Nagbihis at nag-ayos lang ako pagkarating namin sa bahay. Nilutoan ko narin ng merienda ang kapatid ko saka umalis. Kailangan kung maging maaga, dahil tulad ng sabi ni Zen may kailangan pa akong tapusin. Dahil alam kung hindi ako tatantanan ng mga ito.
Napatingin ako sa side mirror ko at bahagya akong napangisi ng makitang dalawang motor ang nakasunod sa akin at may tig-iisang sakay pa... Mahirap ba akong kalabanin kaya apat ang pinadala niya?
Iniliko ko ang motor sa sunod na kanto at doon sila hinintay sa hindi mataong lugar. Medyo madilim na kay sigurado akong walang makakakita dito sa amin. Pinatay ko yung makina saka sumandal sa motor habang naghihintay sa kanila.
" Ang tagal niyo.. bilisan na natin dahil may trabaho pa ako. " sabi ko ng makarating sila.
" Hindi kami nandito para saktan ka bata. Nandito kami para maningil. " sabi nito ng makababa sila sa motor nila.
" Maniningil? Sa pagkakaalam ko wala akong utang sa inyo. "
" Ikaw wala! Pero yung ama mo meron. Malaking perang inutang ng ama mo sa Pinuno namin at kailangan niyo yung bayaran. "
Hindi kami umutang pero kami yung magbabayad? Loko din ang isang to noh.
" Wala kaming utang sa inyo kaya hindi kami magbabayad! " inis na sabi ko sa kanila.
Ngumisi naman ito at unti-unting lumapit sa akin. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makarating siya sa harapan ko.
Tinabig ko naman yung kamay niya ng balak nitong hawakan ang mukha ko.
" Kamukhang-kamukha mo nga ang ama mo. Pero tandaan mo, sa oras na hindi kayo makakabayad ng utang niyo. Isa sa pamilya mo ang magiging kapalit. " sabi nito saka tuluyan na silang umalis.
Napaisip naman ako sa sinabi nila. Alam ko kung anong klaseng tao ang ama ko, pero ang hindi ko alam na may utang pala ito. At sa tingin ko seryuso ang lalakeng yun dahil hindi naman sila magsasayang ng oras sa isang katulad ko kung wala silang kailangan.
Kailangan kung kausapin si Mama sa bagay na to, baka sakaling may alam siya.
Pagdating ko sa bar agad akong nagbihis ng uniform namin saka tumulong sa pagseserve sa kanila. Medyo marami kaming customer ngayon kaya kailangan kung tumulong sa pagseserve kahit hindi naman talaga ito ang trabaho ko dito.
" Nandito ba si Boss? " tanong ko sa kasamahan ko habang kumukuha kami ng order.
" Ang sabi ng mga kasama natin kaninang umaga pa daw wala si Boss. Baka hindi na yun pupunta dito dahil masyado ng gabi. "
Napatango naman ako at napapaisip. Nakakapagtaka lang kasi lagi namang nandito si Boss at kung may mahalaga man siyang pupuntahan nagsasabi naman yun sa amin na hindi siya makakapasok dito.
Nagpatuloy naman kami sa pagseserve hanggang sa umabot na kami ng hating gabi ay dagsa parin ang mga tao. Kaya no choice kami kundi tumawag ng back-up.. lalo na at kailangan ko ng umuwi. Pero bago ako umuwi tumawag muna ako kay Zen para magtanong kung kasama niya ang Papa niya.. pero mas lalo akong nagtaka ng ring lang ng ring ang phone niya. At doon na ako kinabahan kaya pumunta ako sa bahay nila para malaman kung ano ang nangyari.
Halos manlumo ako pagdating sa bahay nila ng makita ko sa mismong harapan ko ang mga taong nakaitim na nagkalat at nagkahandusay sa buong paligid. Kapansin-pansin rin ang mga balang halos punuin na ang lupa.
" Sh*t! Bakit hindi tumawag ang babaeng yun. " naiinis kung sabi at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nila. At tumambad sa akin ang mga sirang gamit, baril, mga taong nakahandusay sa hagdan sa salla at sa kahit ano mang sulok ng bahay. Idagdag mo pang maraming dugo ang nakakalat.
Mura ako ng mura habang hinahanap sa bawat sulok ng bahay si Zen at si Boss. Pero hindi ko siya natagpuan sa loob ng kanilang bahay, maging sa kwarto nila na parang dinaanan din ng bagyo ay wala siya don. Kaya muli akong lumabas para doon maghanap. Ikot parin ako ng ikot sa buong bahay nila hanggang sa mapadpad ako sa may swimming pool nila. Hindi ko rin kung ano ang meron sa akin dahil bigla nalang ako napatingin sa may swimming pool. Napakunot noo pa ako habang tinitingnan ng maigi ang taong nakakulob sa gitna ng pool. At ng mapigura ko ang postura nito. Hindi na ako dumalawang isip pa para tumalon at tulongan siyang makahaon at maialis sa pool. Napamura nalang ako ng malakas ng makitang parang wala na itong buhay ng iaharap ko siya sa akin.
" Ano ba ang pinagagawa mo babae ka. " nabwebwesit kung sabi habang akay-akay ko siya sa balikat ko at lumalangoy patungong sa dulo ng pool.
At ng makarating na ako don, talagang kinaya ko ang sarili ko na iakyat siya ng mag-isa. Naging successful naman ako kay dali-dali akong umakayat at binigyan siya ng CPR.
Mura parin ako ng mura habang pilit na kinakalma ang sarili, dahil ilang oras na akong nandito at ilang ulit ko narin siyang binibigyan ng CPR pero wala paring nangyayari. Gusto-gusto ko ng sumuko, pero alam kung hindi dapat dahil buhay ng kaibigan ko ang nakataya dito.
Pinunasan ko ang luha ko at muling pumwesto sa harapan niya para bigyan siya ulit ng CPR. Hindi ako sumuko kahit na masakit at pagod-pagod na yung mga kamay ko, nagpatuloy parin ako sa ginagawa ko, hanggang sa marinig ko na yung pag-ubo niya. Kaya dali-dali ko siyang inalalayan kasabay non ang paghagud ko sa likod niya.
" Halika ka, dadalhin kita sa hospital. " sabi ko at agad siyang inalalayan para tumayo, pero hindi man lang kumilos ang babaeng to. " Lets go Zen, kailangan mong magamot. " nag-alalang sabi ko sa kanya.
" No! Kailangan kung iligtas si Daddy. "
Napatigil naman ako sa sinabi niya, at agad na bumalik ng upo sa kanyang harapan.
" Nasaan si Boss? " seryusong tanong ko sa kanya.
Matagal ako nitong tiningnan bago siya sumagot. At kahit na dumadaloy yung luha sa mga mata niya, kitang-kita mo ang nag-aapoy nitong galit.
" They took my Dad, Blythe. They took him! " galit nitong sigaw.
Alam ko kung sino ang tinutukoy niyang kumuha sa Daddy niya, and I know kung ano sila klaseng tao. Kagaya ni Zen, nag-aalala din ako kay Boss sa maaring gawin ng mga ito sa kanya, ayaw kung magpadalos-dalos dahil kapag nagkataon baka pareho pa kami mapahamak. And I know mas uunahin iligtas ni Boss ang anak niya bago ang sarili. And that's' I'm going to do now. Ang ipagamot muna ang anak niya.
" Ililigtas namin ang Daddy mo Zen, pero bago yan. Kailangan mo muna magpagaling. " mahinahon kung sabi sa kanya.
" Wala na akong oras para sa bagay na yun, Blythe. Kailangan ako ng Daddy. "
" Pero sa sitwasyon mo, mas lalo ka lang mapahamak! " inis na sabi ko sa kanya. " Sa tingin mo ba gugustuhin ni Boss na makita kang ganyan? Hindi diba? Kaya magpagaling ka muna, dahil alam kung ikaw ang inaalala ni Boss sahalip ang sarili niya. " dagdag ko pa.
Natahimik naman ito habang nakatingin sa akin, maya-maya lang ay humagolgol na ito ng iyak, Napabuntong hininga nalang ako sa ginawa ng babaeng to, I know na matapang sir, but I know na sa loob nito ay sobra itong nasasaktan sa nangyayari sa kanila. And I'm here para alagaan at damayan siya.
YOU ARE READING
Falling Apart
RandomA girl who love her family and friends parang walang pakialam sa mundo, pabago-bago ng mood kung minsan. A boy who didn't care to hurt anybody to protect her family and the person who is love.