tanggi ko ng malaman ko kung saan ko susunduin ang anak niya... Wala na akong magagawa kundi sundin ang nakapagkasunduan na namin. Sa oras kasi na tinanggap mo na yung deal.. ay bawal kanang umatras. Dahil kapag umatras k.. ikaw mismo ang magbabayad sa kanya.. ng doble.
Mandurugas din kasi ang isang yun.
Medyo nakahinga ako ng maluwag pagkababa ko ng sasakyan dahil mukhang malinis pa ang paligid.. sa ngayon! Ewan ko nalang pagkalabas namin mamaya.
Nagsimula na akong lumakad ng masigurado kung nalock ko ng maayos ang sasakyan... Mahirap ng mawala ang sasakyan ni Boss, dahil hindi ko yun kayang bayaran... Marami kasing nag-aangkin ng mga sasakyan dito.. kahit hindi naman sa kanila.
Pagpasok ko sa loob ng Combat.. expect ko ng sobrang rami talagang tao dito sa loob.
Mga taong may ipinagmamayabang.. mga taong tuso.. mga taong dapat mong iwasan! Inshort.. mga taong DELIKADO!
Kaya bago pa may mangyaring gulo dito.. kailangan ko ng hanapin yung taong ipinunta ko dito. At lumayo sa lugar na toh.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at palinga-linga sa paligid na hindi pinapansin yung mga matang nakatingin sa akin... Ayaw kung salubongin ang mga tingin nila, dahil kapag ginawa ko yun.. baka isipin ng mga ito na naghahamon ako ng away... Mapatrouble pa ako.
Lakad linga lang ang ginawa ko hanggang sa makita ko ang isang taong kulang nalang pati baso lunukin niya.
Hindi pa man ako nagsisimulang lumapit sa kanya ng may bwesit na humarang sa akin.
" Talagang hindi makatiis noh? "
Kanina ko pa kasi siya napapansin na nakatingin sa akin.. hindi lang ako lumulingon dahil baka isipin nita na interesado ako sa kanya.
" Hi! Can I help you? Kanina ko pa kasi napapansin na mukhang may hinahanap ka. "
Pati yun napansin niya?
Nagpatuloy lang ako sa paglakad at nagkunwaring hindi ko siya narinig. Pero talagang sumunod pa ang bwesit.
Nakarating ako sa pwesto ng babeng yun bago pa lumapit sa kanya yung isang lalakeng mukha palang halatang manyak na.
" Lasing kana.. mukhang kailangan mo ng umuwi. " sabi ko dahilan para lumingon ito sa akin.
" Blythe? "
" Yeah! Its me, Blythe. "
Nagulat naman siya at napaayos ng upo.. mukhang nawala din sandali ang pagkalasing niya dahil hindi ito makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. Kita mo talaga yung gulat sa mga mata niya.
" A-ano ang ginagawa mo dito? "
" Obvious pa ba? Edi sinusundo ka... Kailangan na nating umuwi Zen. " sabi ko at hinawakan siya sa braso para alalayan siya.
Sinamaan ko siya ng tingin ng tabigin niya ito.
" Ayaw ko pang umuwi. " sabi nito saka tumungga na naman ng alak.
YOU ARE READING
Falling Apart
RandomA girl who love her family and friends parang walang pakialam sa mundo, pabago-bago ng mood kung minsan. A boy who didn't care to hurt anybody to protect her family and the person who is love.